Chapter 7

98 25 0
                                    

Chapter 7

This is edited and revised story





Kasalukuyan akong nagwawalis sa harap ng bahay. Kaunti na lang ay matatapos na ako sa pagwawalis, pagtapos nito tsaka ako maliligo. Tapos na kasi kaming maglako ni Pepot kanina ng mga kakanin. Naubos yon agad kaya maaga kaming nakauwi. Alas sais ng umalis kami para maglako, nakabalik kami sa bahay ng alas syete y media.





" Pwede ba akong tumulong? " Napaigtad ako dahil maya-maya ay may biglang sulpot na boses sa likuran ko. Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang lalaking nag mamay-ari ng magagandang mata.




Nagtaka naman ako kung bakit nandito nanaman siya. " A-anong ginagawa mo dito?" Tila ba nautal ako dahil sa pagtataka. Bakit siya nandito?




" Dadalaw. " Simpleng sabi niya. " Dadalaw? " Tanong ko rito, habit niya pala ang mandalaw, ba't di siya sa sementaryo? Sa tingin ko ay mas kailangan ng mga nandon ang dalaw niya.






" Sino namang dadalawin mo rito? " Tanong ko iyon ngunit hindi ko direktang itinanong sa kanya dahil sinimulan ko na ang pagwawalis ulit. " Ikaw." Aniya naman. Ako? Muka ba akong preso na hindi nadadalaw?





" Ba't mo naman ako dadalawin? May sinabi ba ako? " Sarkastikong sabi ko rito. Hindi ko kasi gets ang lalaking ito. Totoo kayang na-amnesia na siya? O baka mamaya ay nantitrip lang?






" Teka...totoo ba talagang malapit sa may Purok Dos ka nakatira? " Tanong ko rito dahil kabisado ko ang mga tao ron at ni anino niya ay di pa nakitang nadako sa lugar na yon.  " Oo, since birth ako don. Nakalimutan mo na ba, baby? " Aniya. Medyo kumulo naman ang dugo ko kasama ang tyan ko. Gutom na ako at medyo naiinis.





" Isa pa kabisado mo ron. Nakalimutan mo na? " Aniya. Dahil sa labis na pagtataka kung totoo bang nakalimot ito ay nagtanong pa ako ng mga tanong.
" Sino naman ang mga magulang mo? " Biglang tanong ko rito.





" Wala na sila.." Yon lang ang sagot niya bago kinuha ang walis mula sa akin tsaka sinimulang pagkumpunihin ang mga nawalis ko. Kinuha niya rin ang may dust pan sa gilid tsaka ginamit iyon.
" Ulila ka? "





" Hindi, pinalayas ako. " Sagot naman nito. Habang mas tumatagal na kausap ko siya ay tila nalilito na ako. Hula ko talaga ay may amnesia na ito eh, pero syempre alangan namang aminin niya eh nakalimot nga siya?





Napatango-tango na lamang ako dahil doon. Ayaw ko na tuloy magtanong. Hindi ko kasi alam kung dulot pa ba ng amnesia ang mga pinag-sasabi niya o talaga bang may buhay siya na ganoon. Napabuntong hininga na lamang ako. Pagkatapos niyang ikumpuni at itapon ang mga nakumpuni ay inilagay niya na sa gilid ang dust pan at walis tingting tsaka siya nagpagpag ng kamay sa may suot niyang pantalon.






Nagtaka tuloy ako ng makita ko ang suot niyang pantalon. Malabo na ang kulay at medyo may butas na maliliit. Napa-isip tuloy ako kung saan niya nakuha ang suot niya, samantalang noong nasa ospital ay ang ganda-ganda ng itsura niya. Gwapo pa rin naman siya sa itsura niya ngayon kahit ganoon ang suot niya. Para nga siyang banyagang model.






" Good morning po.." Napalingon ako sa likod nang may batiin ito. Si Papa na papunta na sa trabaho. " Ah.. good morning rin.." Balik na bati ni Papa. " Napadalaw ka ulit, Abel? " Tanong ni Papa. Nakalapit na ito sa amin ng masabi niya iyon.





