Chapter 27: Couple Bracelet

5.7K 138 96
                                    


Chapter 27




"How's school?" tanong nito nang makauwi ako.

"Okay lang. Akyat po muna ako sa kuwarto."

Direderetso akong umakyat na may halong pagmamadali. If ever I don't want to talk or socialize with anyone right now. I want to be alone. I closed the door and locked myself there. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon at kahit sabihin kong huwag kong isipin hindi ko pa rin mapigilan ang hindi mag-overthink. Punong-puno ako ng mga takot na nagpapahirap sa akin.

I put down my bag and headed to the shower. Umaasa na sa pagligo ay mababawasan ang bigat na nararamdaman ko. But it was not simple as that. Itinuon ko ang mga kamay ko sa wall. Patuloy ang pagbagsak ng tubig na nanggagaling sa shower kasabay ng luha ko. I tried to calm myself but I ended up crying silently.

"Meow!"

I was greeted by my cats when I opened the door. They were sitting up straight and seems like they were waiting for almost an hour. Inayos ko ang pagkakalagay ng tuwalyang nakabalot sa bewang ko. I knelt down and gave each of them a kiss on top of their head.

"Later, baby," I said softly nang sinubukan ni Neckle magpakarga.

Claudia also needs my attention. She kept on rubbing herself and walking around my legs repeatedly. These two cats needs lambing from their dada except for Mimosa who chose to run and play with the ball of yarn instead. Maybe she smelled the soap and shampoo I used. She hates bathroom stuffs since she don't like bathing.

"Meow!"

"You hungry na, babies? Sige pakainin na kayo ni daddy."

I put down their bowls and filled it with cat foods. Mimosa left the yarn and ran towards us to join her mom and sister. I was busy choosing what to wear in my closet when Neckle played the towel wrapped around my lower body. Naglambitin siya roon hanggang sa mahulog iyon. Nakisali na rin iyong dalawa at pinaghikitan nila ang tuwalya. Hinayaan ko na lang silang maglaro.

I wore a grey comfy shirt and a black sweat short. I sat on my gaming chair and I was about to play Valorant when I remembered again what happened here. That was more than a year ago but it still hunting me. Tinuktukan ko ang ulo ko nang mapangiti matapos maalala iyon.

"Fuck! Stop thinking about, Travis."

Sinubukan kong libangan ang sarili sa paglalaro ng Valorant. Nanuod din ako ng mga vlogs at maging TikTok videos upang malibang at makalimot kahit saglit pero walang nangyari. Sa huli ay pinili kong patayin ang computer at humiga na lang sa kama. Ilang minuto rin akong nakipagtitigan sa kisame.

Kahit anong gawin ko I can't stop myself from overthinking. Masakit na rin ang ulo ko dahil sa kaiiyak kanina at pagpipigil na umiyak sa tuwing may kaharap akong iba. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko, umaasa na makakatulog subalit hindi rin iyon nangyari.

"Kuya, kakain na raw po!" sigaw ng kapatid ko sa labas ng pinto matapos kumatok.

"Pasabi na lang busog ako."

"Huh? Seryoso ka?"

"Uhm... Y-Yeah. Please just tell them. I want to rest for now. Baba na lang ako kapag nagutom ako."

"Okay."

Isinubsob ko ang mukha sa unan at doon umiyak nang umiyak. Pero kahit anong iyak ko ang bigat pa rin. Hindi ko makalimutan iyong mga sinabi niya kanina.

"Natatakot ako kasi... kasi ayoko pa. Travis, ayoko pa."

Kapag kaharap niya kami hindi niya pinapakita na hindi siya okay. Palagi siyang nakangiti at puno ng pag-asa kapag nand'yan kami. But after hearing those things from her mas lalo akong nasaktan. Ang hirap nung mamamatay ka na pero ayaw mo pa kasi marami ka pang gustong gawin.

Endeavoring the Blaze Sky (Conzego Series 2✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon