Chapter 6

97 27 0
                                    

Chapter 6
This is revised and edited version of the story.



" Hindi pa kita pwedeng maging manugang, hijo. " Paliwanag ng ama ko. Hindi ko alam kung bakit pinapasok niya pa ito sa loob ng bahay.






" Why not? Masipag naman po akong magtinda ng fish ball..." Aniya. Napakunot nanaman ang noo ko. " Hoi! Anong tindero ng fish ball? ..eh naka Rolls-Royce ka nga. " Tawag ko sa pansin nito. Kasalukuyan akong nasa tabi ng ama ko ngayon habang nakahalukipkip. Nakakainis ang isang to. Sinungaling!






" Rolls-Royce? Ano iyon? Bike lang ang meron ako..tsaka nasa thirty million ang isa non. Imposibleng mabili ko yon kahit pa maghapon akong magtinda ng fish ball.."  Nagtatawang kwento ng lalaki. Aba't nagawa niya pang magkwento ng kasinungalingan.







" Ano bang pakay mo rito? Hindi pa ba sapat na muntik mo na kaming mabangga? Tapos ngayon nagpapanggap kang jowa ko, ni hindi nga kita kilala. Tsaka ano bang tindero ng fish ball ang pinagsasabi mo?" Kontra ko rito, titig lang naman ang ginawa ng lalaki sa akin. Tila ba nalilito ang itsura niya sa mga pinag-sasasabi ko. Maya-maya ay tumayo si Papa. Bigla akong hinila nito papunta sa malapit sa pintuan.






" Ano bang sinasabi mong hindi iyan tindero ng fish ball, tignan mo butas-butas naman ang damit niya ah?.." Bulong ni Papa sa akin.  " Totoo nga po, baka nagpapanggap lang po yan." Bulong ko pabalik. "Eh bakit naman magpapanggap yan? Ano namang pakay niya at magpapanggap siya? Tapos dito pa pupunta?" Tanong niya ulit. " Sabi mo naka-kotse siya, yong Rolls-Royce ba iyon?" Tumango ako. " Dinudugo ba ang ulo niya nong lumabas siya ng kotse? " Bigla naman niyang naitanong.





Base sa pagkakaalala ko dinudugo ang ulo niya non, dumugo ulit iyon nung nabugbog siya sa Ospital..




" Sa pagkakaalala ko po, dinudugo ang ulo niya non. Tapos, naulit nong may sumugod sa kanya sa Ospital at inatake siya ng suntok." Paliwanag ko sa ama ko. Nagtinginan kaming dalawa pagkatapos ko sabihin iyon. " Hindi kaya...natuluyan na ang utak niya, anak? Kasi muntik niya kayong mabangga, hindi imposibleng nauntog siya sa loob ng sasakyan nong muntik niya kayong mabangga, tapos sabi mo sinuntok pa siya sa may ospital.."





" Hindi kaya na-amnesia na siya, anak? " Tanong nito sa akin. Hindi ko naman alam ang isasagot ko dahil maski ako ay naguguluhan sa sitwasyon ng lalaki. Pero, posible nga ang sinasabi ni Papa. Hindi imposibleng matuluyan ang utak niya, naibangga niya ba naman ang kotse sa poste tsaka nasuntok siya ng isang maskuladong lalaki. Posibleng, mapunta sa brain damage ang nangyari sa kanya.






" Sa tingin ko po.... posible nga.." Sagot ko. Maya-maya ay tumigil na kami sa pagbubulungan at isa-isa kaming bumalik sa dati naming pwesto. Naabutan naman namin na kausap na nito si ate Amanda.  " Kung ganon, swerte pala ang kapatid ko sa'yo. Napaka-pogi mo, mukang branded pa na sabon ang gamit mo kahit butas-butas ang damit mo." Pagkausap ni ate Amanda sa kanya.





Tumingin si ate Amanda sa direksyon namin. " Ava, hindi mo naman sinabi may nobyo–"





" Hindi ko siya kilala at mas lalong hindi ko siya nobyo." Paliwanag ko rito. " Sus, may L.Q siguro kayo. Normal lang iyan sa mga mag-jowa. Sa susunod kasi Toy mag pa-load ka ng marami para di ka nauubusan, nagtatampo tuloy ang kapatid ko sa'yo." Sabi niya rito tsaka tumingin sa akin ang babae.
" Siya sige na, paliliguan ko pa ang baby ko eh." Aniya sabay alis. Medyo nanunuya pa ang tingin niya sa akin nung linampasan niya ako.






