1 - Stumbled

46 0 0
                                    

Trigger Warning: strong language and violence




Bright.


Palaging 'yan ang masasabi ko dahil parang mabubulag na 'ko sa sobrang liwanag ng aking paligid kahit hindi naman. I was, again, wearing a very long white gown with a flower crown on my head. May mahika akong nararamdaman sa katawan ko at siya ang nagpapagalaw sa akin na tila isang kaluluwang namamahay sa katawan ko.


"Ikaw. Ikaw ay itinadhanang magmahal. Magmahal ng isang nasa anyo ng tao, hindi mapipigilan kahit anong iwas o pag-iba ng desisyon."

"Iyon ang mangyayari, dahil ikaw ang tinatangi. Ikaw ang araw, ang buwan, at ang ilaw. Ikaw lang ang para sa kanya."


I never know where the voices come from, nor whom they belong to. It's always there, on repeat, and never changing. But hearing how sweet and womanly those voices are, I knew it belongs to an adult woman. Noong una natakot pa ako pero dahil wala namang nangyayari, binalewala ko na lang. Wala namang nawawala o masamang nangyayari kaya hindi ko na lang pinapansin.

Nagsimula na naman akong maglakad at tumigil sa isang puno. Ang mga dahon ay naghahalong kulay kahel at dilaw, nagniningning na parang mga ginto. Para akong nahipnotismo sa ganda ng hiwaga ng kapaligiran ko. May kung anong mahika ang nagtutukso sa'kin na mas lumapit pa roon.

Maya-maya, may ibong bumaba sa puno. Para itong agila ngunit ang mga kulay ng balahibo niya ay kagaya ng punong iyon pero may hinalong ginto at pula habang bahaghari ang kulay ng pakpak at buntot. Maganda ang blending kaya nagmistula itong tinatanging tagabantay ng mga punong gano'n.


"Phoenix..."


I was startled after those words escaped from my lips. It is the first time ever since I started dreaming about it. Nakakapagsalita na 'ko hindi tulad noon na walang lumalabas na boses sa mga labi ko. Hindi ako makapaniwala!

Nakuha ng atensyon ko ang paglipad ng ibon. Nagsisimula na naman siyang maglaho, parang naglalagas at nagiging abo.

All of the sudden, my chest started pounding real hard. It's like I'm being tortured inside. Parang hindi na ako makahihinga pa. It's as if I'm anxious, worried, nervous, and paranoid. Naghahalo ang mga iyon pero parang wala akong pakealam. Para ring may sariling kaluluwa ang katawan kong ako naman ang kaluluwa.

Nanghina na rin ang mga tuhod ko dahil nauubusan ako ng lakas, bunga nito ang tuluyang pagbagsak ko sa sahig. Tuluyan na ngang hinigop ang natitirang lakas sa katawan ko. I curled on the floor while catching my breath. I was sweating more and more.

Sumunod nang sumakit ang ulo ko kaya napakapit ako roon. The pain becomes more and more unbearable, as if it's tearing my head apart. I can't do anything because I am overwhelmed by the overall pain in my body. I felt dizzy again, and I know I am this close to waking up.

Ano na naman ba ang nangyayari? Palagi na lang ako ganito, alam kong malapit na 'kong magising. Pero ayaw ko dahil nalilito ako sa mga nararamdaman ko.


Ang sakit!


Mauubusan na 'ko ng hininga!


Ang sakit!


"RAIN!"

A Wild Spark of my FireOù les histoires vivent. Découvrez maintenant