Chapter 4

110 35 6
                                    

Chapter 4



Pagkatapos ng mga pangyayari kanina ay ginamot uli ng mga doktor ang lalaki. Malamang e nadagdagan ang tamo niya. Hindi na lang tama sa utak ang meron siya, pasa na rin sa katawan!




Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggal ang pangamba sa akin. Pa'no kung hindi lang pala iisang lalaki ang susugod sa kanya susunod? O di kaya'y mamaya? Isa pa, dagdag bayarin nanaman ang abot namin dito dahil baka mas tumagal pa siya rito ng ilang araw, lalo na at nadagdag ulit ang mga natamo niya.





Nakakaawa ang lalaki pero, meron pang mas nakakaawa keysa sa kanya. Walang iba kundi ako! Ako na naglalako lang ng siomai kasama ang kapatid ko kanina ay nadamay sa gulo at nadagdagan ang bayarin!




Jusko, ito na ba ang parusa ko? Ang bayaran ang bills ng ibang tao?




Napayuko na lamang ako habang napapahilot ako ng sintodo. Tanghali na at di pa kami kumakain ni Pepot, kailangan na rin naming umuwi. Ang prinoproblema ko pa ay baka nag-aalala na sila nanay sa amin. Isa pa, siomai na nga lang ang pinagkukunan namin ng kita minsan, naibato ko pa! Kainis naman! Ba't ko ba kasi binato? Ni hindi man lang ako nag-isip ng maayos.




Baliw talaga!




" Miss?" Tawag sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin ay kamuntik akong masilaw sa liwanag. Paano ba naman kasi, nakatapat ang panot na doktor sa may ilaw, syempre magre-reflect iyon, masakit sa mata. Kahit papaano naman ay nakikinig ako sa Science subject noong elementary kaya alam ko ang salitang " reflection."





" Ayos na ulit ang kasama mo." Nakangiting aniya. " Pasabi na lang uli kapag nabugbog–este may concern nanaman about sa kanya. Okay?" Nangingiting aniya. " Sige, mauna na ako hija. " Aniya, hanggang sa makahakbang ito palayo sa amin ay half closed ang mga mata ko. Malamang ayaw ko mabulag.




Nang tuluyan na siyang makaalis ay doon lamang ako umayos ng upo. Sa wakas!




Maya-maya ay nangungurot sa akin sa tagilan. " Ate, gugutom na ako. " Nakasimangot na saad ni Pepot. Oo nga pala, hindi pa kami kumakain. " Ah teka lang, paalam muna tayo sa lalaki tapos magbayad na tayo ng bills–" naputol ang sasabihin ko dahil, paano kami makakapagbayad eh hindi pa naman tapos ang lalaki rito sa Ospital? Matatagalan pa bago siya makaalis..




Nakagat ko tuloy ang ibabang labi ko sa pag-iisip. Kung iwan ko na lang kaya ang pera sa mga palad niya? Magising naman siguro siya ano? Tapos mapapansin naman siguro niya ang pera. Kapag nagkulang man bahala na, muka naman siyang kompleto sa SSS at Pag-ibig.





" Ako na lang pala ang papasok sa loob, dito ka na lang ha? " Tumango lamang ng tamad ang kasama ko. Pagkatapos ay tumayo na ako at pumasok sa kinalalagyan ng lalaki.






Lumapit ako rito at pinagmasdan muna siya, kapansin-pansin talaga ang dark brown na buhok niya at mahahaba niyang pilik mata. May bahid rin ng dugo dugo at pasa ang matangos niyang ilong. Di maikakaila na guwapo siya, maputi rin. Ang mga paa niya ay lagpas sa kama dahil matangkad ito. Kahit na may kaasiman ang nakalaban niya kanina, himalang amoy pa rin ang totoo niyang bango. Bango.





" Iiwan ko na muna sa'yo ang ibabayad mo. Kapag nagkulang, bahala ka na, muka namang puno ang SSS mo eh.." Sabi ko rito na may kasamang pagbibiro.




Pasensya na talaga sa lalaking to, kailangan na naming umalis. Baka hinahanap na rin kami sa amin. Isa pa, nadala na rin naman namin siya rito sa ospital. Imposibleng hindi rin malaman ng mga kamag-anak niya ang nangyari sa kanya, paniguradong mayaman siya. Sa sasakyan niyang may brand na Rolls-royce, imposibleng yon lang ang kaya niyang bilhin. Rolls-Royce ang brand ng kotse niya kung di ako nagkakamali dahil double "R" ang logo ng sasakyan kanina.





Mafia's Favorite Downfall IWhere stories live. Discover now