Kabanata 23

18 2 0
                                    

Tumigil ang mundo ko ng makitang nakahandusay sa lupa si Angelito na may dugo. Kaya kahit sandamakmak na bala pa ang umuulan sa amin ngayon ay pinuntahan ko kaagad si Angelito.

"Angelito, gising! Angelito nakikiusap ako sa'yo imulat mo ang iyong mga mata!" naluluha kong sambit.

Ngunit kahit anong pang gigising o pag yugyog ko sa kanya ay hindi niya pa rin minumulat ang kanyang mga mata, sumunod na nangyari ay nasa aking tabi na si Antonio, nilingon ko siya kahit umiiyak ako. Panay iling ako dahil ayokong mawala si Angelito sa akin, sa amin.

Pinagmasdan ko siyang hawakan ang pulso ni Angelito at naghihintay ng kanyang sasabihin. Nang tingnan niya ako ay umiling siya dahilan para lalo akong humagulgol.

'Patay na siya'

'Pinatay siya ng mga armadong lalaki'

"H-hindi ako naniniwala sa iyo ginoo, buhay pa siya, buhay pa si Angelito!" sigaw ko sa kanya, muli kong niyugyog si Angelito para muli siyang gisingin pero wala na talaga.

Naging tahimik ang paligid senyales na tapos na ang pag papaulan ng mga armadong lalaki ng bala. Wala akong nagawa kundi ang humagulgol habang tinitingnan ang katawan ni Angelito.

Kaya pala niyakap niya ako kanina kasi yun na yung last na yakap niya, kaya pala panay ngiti siya kasi yun na yung huling ngiti na aking masisilayan. Muli akong nawalan ng mahal sa buhay, matapos ang ilang taon muli kong naranasan ang mga bagay na hindi ko masyadong naranasan noon.

Sino pa bang susunod na mawawala? Nang sa ganun ay mapaghandaan ko. Si Angelito ang kaisa isang batang naalagaan ko, naging malambing siya sa akin pero sa murang edad siya ay nawala ng dahil din sa akin.

Una, yung tatay ni Antonio namatay ito ng dahil sa akin. Pangalawa, si Angelito namatay din siya dahil sa akin. Dalawang tao na ang namatay para sa kaligayahan ko. Tsaka yung gamot? Pakiramdam ko imbento lang yun kung hindi namin kailangangang hanapin iyon hindi ako mapapadpad dito at higit sa lahat walang mamamatay.

Marami pa siyang pangarap sa buhay, nais niya pang maging isang sundalo gaya ng kanyang kuya Antonio pero paano pa niya gagawin iyon kung sa isang iglap ay nakaratay na siya.

"Halika na binibini, hindi na natin mabibigyan ng maayos na burol si Angelito dahil didiretso libing na siya." kalmadong sambit ni Antonio na nagpainit sa dugo ko.

"Ano? Hindi natin bibigyan ng maayos na burol si Angelito?!" sigaw ko sa kanya at marahan siyang tumango. Kaya nag alma pa ako baka sakaling magbago ang kanyang isip at payagan na magkaroon ng maayos na burol si Angelito.

"Ngunit... Hindi ba maaari kahit isang araw lang? Hindi pa ako handang makita siyang ilibing." nakatingin ako sa bangkay ni Angelito habang sinasabi iyon.

"Hindi natin maaaring iburol si Angelito dahil baka maulit muli ang pag atake ng mga armadong lalaki, hindi mo naman gugustuhin na may mamatay muli hindi ba binibini?" sandali akong natauhan sa kanyang sinabi.

"Pero paano ang mga magulang ni Angelito? Anong sasabihin natin?" muli kong tanong.

"Nabaril si Angelito ng mga armadong lalaki." natahimik ako sa sinambit niyang iyon.

'Mga armadong lalaki'

Kilala ko na kung sino ang may pakana ng mga ito. Kailangan kong mapatunayan na ang taong nasa likod ng pangyayaring ito ay ang taong nasa isip ko. Tumingin ako kay Antonio na ngayon ay nakatingin sa akin. Tumango ako sa nais niyang mangyari sa bangkay ni Angelito, may inutusan si Antonio na isang tao para sabihin sa pamilya ni Angelito na wala na ito.

Hindi na ako nagpaalam kay Antonio at basta na lamang umalis. Nararapat na makuha ni Angelito ang hustisya para sa kanya. Alam kong walang lakas ang pamilya nila Angelito para alamin kung sino ang nasa likod ng pag papaulan ng bala sa libing ng ama ni Antonio.

Heartless: Drianna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon