Kabanata XIV

81 14 4
                                    

[ꜱᴛɪʟʟ ᴅᴏɴ'ᴛ ᴏᴡɴ ʜᴀʀʀʏ ᴘᴏᴛᴛᴇʀ ᴀɴᴅ ɢʀᴇᴇᴋ ᴍʏᴛʜᴏʟᴏɢʏ.]

Ikatlong Persona

Hindi lang si Mia ang makikita na tumatambay sa corridor ng Charms Classroom, kaya lang naman siya nakatayo rito dahil balak niyang hintayin na matapos ang klase nina Harry.

Nakakaramdam na kasi siya ng guilt, paano ay sa nagdaang buwan sobra siyang nabusy. Ni hindi na siya nakakapagsanay gamit ang espada. Mas natuon kasi ang atensyon niya sa pagfinalize ng mga contract ng magical being na hinire ni Alex para magtrabaho sa itatayo nilang shop. That's right hindi lang witches and wizards  ang magtatrabaho sa kanila. Assistant ni Alex, isang shifter na grumaduate sa Castelobruxo.

Wizarding school na matatagpuan sa Brazil, and it is known for its ties to the magical creatures of the rainforest.

Nung mabasa nga ito ni Mia, parang gusto na talaga niya magtravel. Sisimulan niya nga ito sa pagbisita sa mga wizarding school. Although, para hindi siya tanggihan ng mga Headmaster/Headmistress ay dapat may gawin muna siyang kakaiba. Sapat para makuha ang atensyon ng mga importanteng tao sa ibang bansa. Tri-wizard tournament nga ang naiisip ni Mia na magiging entablado niya. Pero matagal pa naman ito kaya mas nagfofocus muna siya sa shop, at sa kilos ni Quirrellmort.

Pagkatapos kasi ng halloween saka magbubukas sa publiko ang shop. Umunti na rin ang paperworks na dumadating kaya ngayon nandito siya para bumawi kina Harry. Naalala niya lang yung mangyayari mamaya nung marinig ang boses ni Ronald.

Lagi na lang ata itong may pinariringgan sa tuwing madadaanan niya ito, or pipirmi sila sa isang lugar ng matagal. “It’s no wonder no one can stand her,” napangiwi na lang si Mia nang makita ang natigilang pigura ni Parvati. Siya pa ang minalas na pumalit sa role niya. Habang si Seamus naman ang katabi ni Ronald, imbis na si Harry.

Speaking of Harry, kalalabas lang nito sa classroom, kasunod siyempre si Neville. Lagi naman magkasama ang dalawa. O tatlo kapag hindi busy si Mia. Para kasing parte na ng lion house si Mia, dahil ang kompotable niya kapag pumupunta sa common room ng Gryffindor. Hindi siya nagpapaapekto sa pagpaparinig ni Ronald, iniisip kasi niya bakit niya ito papatulan? Mas matanda siya rito. Hindi rin naman ito nagtatagal kasi sinasaway ng upper year si Ronald kapag masyado na itong nagiging maingay, tipong hindi na lang si Mia ang naiistorbo niya.

Nagreklamo rin ito sa Fat Lady, kasi bakit daw nito pinapapasok si Mia? Para saan pa kamo ang password kung may hindi naman lion na nakakapasok sa dorm nila? Ang sagot ng Fat Lady? Wala. Nagpapanggap na lang din ito na hindi naririnig si Ronald.

Bumalik ang atensyon ni Mia kay Ronald nang tawagin niyang nightmare si Parvati. Dito hindi na nga nakatiis si Parvati, nung lagpasan niya si Ronald, shinoulder check niya ito na kinangisi lang ni Ronald. Agad din naman itong nabura nung banggain siya ni Padma. Nakasunod lang pala kasi ito kay Mia, kaya nakita at narinig niya ang sinabi ni Ronald sa kakambal niya.

“I think she heard you,” understatement of the year. Ang dapat na sinasabi ni Seamus ay lahat ng first year narinig ang sinabi ni Ronald. Ang lakas naman kasi talaga ng boses nito. Nung mapansin nga niya sa crowd si Harry ay mas pinuff niya pa ang dibdib, ang oblivious niya talaga sa klase ng tinging ginagawad sa kanya nina Harry.

“So? She probably realize that she has no friends,” pumalatak muna si Mia, bago sinundan ang kambal. She had to make sure na hindi iiyak sa lavatory itong si Parvati. Ayaw lang niya na malagay ito sa alanganin, since isa ata sa fixed-point ang troll scene. Kailangan niya nga pa lang i-check yung girl's bathroom, may bumabagabag kasi sa kanya. Parang may hindi magandang mangyayari?

Laging sinusunod ni Mia, ang guts niya kaya naman imbis na sumunod kina Harry, papunta sa Great Hall ay nagtungo si Mia sa lavatory. Good thing then dahil nakarinig siya nang pag-iyak. Tinanong niya si Myrtle, kung kanina pa ba nasa loob ang babae? Sumagot naman ng 'oo', si Myrtle.

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Feb 23 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Demigod Hermione Onde as histórias ganham vida. Descobre agora