3 - Storm Brewing

26 0 0
                                    


"Look who's back!"

"Sino?" Tanong ni France pagkalapit niya. Nagkalapitan kami ng ulo para pakinggan ang sasabihin niya.

"Si Aizen! Nakabalik na from States!" Bulong ni Nina sa'min, parang kami palang ang unang nakakaalam no'n.

"Tayo-tayo lang ba may alam?" He asked, worried. It's as if it isn't a good thing. "Baka kumalat na naman sa buong department niyo e ikaw pa naman ang pinakaunang nakakasagap ng balita ng kung ano-ano!"

"Oo, sa inyo ko lang pinaalam kase nakita ko siyang umuwi—"

"Anong umuwi?" Tanong naman ni Yori.

"Gago ganito kase 'yun oh. 'Di ba, last weekend nag-post ako ng video na nasa bahay ako ng mga pinsan ko. That day mismo! Eto lang 'yung bahay nila." Ginamit niya pa ang mga kamay niya para maipaliwanag 'yung nangyari. "So eto lang 'yung gate nilang malaki, tapos, sa kabilang kalsada 'yung bahay ng pinsan ko, malayo lang ng ilang blocks."


Actually, it really isn't a good thing. Aizen is the notorious manipulative playboy in the campus with a breaking record of dating five women all at once and they all belong to different majors and universities. Nakikita ko palang ang anino no'n, amoy red flag na. Hindi na bago sa'min ang cheating issues niya at ang mga babaeng nagpapakatanga sa kanya dahil sa galing ba naman niyang manipulahin ang sinumang napupusuan nito.

The three of them kept talking while I mind my business, but I'm actually listening to them. Then I watched Hera's expression. She stayed silent reading a book while sipping coffee, unbothered. I can't help it, worried pa rin ako kahit isang taon na ang nakalipas. 


"Huwag ka mag-alala, Hera! Nandito naman kami kapag niyaya ka niyang makipag-comeback." Sabi ni France at inakbayan siya.

"Nakikita ko palang mukha no'n gusto ko nang upakan e. Pati pinsan ko iniwan niya e 'yon pala, may tatlo na." Nanggigigil na sabi ni Nina, marahas niyang binaba ang kamao sa lamesa. "Bwisit na playboy 'yan, balang araw ikaw din ang paglalaruan!" 

"Guys, I'm fine nga." Ngumiti si Hera. "Naka-move on na 'ko. Ang sa'kin lang, he has nothing to do with me anymore, so let's just leave it be. At least natuto na 'ko." Mahinahong sabi niya at isinara ang libro. "Besides, sabi niyong mag-focus na lang ako sa pag-aaral so uhmm... Salamat sa inyo, dean's lister ako."

"Awww... proud kami sa'yo, master Hera. Buti ka pa, bukod sa may glow up na nga sa itsura, nag-glow up pa sa utak. Ritwal reveal oh!" Nagtawanan kami kay France, pinaparinig si Yori.

"Wala akong ritwal e. Ano... dinaan ko na lang sa dasal." Tumawa siya. "Tapos ano... bawas bawas din sa pagiging flagpole, gano'n."

"Wow nagpaparinig ka ba kase masakit 'yung atake ha!"

"France tabi, bulag ka sa red." Bara ko. "Cancel niyo 'yan, tumatanggap ng red flag." I sipped a little bit of coffee before turning to Hera. "Oh 'yung sinabi namin sa'yo ha? Tandaan mo 'yon, Hindi ka namin tinulungang mag-move on nang sa wala. Suportado ka namin palagi."

"Nasa tamang squad talaga ako." Pagkatayo namin, inakbayan niya kami. Maghihiwalay na ulit kami dahil magkaklase na kami.


She sure is growing up just fine. I hope it continues like that, that life has better things to offer her on her journey.


I wish I could also be like her, bold and wise.


We went back to our respective departments. Pagkaakyat ko sa second floor ng building ay an'daming taong may kung anong inaabangan. Karamihan pa sa kanila ay ibang major at hindi dapat nandito sa building namin! Nalilito kong tinignang maigi ang mga initials ng nasa uniforms nila, may iba ay sa may business major at arts. Mas malayo ang building nila pero bakit nandito sila? Halos hindi ako makadaan dahil nagkukumpol kumpol sila malapit sa classroom na papasukan ko. 

A Wild Spark of my FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon