Kabanata 7

29 3 0
                                    

Matapos kumain ay nag pahinga lang ako ng kaunti bago naisipan matulog. Tanghali at maganda ang panahon kaya't masarap matulog. Pero ng papasok na ako ng kwarto ni Antonio ay biglang may sumabog. Agad akong napaluhod sa sahig kasabay ng pagtakip ng aking mga tainga.

Kasunod ng pag sabog ay mga taong nag kakagulo, mga putok ng baril. Mas lalo pa akong nagulat ng bumukas ang pinto ng kwarto ni Antonio, siyang niluw nito ang katawan ni Antonio. Hinila niya ako paalis doon at sabay sabay kami nila Aling Camila umalis sa kanilang bahay.

Dumeretso kami sa gubatan kung saan bihira lamang dumadaan ang mga sundalo. Ang sundalo ng bansang pilipinas ay kaniya kaniyang laban upang maipagtanggol ang lugar ng Kawit Cavite. Sa unang pagkakataon masasaksihan ko mismo ang rebolusyon.

Nang makahanap kami dito sa gubatan ng ligtas na lugar ay nagpahinga kami. Si Angelito ay iyak ng iyak, nalimutan ko na nandoon nga pala siya sa bahay nila Antonio noong magsimula ang giyera.

"Babalik ako doon, sila mama!" nagpupumilit kumawala si Angelito sa pag kakahawak ni Antonio ngunit hindi siya makawala dahil sa higpit ng hawak ni Antonio sa kaniya.

"Hindi ka maaaring bumalik doon, marahil ay sira na at wala na doon ang iyong pamilya." masinsin na saad ni Antonio.

Naaawa ako may Angelito, walang kasiguraduhan kung magiging ligtas ba ang kaniyang pamilya. Uupo pa lamang ako sa kahoy na naroon ng may sumigaw.

"Hands up!" pag angat ko ng tingin ay nakita ko ang isang sundalong may hawak na baril at nakatutok sa amin.

Lahat kami ay napataas ng kamay saglit sumagi sa isip ko na pabuhat na lang ba ako sa pamilya nila Antonio?

'Wala ka man lang ba gagawin, Drianna? Isa kang De Leon.'

Napapikit ako sa sumagi sa isip ko. Dahan dahan akong lumapit sa sundalo, rinig ko ang pag sigaw ng bawat miyembro ng pamilya ni Antonio. Parang nag didilim ang paningin ko, bigla ko na lang hinawakan ang baril ng sundalo at siyang iniikot dahilan para mabitawan niya ito.

Nang hawak ko na ang baril ay mabilis ko itong ipinukpok sa ulo ng sundalo kasunod ng pag pukpok ko ay ang pag bagsak nito sa damuhan. Hiningal ako doon dahil mabigat ang baril.

Nabaling ang atensyon ko sa isang babaeng lumabas sa isang puno. Siya iyong babaeng laging nakila Antonio, may mga galos siya kaya agad siyang dinaluhan ni Antonio. Pinagmasdan ko bawat galaw ng dalawa. Kung sa akin ay simpleng pag aalala lang ang nasa mukha ni Antonio, pag dating sa babae ay doble ito.

May kung anong bagay ang tila sumaksak sa puso ko, the way he took care of that girl. Bakit nga ba sa dinami dami ng pwedeng makitang lalaki ay dito pa talaga sa lumang panahon. Sa pahanon na mas matanda siya sa akin at hindi kami pupwede.

"Binibini ayos ka lang po ba? Pakiusap 'wag niyo na pong ulitin ang bagay na iyon, ayokong mawala ang aking naging ate." nabigla ako ng yakapin ako ni Angelito, ramdam ko ang tingin sa amin ng mga kasama namin.

Lumuhod ako para mapantayan si Angelito, hinawakan ko ang kaniyang pisngi. Makikita sa mata ni Angelito ang takot at pag aalala. Napatango ako ng naka ngiti dahil sa inasal ni Angelito.

"Ayos lamang ako," tanging nasabi ko dahil totoo namang ayos lang ako.

Bandang magdidilim na ay naghanap kami ni Angelito ng pang gatong na siyang pwedeng gamiting liwanag namin pansamantala. Habang namumulot kami ng pang gatong ay matamlay si Angelito. Kasama namin sila Antonio at yung babae sa pag hahanap ng panggatong.

Napaka arte nung babae, sumama sama pa puro naman kaartehan ang meron sa katawan. Ewan ko ba bakit ako naiinis dun. Saglit sumagi sa isipan ko ang tunay na pakay ko sa lugar na ito. Kaya't napagpasiyahan ko na bukas na bukas ay magsisimula na akong mag hanap tungkol sa gamot.

Heartless: Drianna Where stories live. Discover now