Chapter 18

1.1K 57 6
                                    

Isang buwan ang mabilis na lumipas simula nang manirahan si Beatriz sa puder ni Jace. Bawat oras at minuto ay hindi siya iniiwanan ni Jace. Kahit saan ito pumunta ay parati siya nitong kasama. Daig pa nga niya ang buntot nito, dahil kahit sa pagpunta sa headquarters upang magreport ay kasa-kasama siya.

Sa ilang linggo din na magkasama sila ay hindi siya pinabayaan ni Jace. Parati nitong ipinaparamdam sa kanya kung gaano siya nito kamahal. At daig pa nila ang bagong kasal at nasa honeymoon stage pa lang kung umasta.

Malambing at maalaga si Jace sa kanya. Pakiramdam nga niya ay masyado siya nitong bi-ni-baby  Lagi nitong iniisip ang kapakanan at nararamdaman niya. Inuuna nito ang kaligayahan niya at ang magpapasaya sa kanya.

Bawat oras at araw na kasama niya si Jace ay lalo niya itong minamahal. Ipinaparamdam nito sa kanya na hindi siya nag-iisa sa tuwing malungkot siya, lalo na sa tuwing nami-miss niya ang kanyang ama at anak ay nariyan ito upang pasayahin siya.

Madalas naman nilang dinadalaw ang anak sa pamilya ni Kevin, ngunit hindi pa rin siya lubusang maging masaya hangga't hindi niya ito nakakasama. Gusto na niyang matapos ang problema nila at mahuli na si Javier upang tuluyan na silang matahimik at makapamuhay ng payapa.

Abala sa pagluluto ng tanghalian sa kusina si Jace habang si Beatriz naman ay nasa sala at nililibang ang sarili sa panonood ng TV habang kumakain ito ng chips. Nang biglang may kumatok mula sa labas ng pintuan nila.

Agad na sumilip si Jace upang tiyakin kung nasa sala ang kasintahan. Nang magtama ang paningin nila ay pareho silang ngumiti sa isat-isa.

Kahit isa siyang magaling na chef at may-ari ng isang restaurant ay hindi pa niya nararanasan na magluto sa kusina ni Jace. Hindi siya nito pinapayagan na kumilos sa mga gawaing bahay lalo na ang pagluluto.

Ang dahilan nito ay parati na daw kasi siyang nagluluto para sa ibang tao, kaya ito naman ang magluluto para sa kanya. Buhay prinsesa siya sa piling ni Jace at hindi niya maiwasamg matakot dahil baka may hangganan ang nararamdaman niyang sobrang kasiyahan. Sabi nga ng iba na kapag masyado ka daw masaya ay siguradong may kapalit itong kalungkutan. Kaya hindi niya maiwasang matakot .

"Love, pakisilip mo nga kung sino ang tao sa labas. Silipin mo muna bago mo buksan ang pinto. At tigilan mo na yang pagkain mo ng chips kakain na tayo."

Agad na humaba ang nguso ni Beatriz dahil sa pagbabawal nito sa kinakain niya. Para siyang bata na pinagsabihan nito na huwag kumain ng junk food. Literal kasi siya nitong bi-ni-baby at parang bata kung ituring nito.

Hindi siya sumagot at nakabusangot siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sofa.

Napailing at napangiti naman si Jace dahil sa pagbusangot ng kasintahan. Pakiramdam niya ay para siyang nasa alapaap sa tuwing kasama niya ito. Mahal na mahal niya si Beatriz at sisiguraduhin niyang mapapa sakanya ito ng tuluyan sa oras na matapos ang hinaharap nilang problema. Hindi na nga siya makapaghintay na isunod ang pangalan niya sa pangalan nito.

"Huwang kang bumusangot d'yan dahil baka ikaw ang kainin ko." Ani muli ni Jace

Agad na nag-init at pinamulahan ang mukha si Beatriz dahil sa sinabi nito. Inikutan na lamang niya ito ng mata at tinalikuran upang itago ang pamumula ng mukha niya na siyang ikinatawa ni Jace.

Nang silipin ni Beatriz ang bintana upang tingnan kung sino ang kumakatok ay agad na umasim ang kanyang mukha. Biglang nagbago ang mood niya at nawala ang kanina lamang ay kilig na nararamdaman dahil sa sinabi ng nobyo.

Padabog niyang binuksan ang pinto at sinimangutan ang babaeng nasa labas na may hawak na plastic food canister na tulad ng dala nito ay may plastic din na ngiti sa labi.

(Agent Series 6) The Widowed and the AgentWhere stories live. Discover now