5 - The Senior

21 0 0
                                    

"H-How are you feeling? Okay ka na ba?" Bungad sa'kin ni Hera, alalang alala siya sa'kin nang malaman ang nangyari.


Inayos ko ang blouse sa ilalim ng puting hoodie na suot ko. Vacant namin kaya nasa student lounge kami para tumambay muna dahil after twenty minutes ang next class namin.

I kind of had a fever after blacking out. Napag-alala ko pa ang pamilya ko dahil sina Ate Raycee at Kuya Rayjann ang nakakita sa'kin sa lapag ng kwarto ko. I was told that I was so close to a boiling pot when they got my temperature. Sabi ng nurse namin, fever talaga ang meron ako at burn out. I mean... it makes sense but I still doubt what happened that day, I know I wasn't on the verge of getting sick.

At ngayon naman, totoo na nga dahil sinisipon pa rin ako, naiwang bakas ng lagnat. Nagpumilit pa akong okay na 'ko dahil tatlong araw na 'kong hindi pumapasok. Pagkapasok ko naman ay grabe ako maghabol sa lessons, pakiramdam ko isang semester na ang nakalipas sa tatlong araw na nawala ako. I sighed, gan'to pala kahirap magkasakit sa college.


"Hay jusko, buti andito ka na! Girl! Balita ko may bagong student sa department niyo."

"Tangina neto. Accounting ka oy hindi architecture! Laboy ka nang laboy dito e walang papi rito!" Umamba siyang hahampasin si Nina, naupo siya sa tabi ko at niyakap ang braso ko. "Pati chismis ng ibang department hindi mo pinapalagpas!"

"Eto naman, napakabayolente kay aga-aga pa! Aysus, kaya nga nandito kase nasagap ko ang chismis na may papi rito."

"Alam ko na 'yan! Kwento mo kay Ranielle dahil bida-bida ka naman."

"Kahit ano pa ikwento mo sa'kin, parati akong makikinig. Dahil isa akong mabuting kaibigan." Sabi ko at ngumiti nang sobrang plastik. Pabiro niya akong hinampas.

"Tangina mo ah." Tinarayan niya 'ko. "Anyway, ganito 'yon ha! Senior daw siya, architecture student daw and ang alam ko, busy ata sa sched kasi may changes pero pumapasok na siya ah. First day daw niya kahapon. And who knows, makasama niyo siya sa class niyo 'di ba? Pogi raw and matangkad, tapos, balita ko half. May foreign lahi ang gwapitang ito." Kwento niya, kung magsalita siya ay parang bakla. "A-fam yata. Hindi ako sure. Pero basta may lahi. Makikita at makikita mo sa isang tinginan lang. Now, hindi na kita i-spoil para may thrill at isipin mo kung sino siya." Kinindatan niya ako.

"Baka exchange student siya?"

"Maybe exchange student siya, iyon ang 'di ko pa sure."

"Tangina talaga." Bulong ni Hera sa gilid.


Sabay kaming napalingon sa mga nagbubulungang mga estudyante. I think pinag-uusapan nila ang senior na 'yon sa laman palang ng bulungan at bungisngisan nila. He made quite an impression on his first day, I guess. Ganoon ba siya kagwapo? All I can imagine is just blonde hair and blue eyes. Hindi naman siguro masamang mag-imagine na blondita rin siya kagaya ko 'di ba? Since half foreigner nga raw... 

Hindi ko na tinuloy ang pag-eavesdrop ko sa bulungan nila. Magpapanggap na lang akong walang narinig dahil hindi naman naririnig nila Hera 'yon dahil normal silang tao.

Habang nagkukwentuhan ang dalawa, nakinig lang ako habang nag-aaral ng mga na-missed kong discussions. I kind of had a hard time learning, sabog pa rin ako tapos may sakit pa. Hindi na 'ko natutuwa rito—


A magical feeling from a powerful force...


Nanlaki ang mata ko sa naramdaman ko, natigil ako sa pagsusulat para lingunin kung saan nanggaling iyon. It's a familiar but strange feeling, like déjà vu. There is a faint force of power that I... feel. I can feel that it's too distant but enough for me to feel it. Wait... 

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Feb 02, 2023 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

A Wild Spark of my FireWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu