Chapter 23: Teasing Game

5.6K 135 43
                                    

Chapter 23



"Uhm... T-Tito-" Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na para bang mahihimatay ako ano mang oras.

"Ikaw ang tatanungin ko ngayon. Lalake sa lalake. May nangyari ba sa inyo ng anak ko?" he asked in a stern voice.

Napalunok ako dahil sa takot. Ano man ang isagot ko ay maaaring buhay ko ang kapalit. Natatakot ako hindi lang para sa akin kundi para na rin kay Mikaella.

"Y-Yes po," I answered with my trembling lips.

I closed my eyes when he raised his hand. I was preparing myself for a slap when his hand suddenly landed on my left shoulder. Kaagad akong napamulat at nagtatakang napatingin dito. A smile curved on his lips that made me confused.

"Thank you for the honesty, hijo." He leaned on his chair. "You can deny it at the first place but you chose to admit what you did. Why?"

"I just d-don't want to lie to you, Tito. If you will be mad I'll accept it po. Even the punishment I'm willing to take it. I'm really sorry for breaking your trust, Dr. Mur-"

"I'm not mad though."

"P-Po?"

"Why would I get mad if it's already happened. Kapag ba nagalit ako maibabalik mo ba virginity ng anak ko?"

"Hindi po."

"Hindi ako pabor sa pre-marital sex pero hindi na rin naman natin mababago ang mga nangyari na. Mas mabuting pagtuunan na lang natin ng pansin ang kasalukuyan at hinaharap kaysa ang ikulong ang sarili sa nakaraan. I will not blame you guys for what happened. Nothing will change naman so what's the sense? The only thing I need to do is to guide you. Aaminin ko nagalit ako noong una. Pero hindi ko hinayaang lamunin ako niyon. Sapat na rin sa akin na naging tapat ka. Nasaksihan ko na kung paano ka lumaki, Travis. Ako na rin ang halos tumayong pangalawang tatay mo simula noong bata ka pa. Marami ka ng nagawa para anak ko. Alam ko na kung may mangyari man na hindi inaasahan ay hindi mo siya pababayaan."

"Makakaasa po kayo, Tito. I will be responsible for my actions. And I'm willing to take all the consequences of what I did. Handa ko pong panagutan ang anak ninyo sa kahit anong paraan kung kinakailangan."

"Natutuwa ako na lumaki kang may paninindigan. Sigurado akong proud sa 'yo ang ama mo dahil lumaki kang mabuti. Tanggapin mo ang regalo ko sa 'yo." Napatingin ako sa isang box na condom na hawak ko ngayon. "Kung nandito pa si Dr. Conzego alam kong ganiyan din ang gagawin niya. Nag-iisang anak ko si Mikaella. Bata pa rin siya para magbuntis. Mas mabuti pa rin ang safe sex."

"Po?"

Tumayo na ito at isinuot ang coat niya. "Oras na pala. Kailangan ko ng pumasok sa trabaho dahil start na ng duty ko sa hospital. Ikaw na muna ang bahala sa anak ko, Travis." Naglakad ito papunta sa pintuan. "Advance Happy New Year, anak. Hahahaha!" dagdag pa nito bago tuluyang lumabas.

Napahawak ako sa dibdib dahil sa kaba. Parang huminto iyong paghinga ko kanina. Akala ko nga katapusan ko na. Mabuti na lang at open minded na tao si Dr. Murió. Hindi na ako magtataka na nalaman niya ang tungkol doon. Gynecologist siya kaya malamang nahalata niya iyon sa kilos ng anak niya.

"Fuck," napamura ako nang muntikan na akong matumba nang tumayo ako.

Nanlalambot ang mga tuhod ko ngayon dahil sa nerbyos kanina. Naglakad ako palabas ng silid na iyon dala ang condom. Isang box pa talaga huh. I can't believe that he really gave me this. Dinala ko iyon sa kuwarto ni Mikaella upang doon itago iyon. Hindi ko iyon pwedeng dalhin sa baba dahil baka makita ni Tita. Baka ma-double kill ako at hindi na makauwi sa amin kapag nagkataon.





























Endeavoring the Blaze Sky (Conzego Series 2✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon