Chapter 11

1.2K 59 39
                                    

"Oh my bad. I'm sorry. I'll introduce myself again." inilahad ni Jace ang kamay sa lalaking kaharap saka siya muling nagsalita.

"I'm Senior Special Agent Jace Evangelista. NBI agent and a husband of Beatriz." Aniya na may diin ang salitang husband.

Kita niya ang paggalaw nang panga ng lalaki sa harapan nila. Nagtatagis ang bagang nito at matalim ang ipinupukol na tingin sa kanila.

Kung nakamamatay lamang ang mga tingin nito tiyak niyang pinaglalamayan na sila sa mga oras na iyon.

Kinakabahan naman na napatingin si Beatriz kay Javier. Hindi niya alam kung paano nito nalaman na nasa pilipinas sila. Ang bilis nitong natunton ang kinaroroonan nila. At alam niyang simula na iyon ng kalbaryo niya.

Palipat-lipat ang tingin ni Beatriz kina Jace at Javier. Ang kaninang takot niya ay biglang naglaho na parang bula dahil kay Jace. Pakiramdam niya ay safe siya habang nasa tabi niya si Jace.

Tumingin si Javier sa kamay ni Jace saka ito ngumisi.

"I don't fucking care who the hell are you!" Ani Javier saka ito tumingin kay Beatriz. "Let's go Beatriz!" Matigas at maotoridad nitong ani. Hinawakan muli nito ang kamay ni Beatriz.

Nagngingitngit na sa galit si Jace ngunit pinanatili niyang kalmado ang sarili. Hindi siya maaaring magpadalos dalos dahil maaaring malagay sa panganib ang pinakamamahal niyang babae.

Hinapit niya ang baywang ni Beatriz palapit sa katawan niya kaya nabitawan ito ni Javier. Napatili naman si Beatriz dahil sa gulat.

May takot siyang nadarama ngunit may saya din dahil pakiramdam niya ay ayaw siyang bitawan at ipamigay ni Jace.

Kung nasa ibang pagkakataon sila tiyak niyang nagliliparan na ang mga paru-paro sa tiyan niya dahil sa kilig.

"Brad, alam mo ba na may kasabihan tayo? Ang kay Juan ay kay Juan. At kapag pinakialaman ang pagmamay-ari ni Juan, sigurado akong magkakamatayan." Ani Jace habang nakangisi dito.

Ngumisi din si Javier ngunit mas tinapatan ito ng ngisi ni Jace na parang nang-uuyam, kaya lalo itong nagalit.

"Really? Well, if that's what you want!" Ani ni Javier saka ito mabilis na bumunot ng baril at itinutok ito sa mukha ni Jace.

Napatili si Beatriz kaya mabilis itong itinago ni Jace sa likuran niya.

Mabilis din na bumunot ng baril si Robles at itinutok iyon kay Javier. Maging ang mga tauhan ni Javier ay bumunot din ng baril saka itinutok sa kanila. Ngunit laking gulat ni Javier at ng mga kasama nitong lalaki nang makarinig sila ng mga pagkasa ng baril sa likuran nila.

Napatili ang mga tao at nagkanya kanyang takbo palabas. Hanggang sila na lamang ang maiwan sa loob ng restaurant na pagmamay-ari ni Beatriz.

Tumingin sa likuran ang mga tauhan ni Javier at nanlaki ang mata ng mga ito nang makitang may mga lalaking nakatayo sa likuran nila habang may hawak ng baril at nakatutok sa mga ulo nila.

"B-Boss!" Nag-aalalang ani ng isang tauhan ni Javier na sa hula nila ay kanang kamay ito. Tumingin ito sa may tapat ng dibdib ni Javier kung nasaan ang pulang ilaw na tanda na may nakatutok ditong sniper gun mula sa malayo.

Napangiti si Jace nang makita iyon. Alam niyang maaasahan talaga si Hiro pagdating sa ganitong bagay. At kahit kailan ay hindi pa ito pumalya. Isa si Hiro sa kanilang departamento sa pinakamagaling bumaril mula sa malayuan

"Bud, pakisabi nga dyan sa intsik beho na yan na huwag siyang makulit dahil baka magulat ako at makalabit ko ang gatilyo." Tumatawang ani ni Hiro mula sa earpiece niya sa tainga.

(Agent Series 6) The Widowed and the AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon