Chapter 5

110 33 0
                                    

Chapter 5
This is a revised version of the story. Errors ahead.
__






" Ava? Pwede bang pakidagdag ito sa linalabhan mo? " Tawag sa akin ni ate Amanda habang naglalakad siya at palapit. Kung kelan patapos na ako tsaka naman nag-unli. " Damit ni baby Jiro." Nakangiting aniya. Tumingin naman ako dito at sarkastikong ngumiti ako.





Kinuha ko iyon mula sa kamay niya at pabagsak na inilagay sa batsa. Hayy nako, akala ko pa naman ay makakaalis na ako dito sa kaharian ng gripo. " Bait-bait mo talaga, kaya ikaw ang favorite kong kapatid eh." Natutuwang aniya kahit alam ko namang etchos niya lang iyon.






" Hindi 'to libre, may bayad ang serbisyo ko. " Sagot ko naman, sinimulan ko ng paghiwalayin ang mga damit ni baby Jiro na de-kolor sa puti. Tsaka ko ito binanlawan muna bago sinabon.






Pagkatapos ng hinaba-habang paglalaba ay natapos rin ako. Finally! Makakalaya na ako rito. Pagkatapos nito ay magbebenta pa kami ni Pepot ng siomai, kung tutuusin mas paborito ko iyong gawin kaysa sa maglaba. Nakakangawit kaya! Dise-syete pa lang ako pero pakiramdam ko nasa fourthy's na ako kapag naglalaba ako. Buti pa kapag nagbenta ako ng siomai, kahit mainit, okay lang. May payong ako eh.






Pagkatapos ko maglaba ay pinatuyo ko na ito sa sampayan. Pagkatapos ay nagpahinga ng kaunti bago naligo. Kumain muna kami ni Pepot ng agahan bago lumayas at nag tinda. Hindi na kami nakapag-paalam kay nanay, naglalabada kasi iyon kila aling Cynthia. Ewan ko ba ba't tumandang single iyon, mayaman naman, maganda, matalino din.






" Siomai kayo diyan! " Sigaw namin ni Pepot. " Siomai kayo.." Si Pepot naman ang mag-isang sumigaw. Maya-maya ang may bungal at payatot ang palapit sa amin.







" Ava! Pabili ako! " Sigaw niya, nasa kalahati pa lang ito ng kalsada bago makatawid. " Yuko nga! " Sagot ko naman, pero joke ko lang iyon. Kahit naman bungi siya at mabantot ang hininga, kailangan ko pa rin ang ibabayad niya. Dagdag kita iyon, sayang naman.







" Pabili ako, dalawang tig-bente. " Aniya. Halos pigilan ko ang buong paghinga ko bago ako nakagalaw at ihanda ang bibilhin niya. Inabot ko sa kanya ang siomai. Maya-maya ay natagalan siya sa pag-abot ng bayad dahil tila sinusiri niya ang nabili. " Teka, Ava. Parang may kulang..." Aniya.







Kulang? Sakto kaya iyon.







Nagtaka naman ako at binilang ang piraso ng siomai na nilagay ko. " Sakto naman ah? "






" Hindi, parang may kulang talaga.." Pagpupumilot niya. " Ano? Anong kulang ?" Tanong ko.




" Ikaw kulang ka sa buhay ko..yiiiieee. Ahehehe.." Aniya. Imbis na kiligin ay kumulo ang dugo ko sa kanya.







Nagsalubong ang kilay ko at tinignan ko siya ng masama. " Oy..kikiligin na yan~" Aniya. " Sagutin mo na kasi–" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at iwinisik ang isang piraso ng kalamansi sa mata niya. Napapikit ito at napa-aray sa sakit. " Patubo ka muna kaya ng ngipin!" Asik ko rito. Sabay binisiklita  ang bike na may sidecar na gamit-gamit namin ni Pepot sa paglilibit.







" Bili ka rin Colgate, yon klos ap. Kolor rid. " Pasigaw na sabi ni Pepot dahil nakalayo na kami kay Birdie.







Kahit kelan talaga ay wala na iyon ginawang maayos kundi pakuluin ang dugo ko. Kainis. " N-nagbibiro lang naman ako!" Pasigaw na sabi ni Birdie. Malayo na kami non pero rinig ko pa ang mga daing niya dahil winisikan ko siya ng kalamansi sa mata.







Mafia's Favorite Downfall IWhere stories live. Discover now