CHAPTER 1.4

99 69 14
                                    

Loving My Enemy

Written by: Binibining Fool

CHAPTER 1.4

"Oh, nandito nako putaena! Ano bang kailangan mong bwisit ka?" binagsak ko yung bag ko sa lamesa at umupo katabi ni Sherah.

Tiningnan ko ng masama si Zian na nakaupo sa harap ko. Hindi ko parin nakakalimutan yung atraso ng kumag nato sakin. Nang dahil sakanya napahiya ako sa harap nung poging lalaki pati narin sa mga kasama nya. Putaena! Parang gusto kong gilitan yung leeg ng lalaking to o di kayay putulin yung ulo nya. Nakakainis!

"Bat ganyan ka makatingin kay Zian, chex?" seryosong tanung ni Sherah habang pabalik balik yung tingin nya samin ni Zian. "May ginawa ba sayo ang kumag nayan?"

Zian cleared his throat. Hindi ko parin inaalis yung paningin ko sakanya at ramdam kong unti unti na syang naiilang sakin. Magbabayad ka talaga sa ginawa mo saking hayop ka! Nang dahil sayo napahiya ako kanina! Bwisit!

"Ahm, chex? Anong gusto mong--"

Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita dahil agad akong tumayo sa silyang kinauupuan ko at marahas na hinawakan yung kwelyo ng unipormi nya.

"C-chex?"

"Putaena ka! Alam mo bang napahiya ako ng dahil sayo kaninang yawa ka?" gigil na gigil akong nakahawak sa kwelyo nya at bakas sa mukha nya ang pagkagulat.

Halos hindi sya makapagsalita sa harap ko. Nagulat rin si Sherah at bahagya pa itong napatakip sa bibig nya nang makita ang ginawa ko.

Putaena! Sino ba namang hindi maha highblood sa ginawa ng putaena nato? Sige nga, isipin nyo. Kung hindi sya tumawag kanina edi sana maayos akong nakabalik sa taas para mag elevator pero putaenang letcheng yawang animal sya, bigla bigla nalang tumatawag kaya napatigil ako sa paglalakad. Nang dahil sa gagong to nabangga ako nung poging lalaki at napahiya sa mga kasama nya. Nakakainis makita ang sarili kong nagmukhang tanga kanina! Sobrang nakakainis talaga! Arghh! Nanggigil talaga ko sayong putaena ka!

"C-chex, a-ano b-bang p-problema?" nauutal na tanung ni Zian sakin kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo nya.

"Putaena! Ang kapal mo namang tanungin ako kung anong problema? Hoy ulol, nang dahil sa patawag tawag na ginawa mo kanina napahiya akong putaena ka! Narinig mo yun? Napahiya ako! Putaena mo!" marahas ko syang tinulak at ramdam na ramdam ko parin yung gigil sa buong kalamnan ko. Putaena talaga!

"Putaena, naman chex. Pinaggagawa mo?" wika ng bruha kong kapatid na kadadating lang at umupo sa tabi ni Zian.

"Ito kasing tukmol nato, chex" tinuro ko si Zian gamit ang tinidor na hawak ko. "Tawag ng tawag ang putaenang yan sakin kanina. Letche! Napahiya ako!"

"Anong klaseng pagkapahiya, chex?" tanung ni Jody Ann sabay lapag nung bag nya sa lamesa. "Malala ba?"

"Napahiya ako sa harap ni Ahlron dahil sa putaenang yan!" nang gigil kong sagot sakanya sabay tingin kay Zian. Parang gustong gusto kong sugurin tung hayop nato ngayon.

"Ah, yung captain ng basketball team" ani ni Sherah.

"Oh? Ano namang meron sa Ahlron nayun, malandi kong kapatid? Sa totoo lang, ang OA ng reaction mo, ha. Nakakairita" wika ng bruha kong kapatid.

Pangalawa pa tung pisteng to. Sarap pag umpugin.

"Ano ba talaga kasing nangyari?" seryosong tanung ni Jody Ann.

"Ganito kasi yan" panimula kong pagkukwento sa kanila "Naglalakad ako nun pababa ng hagdan tapos--"

"Tapos, nahulog ka at nabagok ang ulo mo kaya ganyan ka kapraning ngayon. Yun ba ang nangyari?" dugtong ng bruha kong kapatid.

Loving My EnemyWhere stories live. Discover now