4 - Clues

31 0 0
                                    

"Kadiri siya, girl!"

"Kala niya maganda siya?"


Ay gorl, maganda naman talaga ako. Na-outshine ko pa 'yang sa'yo.


"Balita ko nga ampon 'yan e! Blondita kahit wala naman sa lahi nila 'yon."

"Hindi naman kami insecure sa kanya, no! No offense pero sadyang 'di lang siya pasok sa standards ko."


Taasan mo standards mo, sis, hindi dapat ako 'yung nag-a-adjust sa low and poor standards mo.


"Magjojowa na nga lang two-timer pa!"

"Sa bagay, sino ba namang hindi makakatanggap kay Aizen e campus crush 'yon ever since na nag-aral dito. Biruin niyo nga walang nakatalo sa kanya." 


Ay sorry ka sis, hindi ko fave color ang red. At mas lalong hindi ako bulag at nagpapaka-flagpole sa red flag.


My gosh gustong gusto ko na sabihin 'yan sa kanila! Tawang tawa na 'ko sa kaloob looban ko sa dinami dami ng inside jokes kong hindi ko man lang mai-share. I've been rehearsing nonstop on how I would roast them if they dare to pick on me. Grabe talaga mag-imbento ng kung ano-ano ang mga tao ngayon, sa totoo lang! Sarap makipagbangayan e, pero kelangan ko munang magpaka-mysterious and cold nerd girl dahil... putanginaaaaAaAaaaAaaaA!!!!

Napabuntong hininga na lang ako habang paakyat ako ng building. Gusto ko na talaga magpalamon sa lupa dahil sa mga kinginang mga ito! Ubos na ubos na ang dignidad ko dahil sinusundan ko lang naman ang advice ng mga kaibigan ko pero hindi ganito ang expectations ko. 


"Rain, alam kong mahirap ang pagdadaanan mo ngayon dahil hot issue ka sa sophomores at seniors. Nag-aalala lang kami dahil baka kawawain ka nila." Mangiyak ngiyak na sabi ni Nina. "Kapag pinagtsi-chismisan ka, 'wag ka dapat magpapahalatang affected ka, basta magpakatatag ka lang. Iyon ang mahalaga!"

"Tapos gan'to ka, sis. 'I dont know what you're talking about' ang sabihin mo kapag tinanong ka tungkol sa issue. Magmukha kang clueless para unti-unti mong masagap ang context ng false chismis ng mga 'yan!" Inakbayan ako ni France. "We will help you survive! Hayaan mo ang mga insecure na 'yan! Sadyang mababa lang ang mga standards nila dahil extraordinary ka!"


Ang cringe pero I like the compliment.


"Ano ba kayo, alis diyan! Sinasakal mo e." Nilayo ni Hera si France nang konti bago bumaba para maglebel ang tingin namin dahil nakaupo ako. "Unang una sa lahat, I know na naninibago ka pa sa paligid mo. Pero dahil worried kami, sana pahalagahan mo ang tips namin for you when it comes to chismis. Number one, dapat magpaka-cold and mysterious girl ka."

"Eto glasses oh. Anti-radiation 'yan ha? Walang grado 'yan kase alam naman naming mas malinaw pa sa kinabukasan namin 'yang mga mata mo." Yori handed me a pair of glasses, it looked brand new and somewhat... expensive.


Akala ko may epekto ang glasses pero parang wala. First time ko maging topic ng chismisan dahil sa pesteng Aizen na 'yan e. Sa totoo lang, napapaisip ako kung paano na-handle ito ni Hera at 'yung mga taong nagmumukhang unbothered sa chismis. I already know that people handle it differently, pero iba pa rin kapag ikaw na mismo 'yung nasa posisyon nila. At dahil isa pa rin akong baguhan, hirap akong i-handle ito at magpanggap na hindi apektado. Sinasabi ko na lang sa sarili ko na, kailangan ko ring matutunan ito para ma-survive ko ang college life ko.

A Wild Spark of my FireNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