" Ah, opo. Maaga po kasi akong nagising. Naisip ko lang na baka kailangan niyo rito ng tulong.." Sagot naman ni Abel. Napatango si Papa dahil doon. Tumingin ito sa akin.





" M-maraming salamat sa concern hijo..pero wala ka bang pinagkakaabalahan? Di ba kasi naglalako ka ng fish ball, di ka ba maglalako ngayon? " Tanong ni Papa.




Himala at natanong niya iyon. Mabuti ngang matanong niya iyon at ng makaalis na ang isang ito rito. Wala naman kasi siyang gagawin rito..kaya bakit siya narito di ba?




" Hindi po muna ako maglalako ngayon. Tutulong na muna po ako kay Ava. " Napakunot naman ang noo ko ng sabihin niya iyon. " Ba't naman ako magpapatulong sa'yo? " Tanong ko rito, maya-maya ay natapik ako ni Papa sa gilid. Di ko naman kasi kailangan ng tulong.






" Okay lang naman na tumulong ka sa anak ko hijo, pero baka may mga importante ka pang gagawin eh..baka makaabala." Pekeng nangingiti si Papa habang sinasabi iyon.






" Okay lang po Mang Ernesto. " Ani ni Abel. Napamulat naman kami ng banggitin niya ang pangalan ni Papa.
" T-teka hijo, pa'no mo nalaman ang pangalan ko? "  Nauutal na tanong ni Papa. " Oo nga...paano mo nalaman ang pangalan ni Papa? " Maging ako ay ganoon rin ang gustong itanong ng mabanggit niya ang pangalan ni Papa. Nakakapagtaka kasi. Napatingin tuloy kami ni Papa sa isat-isa.





" Nalaman ko po sa kapit-bahay niyo, kay Mildred.." Aniya. " Ahh, ayon naman pala anak eh. Masyado lang tayong OA.. malamang maraming chismosa rito lalo na iyang Mildred." Nagtatawang sabi ni Papa. Bagamat nagdadalawang-isip ay naniwala na lang din ako. Hindi nga naman kasi imposibleng malaman niya iyon, upgraded kasi ang mga chismosa rito. Kaya nilang makita ang future, nag-uwi ka lang ng kaklaseng lalaki ay malamang paniguradong para sa kanila, next week ay buntis ka na.





" Okay lang po sa akin na tumulong kay Ava. " Sabi naman ni Abel. Napangiti na lang si Papa dahil sa pagpupumilit ng lalaki. " Ah s-sige hijo.." Aniya naman ni Papa.





" Isa pa, ayaw ko pong napapagod ang baby ko.." Parehas kaming gulat ni Papa ng sabihin niya iyon. Baliw talaga siya! Baliw na may amnesia!





Ayaw ko mang magpatulong ay makulit naman ang lalaking si Abel. Ultimo paghubugas ng pinggan ay siya ang gumawa. Pati ata sa pagsasaing ko ay nakikialam siya. Nakita pa ito nila ate Amanda, Ayan tuloy todo panunudyo ito sa amin. Dumating si mama ay siya rin ang tumulong rito sa mga iba pang gawaing bahay, maging si Mama tuloy ay nagtataka sa mga nangyayari. Malaki ang pagtataka niya dahil bukod sa pagtulong ni Abel ay hindi niya pa ito nakikilala. Dahil sa kasipagan ni Abel, sinibak na rin niya ang mga kahoy na nakakumpuni sa harap ng bahay, dapat ang mga iyon ay si Papa ang sisibak pero naswertehang makita ni Abel kaya siya na ang gumawa.






Hanggang sa pag-uwi ni Papa ay naroon pa rin si Abel. Umuwi lang ito kaninang tanghali para mananghalian sa bahay niya. Inaya ko na ito para naman hindi nakakahiya ngunit ayaw niya. Nakakakonsensya tuloy...pero babawi iyon nong nagpaalam na siya pauwi dahil binanggit nanaman niya ang tawag niya sa akin na ayaw na ayaw ko.






Ang salitang ' baby '









All rights reserved 2022

Mafia's Favorite Downfall IWhere stories live. Discover now