Tumingin naman ang lalaki sa Papa ko.
" Tanggap niyo na po ako?" Biglang tanong nito kay Papa. " Tanggapin? Saan?" Tanong naman ni Papa habang ibinubuhos ang lamang ng pitsel sa baso. " Maging manugang." Umiinom na non si Papa at naibuga niya tuloy ang iilang kapiranggot ng tubig mula sa bunganga niya.





Inubo ang matanda. " H-hijo, bata pa ang anak ko. K-kung gusto mo talaga siya..." Tumingin si Papa sa'kin, naiinis naman akong nakatingin dahil tila ba sinasabayan niya ang trip ng lalaking...ewan ko kung may amnesia ba ito o adik lang..





" Kung gusto mo talaga ang anak ko, magtrabaho ka muna. Hanap ka matinong trabaho, ganon. Tsaka antay ka muna, siguro mga tatlong taon, pwede mo na siyang ligawan..." Tumatango-tangong sabi ni Papa na tila kinukumbinsi ang lalaking kausap niya.






Talagang nag advice pa kung kelan dapat pwede na..kahit naman matapos ang tatlong taon ayuko no! Di ko nga kilala itong lalaking ito eh!





" Three years.... isn't that too long? " Wow. Tindero ng fish ball hanep, englishero.  " Pero sige po, kung iyon ang gusto niyo. I'll respect it... I'll wait for your daughter.." Aniya sa aking ama pagkatapos ay sumulyap sa akin. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya. " Kung ganon po, aalis na po ako.." Pagpapaalam nito.





Buti naman...




" O siya sige, mag-iingat ka hijo. " Sinundan naman siya ni Papa hanggang sa makalabas ito ng bahay. Napaka-ramdon ng lalaking iyon..
Sana mauntog na lang ulit siya para bumalik na ang ala-ala niya sa dati, yon ay kung totoo mang may amnesia siya.





Lumabas na lang din ako sa bahay para samahan si Papa. " Saan ba ang bahay mo, hijo? " Tanong naman ni Papa nong nasa labas na kami. Hindi ko sinasamahan si Papa para ihatid ang lalaki. Curious lang ako kung saan siya uuwi. " Sa may high way lang po ako, papasok sa may Purok Dos.." Aniya.






" Ah ganon ba, malapit lang pala. Pwede kang namasyal rito kung kelan mo gusto.." Nang sabihin iyon ni Papa ay tila ba hindi ako makapaniwala. Sa ginagawa niya kasing pagka-usap sa lalaki, mas lalo niyang pinalalaki ang chance ng lalaki na buhayin ang amnesia niya at patayin ang dating siya.






Oo, hindi maitatangging guwapo naman ang lalaki. Maganda ang mga mata niya, matangkad banyaga. Amber kasi ang type ng kulay ng mata niya base sa magazine na nakita ko noon, may mga types ng contact lenses doon, at kasing kulay ng mata niya ang amber contact lenses, kaya alam ko. Bumabagay sa mga kulay ng mata niya ang dark brown na kulay ng pilik mata niya at katam-tamang kapal ng kilay. Maganda rin ang ayos ng buhok niya.






Higit sa lahat, sakto rin ang height niya sa kanyang katawan..




Perfect kumbaga...para siyang modelo..




Pero wala pa rin akong pake....estranghero pa rin siya sa paningin ko.



" Mauuna na po ako." Pagpapaalam niyang muli, bago siya naglakad ay tumingin muna ito tsaka ako nginitian. Natigilan naman ako. " Ingat ka baby ha? Uwi na'ko.." Nakangiting aniya, tsaka tumalikod at naglakad na. Kulang nalang ay lumabas na ang usok sa ilong at tenga ko dahil sa inis. " Kita mo na, yan ang sinasabi ko, anak. Ayos-ayusin mo na ang attitude mo, dahil baka di mo alam may nagkakagusto na sa'yo diyan sa tabi-tabi na tindero ng fish ball." Nagtatawang pang-iinis sa akin ni Papa.




Napakunot naman ako ng noo at medyo napalabi. " Bahala nga kayo diyan." Sabi ko tsaka nagmadaling pumasok sa loob ng bahay. Kung may magkaka-gusto man sa akin, sila ang magbago, hindi ako!











All rights reserved 2022

Mafia's Favorite Downfall IWhere stories live. Discover now