CHAPTER 1

160 98 34
                                    

Loving My Enemy

Written by: Binibining Fool

CHAPTER 1

➪MEET CHEXEL MARIE YNAREZ

"Taena! Bat ba ang tagal mong mag reply!! Nakakainis maghintay, ha" inis kong sigaw habang nakahiga sa sofa. "Kanina pa sya typing tapos wala paring reply. Hayop sya!"

Pinagsisipa ko yung unan na nasa paanan ko at talagang gigil na gigil ako ngayon sa lalaking yun.

Dahil bukod sa sineen lang yung messages ko, palagi pang typing ang puta. Wala bang signal sa condo nyang putaena sya!

Kanina pa kasi ako chat ng chat sakanya tapos seen lang yung ginagawa nya.

Di ba nya alam na with effort yung pag type ko sa mga messages na sinesend ko sakanya. Tapos seen lang. Ang kapal naman nyang gawin to, at sakin pa talaga! Nakakainis!

"Hoy, ugok! Magreply kanang bwisit ka!! Block kaya kitang putaena ka!"

Kanina pa talaga ko naiinis sa lalaking to. Wala man syang reply sakin kahit ni isa, taena! Nakakabwisit talaga. Siguro nag e-ML na naman ang ugok nayun kaya sineseen nalang ako.

Ay wow! So ganito na pala ngayon. Mas gusto nyang mag ML kisa reply yan ako. Aba! Ang kapal nya namang gawin sakin yun. Bakit sino ba sya sa akala nya? Ano sya gold. Myghudd! Di sya kawalan no! Taena!! Block kaya kitang lalaki ka! Charizz. Baka mawalan ako ng kachat pag ginawa ko yun. Hayst, nakakabadtrip talaga! Arghhh!

"Putaena naman, chex" singhal ni Chezel sakin na pababa palang ng hagdan na may bitbit na blower.

Taray, may pa blower pa syang nalalaman kala mo naman sobrang haba ng buhok nya e hanggang leeg lang naman. Kaartehan talaga ng babaeng to ibang level. Nakakaputa!

"Rinig na rinig ko yang boses mo mula sa taas. Kala ko nga may sinasakal na kambing dito sa baba. Ikaw lang pala" dagdag pa nya.

Kung makalait sakin tung babaeng to parang sya yung panganay samin. Tapos ang kapal nya pang laitin ang boses ko na para daw akong sinasakal na kambing dito sa baba. Excuse me, ang ganda kaya ng boses ko. Binge lang talaga sya o di kayay may abnormalities na yung tenga nya.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tumingin sakanya. Ayuko ng makipag argue sa kapatid kong to kasi mas lalo lang hahaba yung conversation sa pagitan namin kasi hindi rin naman yan magpapatalo. Lalong lalo na ako.

Ako yung panganay kaya di ako magpapatalo sa kapatid ko.

"E kasi naman, ang bagal bagal nyang mag reply. Kanina pa nya sineen yung message ko. Putaena sya!" wika ko at pinakita kay Chezel ang conversation namin ni Zian.

"Sabi ko naman sayo, sa umpisa lang active mag chat yang mga lalaki" pagsabat ni Sherah na kakalabas lang ng kitchen dala ang niluto nyang adobo. "Yang si Zian, walang pinagkaiba yan sa ugok na Leander nayun. Kaya ikaw, chex, wag kang magpapaniwala dyan kay Zian. Demonyo rin yan gaya ng kaibigan nyang tarsier."

Ito talagang si Sherah lahat nalang ng may kaugnayan kay Leander dinadamay nya.

Matino naman kasi si Zian, gentleman, marespeto at higit sa lahat gwapo.

Hindi ko lang talaga maintindihan tung si Sherah kung bat nag iinit agad ang dugo nya pagnababanggit yung mga kaibigan ni Leander.

Malaki talaga sigurong sama ng loob ng babaeng to sa mortal enemy nya. HAHAHAH!

But it's been a long years. Mga bata pa kami nun nung nag away sila pero parang walang nagbago. Yung sama ng loob nila pang habang buhay. As you can see right now, kumukulo parin ang dugo ni Sherah pag naririnig ang pangalan ni Leander.

Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon