Kabanata 9

25 3 0
                                    

Hindi ako dumeretso sa bahay nila Antonio sa halip ay pumunta ako sa ilog kung saan kami naligo ni Angelito, ang sarap ng sariwang hangin rito sa ilog. Ang aking mga paa ay nakatubog sa tubig habang ang bewang pataas ay nakaupo sa bato.

Nagmumuni muni ako pero naputol iyon dahil may tumabi sa akin, nang tingnan ko kung sino ay si Martin, siya na naman. Nakangiti siya sa akin kaya't sinuklian ko rin ng ngiti ang kaniya.

Hindi rin nagtagal ang pakikipag eye to eye ko sa kaniya dahil pinagmamasdan ko ang agos ng ilog. This day i realized that everything happened for a reason. Nawalay ako sa mga kaibigan ko but i still cared for them, i still thinking if they are safe.

"Ang pangit mo kapag malungkot ka." saad niya dahilan para mapabaling ako sa kaniya.

"Ano ang iyong sinabi?" may bakas na iritasyon sa boses ko at unti unting tumayo.

"Nag bibiro lamang ak-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng sabuyan ko siya ng tubig ilog.

Alam ko na agad na babawi siya kaya lumayo ako ng konti habang tumatawa. At ayun nga ang nangyari, nagbasaan kami sa ilog na kaming dalawa lang ang tao. Magiging malapit rin ba sa akin itong si Martin? Pero baka magalit si Antonio kapag nalaman niya, teka nga bakit ko ba laging iniisip kung anong mararamdaman niya.

Nang mapagod kami sa pagbabasaan ay nagpahinga kami kung saan kami kanina nakaupo. Pareho naming hinahabol ang sarili naming hininga. Ngayong araw nobyembre nuebe, naranasan kong muli ang makipag laro.

Dahil narito si Martin at tila maging malalapit pa siya sa akin ay hindi ko inisip kung kailan ako babalik sa kasalukuyan dahil parang ayoko na bumalik. Ang saya manirahan ng simple, kahit mahirap ka pero nandun ang saya.

Pero ayokong magtiwala agad agad kay Martin dahil kapatid niya si Marcel. Babae siya pero panlalaki ang kaniyang ngalan.

Nagkatinginan kami ni Martin wala sa sariling nagtawanan. Nang maburyo kami sa lugar na iyon ay nag ikot ikot kami, parang tinu tour niya ako. Salita siya ng salita habang ako nakikinig lang.

Nakarating kami sa dulo ng masasanda street at kusa akong napatigil ng makita kung sino ang naroon. Si Antonio. . . Anong ginagawa niya rito? Nag panggap akong hindi natatakot sa kaniya kahit ang totoo ay nakakatakot ang mga tingin niya.

Para siyang hayop na nakawala sa zoo anytime aatakihin ako para lamutakin. Ihh gross.

"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya, wala siyang ibang sinabi pero yung mata niya ay parang sinusumpa ako.

"Umuwi ka na, Drianna." wait did he just call me by my first name?

Nag aalalang tumingin ako kay Martin dahil sabi niya ay ipapasyal niya pa ako rito pero mukhang malabo na ata. Marahan siyang tumango pero bakas ang lungkot sa kaniyang mukha.

"Sige na, binibini. May gagawin pa nga pala ako, salamat sa iyong oras." saad niya, pinanood ko siyang maglakad palayo sa amin ni Antonio.

Nang malayo na si Martin ay walang emosyon kong hinarap si Antonio, tiningnan ko lang siya at nagpunta na sa bahay nila aling Camila.

'Akala mo naman kung sino makapag utos.'

Inis akong naglakad pauwi sa kanila, ang kanina kong saya ay napalitan ng inis. Malayo pa ang kanila pero nabigla ako ng higitin niya ang braso ko.

"Bakit ba sama ka ng sama kung kani kanino?" tanong niya,

"Ano bang masama doon ginoo, nais niya lamang ako ilibot sa inyong lugar." mahinahon kong sambit. Rinig ko ang pag buntong hininga niya kung kaya't napaangat ako ng tingin.

Nang mag tagpo ang aming tingin ay mabilis akong umiwas, pero hinila niya ako at niyakap. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya, may nararamdaman ba siya para sa akin?

Pero hindi pwede at ayoko rin na mahulog sa kaniya. Hanggat maaari ay kaibigan lamang. Mabilis akong lumayo sa kaniya, bakas sa mata niya ang gulat sa ginawa ko.

Umiling ako ng umiling at kasabay nun ay ang pagpatak ng aking luha.


Flashback

"Galing nga ho ako sa puntod nila mommy." mahinahon kong sambit noong papasok ako ng bahay.

"Puntod? Pero ginabi ka? Ano ha natututo ka na rin ba lumandi dahil sa mga kaibigan mo?" i didn't control myself to hurt my auntie.

Ang ayoko lang naman ay may sinasabi silang masama sa mga kaibigan ko, unang una sila ang nasa tabi ko noong nawala sina mommy. Noong wala akong masandalan na kamag anak.

"How dare you! Wala ka na ba talagang respeto sa pamilya mo?" sigaw ni auntie, mapakla akong tumawa habang yung mga luha ko ay nagbabadyang tumulo.

"Respeto ho ba? Hindi niyo nga nirespeto mga kaibigan ko at pati na rin ako! Tapos ngayon hihingi kayo ng respeto sakin?" itinuro ko ang kung saan na para bang naroon ang mga kaibigan ko.

Natahimik siya at maging ang mga anak niya na naroon sa pamamahay ko. Yes sa akin nakapangalan ang mansyon, all of properties nila mommy at daddy. Kung pwede nga lang na palayasin ko sila ngayon ginawa ko na, pero sila itong nag mamagaling na kesyo ampon lang ako at wala akong karapatan sa pamamahay na ito.

Tanggap ko naman na ayaw nila sa akin pero hayaan nila ako at ang mga kaibigan ko mag sama.

"Simula ngayon, wala kayong karapatan na isumbat sa akin ang mga ginawang sakripisyo nila mommy at daddy. Tanggap nila ako kahit hindi nila ako kadugo kaya sana, sana ganun rin kayo. . . Auntie." matapos kong sambitin iyon ay umakyat na ako sa kwarto ko.

May frame doon na kung saan ay naroon ang litrato nila mommy at daddy, lumapit ako doon at marahan iyong hinaplos. Wala pang isang buwan silang namamatay pero ang dami na agad nangyari.

Simula sa tiyahin kong mataas ang tingin sa sarili, sa iba pang kamag anak nila mommy at daddy. I think simula pa lang ito ng pagpapahirap nila sa akin. Pero lalaban ako, ayokong lumaking mahina at takot. Gusto kong lumaban para sa pamilya ko kahit wala na sila.

Oo, nasanay akong nakadepende ako kila mommy at daddy pero tinuruan nila akong huwag dumepende sa kahit sino. Maski sa mga kaibigan ko.

Heartless: Drianna Where stories live. Discover now