CHAPTER 2.3

30 4 12
                                    

LOVING MY ENEMY

WRITTEN BY: BINIBINING FOOL

CHAPTER 2.3

"Hoy, Sherah! Sino yang kasama mo?" bungad ni Leander sakin ng makita nyang kasama ko si Taniel.

Kung minamalas ka nga naman, ito pa talagang tarsier ang nakasalubong ko. Pambihira!

"Wala kang pakialam" mataray kong sagot sakanya.

"Di bagay sayo ang magtaray. Alam mo kong bakit? Kasi mas lalong humahaba yang nguso mo" sabi nya at napahalakhak ng tawa.

"Kung wala kang ibang sasabihin, pwede bang itikom mo nalang yang bibig mo. Amoy na amoy ko yung mabahong hininga mo e, bad breath" pagganti ko sakanya. "Wala bang toothbrush sainyo? Kita mo namang grabi na yung air pollution, dumagdag kapa."

Humalakhak ako ng tawa.

Natahimik si Leander sa sinabi ko. Buti nga sakanya.

"Pagpasensyahan muna sya, pre" pagsasalita ni Taniel. "Parang di ka nasanay sa mga babae, mga bungangera."

Nginisihan ako ni Tarsier ng nakakainis.

Tiningnan ko ng masama si Taniel. Talagang kinampihan nya pa ang tarsier nayun, e ang sama sama ng budhi ng lalaking yan. Nakakainis!

Malakas kong kinurot ang tagiliran ni Taniel.

"Talagang kinampihan mo pa ang bwisit nayan. Tinawag mo pa kong bungangera e kung pag umpugin ko kayong dalawa. Mga bwisit! Magsama kayo!"

"O? San ka pupunta, di pa tayo tapos."

Talagang nagsalita pa ang tarsier nato. Kapag ako talaga hindi nakapagpigil, susuntukin ko talaga yang pagmumukha nya.

"Hey, Sherah!" pagtawag ni Taniel sakin

Inis akong humarap sakanya. "Ano?"

"Galit na naman yung babaeng may lahing titan. Kaya ka di tumataba e kasi puro sama ng loob yang laman ng katawan mo" pang aasar pa ni tarsier.

Napatingin ako sakanya ng masama. Talagang nandidilim ang paningin ko sa tarsier nato. Nakakainis sya!

Pagnagkataon pagpipiraso pirasohin ko talaga ang katawan ng bwisit na lalaking to, itapon sa dagat at ipakain sa pating. Sumusobra na sya.

"Hoy, ikawng bwisit ka! Kung naiinggit ka sa height ko edi magpatangkad ka. Wag na wag mo kong tatawaging titan ha, dahil di titan ang name ko. Sherah ang pangalan ko. Sherah! Bobo!" inis kong sagot sakanya.

Ngumisi lang sya.

"Bat naman ako maiinggit dyan sa height mo? Di hamak naman na mas matangkad ako sayo" pagmamayabang nya at bahagya pa syang lumapit sakin.

Tumingin ako sakanya ng masama. Kung inaakala nyang matatakot ako sakanya, pwe, di ko sya uurungan.  Never akong matatakot sa isang endangered animal na gaya nya.

"Alam mo naman palang mas matangkad ka sakin, tinawag mo pa kong titan. Hoy bobo! Ang titans matatangkad pero kita mo namang hindi ako kasing tangkad mo. Ikaw pa nga yung mismong nagsabi na mas matangkad ka sakin. Putaena!"

Tumingkayad ako para magkapantay kami. "Ikaw yung titan, tarsier. Kung ayaw mong tarsier ang itawag ko sayo edi titan nalang. Bagay naman sayo ang name nayun. Ikaw mismo ang nakaisip at ikaw mismo ang gagamit. Hanga na talaga ako sayo. Biruin mo half human and half animal ka. One of the endangered species pa" nang iinis kong sabi sakanya.

Napaigting naman ang panga nya.

Tatawa na sana ako ng bigla akong na out balance. Napasubsub ako sa dibdib nya ng di ko inaasahan. Nabigla talaga ako sa nangyari.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving My EnemyWhere stories live. Discover now