Chapter 13

1.3K 51 14
                                    

Kinabukasan ay nagising si Beatriz dahil sa pagtunog ng cellphone niya na nasa side table ng kama niya.

Pupungas pungas siyang bumangon saka umupo sa kama. Tiningnan niya ang bakanteng higaan na siyang tinutulugan ng anak niya sa kanyang tabi. Siguro ay kasama na ito ni Manang Dori dahil parating maaga nagigising ang anak niya.

Napatingin muli siya sa side table nang tumunog muli ang cellphone niya. Kinuha niya ang ito saka sinagot at itinapat sa kanyang tainga nang hindi man lang inaalam kung sino ang tumawag.

"Hello." Mahinang aniya habang nakapikit pa ang isang mata.

"Good morning, love. Nagising ba kita?"

Sandali siyang natigilan saka iminulat ang mata. Unti-unting sumilay sa kanyang labi ang isang mabining ngiti nang makilala ang boses ni Jace sa kanilang linya. Agad ding nagrigudon ang puso niya dahil sa pagbati nito sa kanya.

Kung ganyan kalambing at ka-sexy ng boses ang bubungad sa kanya sa umaga ay tiyak niyang walang sisira ng araw niya. Pakiramdam tuloy niya ay maraming insekto ang lumilipad sa loob ng tiyan niya sa mga oras na iyon.

Ikaw ba naman ang batiin ng ganon sa umaga tiyak na maiihi ka sa kilig at walang poknat ang pagngiti mo, na animo'y umabot hanggang tainga.

Nakagat niya ang labi upang pigilan ang kilig na nararamdaman. Animado siya na ang pagiging malambing ni Jace ang isa sa kinasasabikan niya noong naghiwalay sila.

"Good morning too, love." Malambing din niyang sagot sa bati nito.

"How's your sleep?"

"Hmm.. Good." Tipid niyang sagot habang kagat kagat ang hintuturong daliri upang pigilan ang pagngiti.

"Really? Pero mas good yan kung katabi mo ako." Ani Jace. Narinig pa niya na inasar ito ng mga kasamahan nito kaya natawa na siya.

Ang aga-aga ang landi-landi. Pasalamat ka gwapo ka.

"Parang hindi naman good yon. Kasi sigurado akong mapapagod na ako mapupuyat pa ako sayo." Aniya.

Dinig niya ang masarap sa pandinig na malutong na tawa nito. Ewan ba niya pero parang musika para sa kanya ang halakhak at tawa ni Jace.

Siguro ay dahil nanabik siya dito at dahil mahal niya ito kaya gusto niyang lagi itong masaya at tumatawa.

"Evangelista, tigilan nyo na yan. Kinikilabutan ako sa inyo. Ang aga-aga ang lalandi nyo." Dinig niyang ani ni Blade.

Natawa siya at napailing. Maging si Jace at tumawa na rin saka niya narinig na umaray si Blade. Siguro ay nahampas na naman ito ng kaibigan.

"Ewan ko sayo. Inggit ka lang kasi wala kang kalandian." Sagot naman ni Jace kaya napahagikhik na siya ng tawa.

Dinig pa niya ang iba nilang kasamahan na pinagtutulungan si Blade.

"Hindi ko kailangan ng kalandian dahil mayroon naman akong malaki at malapad na kamay." Tumatawa nitong sagot na siyang hinagalpakan ng tawa ng lahat ng kasama nila.

"Gago, magaspang yang kamay mo. Kakalyuhin yang batuta mo." Sigaw ng isang kasamahan pa nito na hula niya ay si Hiro.

Dinig niya na nagkakagulo na sa kabilang linya. Siguro ay naghahabulan na naman ang mga ito.

Napansin ni Beatriz na may pagka-isip bata ang mga ito at madalas ay magbiruan kapag nasa ospina. Ngunit alam niya na sa oras ng trabaho at operasyon ay makikita ang pagiging seryoso ng mga ito.

"Sandali lang love. Lalabas lang ako. Ang iingay nila hindi kita maririnig." Ani Jace

At dahil maingay sa kabilang linya ay hindi na siya sumagot pa. Pinakinggan na lamang niya ang nangyayari sa kabilang linya.

(Agent Series 6) The Widowed and the AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon