CHAPTER 2.2

28 9 49
                                    

Loving My Enemy

Written by: Binibining Fool

CHAPTER 2.2

After ng class namin, dumirekta ako sa cafeteria to buy a snacks. Hindi kami ngayon magkasama ni Chexel dahil pagka ring nung bell, niyaya sya ni Zian to go somewhere kaya mag isa nalang akong kakain ng snack.

Sobrang haba ng pila at parang aabutin ako ng siyam siyam bago makabili ng pagkain.

No choice, walang ibang nagtitinda dito. Kung di ako magtitiis na pumila rito malamang, gutom lang ang aabutin ko.

"Matagal pa ba yan? Pambihira, pakibilisan naman oh. Nagugutom na kami rito sa likuran" reklamo nung istudyanteng nasa likuran ko.

Siksikan talaga kami para lang makabili. Hindi naman kami mauubusan ng pagkain pero mauubusan kami ng oras pag nagkataon.

"Hoy, ano ba! Kayong mga nasa harap, bilisan nyo naman. Hindi lang yung sikmura nyo ang nagugutom" reklamo ng isa pang istudyante.

"Maghintay nga kayo!" galit na sagot ng isang istudyanteng nasa harapan.

"Hoy! Anong maghintay? Bilisan nyo dyan, nananadya na kayo e" birit naman nung istudyanteng nasa likuran ko.

"Hoy! Anong nanadya? Maghintay kayo dyan. Puro kayo reklamo,  kasalanan ba naming nasa likuran kayo at kami yung unang nakapila ha" sagot ulit nung nasa harapan.

"Bakit? Sinabi ko bang kasalanan nyo, ha? Bobo!"

"Hoy, tigilan nyo nga yan" pag awat ng tindera sa cafeteria.

"Yan kasing nasa likud e, reklamo ng reklamo" pagsusumbong nya.

"Totoo naman, e. Sobrang bagal nyo. Mas mabuti pang bilhin mo nalang yang buong cafeteria nang matapos na. Lamunin mo lahat ng tinitinda nila, hanggang sa lumubo ka sa kabusugan mong putaena ka!" bwelta nung babaeng nasa likuran ko.

"Aba! Hoy sumusubra kanang babae ka" inis na saad nung nasa harap at umalis sa pila.

Umalis rin sa pila yung nasa likuran ko.

Mukhang mas exciting tung mangyayari. Sabunutan sa cafeteria now showing.

"Hoy, ikaw Marian! Ano bang problema mo? Maayos kaming pumipila dun sa harap tapos tudo reklamo ka dyan sa likuran. Hindi kaba nakapag almusal sainyo, ha? Napakaingay mo. Gusto mo talagang mag iskandalo dito? "

Marian pala yung pangalan ng babaeng nasa likuran ko. Sabagay, her name suits to her naman, makinis at maputi sya gaya ni Marian Rivera pero yung mukha, parang si Pokwang nga lang. Pero carry narin. Pang artists yung name.

"Hoy, Angel! Wag ka ngang maggalit galitan dyan. Natural lang na magreklamo ako dahil sobrang bagal nyong makabili. Hindi mo ba nakikitang sobrang taas nung pila, ha? Bulag kaba?"

Wow, Angel pala yung name nya. Hanep rin yung name ng isang to, makadiyos pero kong hindi maka diyos, pang artista nalang. Idol siguro ng parents nya si Angel Locsin, sabagay maganda naman yung shape ng katawan nya saka maputi, pero yung mukha, hawig na hawig kay Melay. Ganda nga e.

"So now, kasalanan ko pa pala? Bumibili ako, kaya natural lang na mabagal. Anong gusto mong gawin ko? Damputin lahat ng tinda dun saka bayaran ko? I have the right to choose kung anong pagkaing gusto ko" sagot naman ni Angel.

"Meron ka ngang right to choose pero ilang minuto kanang pumipili dun. Di mo ba nakikita yang pila nayan ha? Saka lamunin mo yang you have the right to choose dahil wala kaming pakialam" sagot naman ni Marian.

"Hoy, alam mo. Kanina pa talaga ako nabibwisit sayo. Pag ako hindi nakapag pigil baka ano pang magawa ko sayo" pagbabanta ni Angel.

"Akala mo ikaw lang" sagot ni Marian.

Loving My EnemyWhere stories live. Discover now