18. RIVAL

280 24 5
                                    

SHIN YE POV:

Lumipas ang mga buwan at palagi na nga akong sinusundo ni Lance. Habang nagbago na naman ang pakikitungo ni Vinny sa akin. Pansin kong iniiwasan niya ako. Di naman sinasabi din ni Cristine kong bakit. I mean, sinasabi kasi ni Vinny na busy siya pero halata at kitang-kita ko naman ang mga inaasta niya.

"Beh, bakit parang iniiwasan ako ni Vinny?" Tanong ko kay Cristine ulit.

"He has his own world, wag nalang natin siyang sagabalin," sabi ni Cristine sa akin.

"Nakakaselos lang kasi beh, kasi okay naman kayo tapos ako di kinakausap niya," lungkot kong sabi.

"Eh, masaya kana man din sa piling ni Lance diba?" Cristine utterred.

"Ha? Anong konek?" Sabi ko.

"Vinny is jealous," sabi ni Cristine.

"Hah?" Gulong tanong ko.

"Yeah, dahil sabi niya wala kana dawng time para sa friendship natin," dagdag pa niya.

"Eh, araw-araw naman ako with you at saka tuwing hapon lang kami magka-usap ni Lance," pagpapaliwanag ko pa.

"Hayss ewan ko beh, ikaw ang kumausap don," sabi niya pa.

Pagkatapos namin magkausap ni Cristine, pumunta ako sa engineering department para kausapin si Vinny. Pero hanggang doon parin, iniiwasan niya ako. Sinundan ko nalang siya na palihim na pumupunta sa garden area ng school namin. Nakita ko siyang pumunta sa isang puno na para bang iwan enchanted na puno. Kakikilabot. Mas lalo ko pa siyang sinundan at nakita kong pumasok siya sa loob may malapit na ugat ng puno.

"Halah? Anong ginagawa niya diyan?" Nagtataka kong tanong.

Dahil mas curious pa ako, pumasok ako at sumunod sa kanya.

"Wow, it's an underground?" Manghang tanong ko at nakita ko ang mga disenyo sa paligid.

May nakita din ako na isang gawang bahay na patang itinatago pero sobrang ganda. Ang mahal siguro pagbininta.

Nakita ko rin na may nakasabit na mga litrato sa isang gawang iwan di ko alam pano maedescribe pero parang laruan siya na umiikot ikot.

Naisipan kong i-on ang para patunugin ito pero nagulat ako sa aking narinig.

"Hi, my love Suzy! Love, sorry di ako nakadalo sa birthday party mo, don't worry this is my gift for you. I love you so much! Nagmamahal your Vinny bunny," nagulat ako sa aking naririnig talaga.

"May nakakapagsasabi ba sayo na dapat di mo pinakialaman ang gamit ng iba?" Laking gulat ko ng sumulpot sa aking likuran si Vinny.

"Ah Vinny," tawa kong sambit.

"May nakakatawa ba?" Tanong niya sa akin.

"Uhm, wala? Pe-pero may tanong ako," tugon ko sa kanya.

"Si Suzy ba? Yun yong nasa Gakken University?" Tanong ko.

"Lumabas kana dito," sabi niya at patuloy parin ang pag-iwas niya sa akin.

"Vinny, alam kong hindi ka bakla, bakit di mo pa kasi aminin? Kaibigan mo din naman ako diba?" Sabi ko sa kanya.

Nakita ko siyang tumitig sa akin ng masama kaya napabulyaw ako.

"Charott lang! Hehehee, bakit kaba andito hayss. Ito pala lungga mo," sabi ko sa kanya na pilit parin maganda ang pinakikitungo ko sa kanya.

"Umalis kana?" Diin niyang sabi.

Nalungkot ako kaya umalis nalang.

"Sungit naman nito, palagi mo nalang akong iniiwasan! Naging desperada na ako sa paglalapit ko sayo ha! Pero sige na nga, maghihintay nalang ako kung kailan mo ako kausapin! Halatang galit ka eh," sabi ko at lumabas sa kanyang ginagawang lungga.

~FASTFORWARD~

Nang makarating ang hapon, agad nagtext sa akin si Lance na sunduin ako kaya nag-OO nalang si me. Nakita kong magkasama si Cristine at Vinny. Pansin ko rin ang pagkasweet ni Cristine kay pres. Pero binaliwala ko nalang iyon.

"Psst, Shin Ye!" Tawag sa akin ng isang nakakotse na lalaki at iyon ay si Lance.

"Uhm, Lance," ngiti kong sabi sa kanya.

Bineso niya ako at nabigla ako ng pumunta siya sa harapan ni Vinny.

"Dude, I know you like her but may the best man win," saad niya sa akin na nakakunot ang aking mga noo.

"Ginagawa mo?" Sabi ko kay Lance na may patawa-tawa after kong makita at naiinis na itsura ni Vinny.

Kaya ang sarap asarin ng hinayupak na si Vinny eh.

Agad akong pumasok sa kotse ni Lance, while we are on our way bigla siyang nagsalita.

"Anong meron sa inyo ni William?" Tanong niya sa akin.

"Ha? Si Vinny ba?" Tanong ko.

"Yeah, nangliligaw din ba siya sayo?" Sabi ni Lance.

"What? He's a gay, bakit naman yun-," naputol ang aking sinabi.

"Gay? HAHAHAH, napagkamalan pang bakla ng isang magandang dilag ang dati kong karibal," natatawa niyang sabi sa akin.

"Hah? Dating karibal?" Curious kong tanong.

"Yeah, Vinny and I were rivals to Suzy's heart," saad niya pa.

"Suzy? You mean, you and him ay nag-aagawan kay Suzy?" Sabi ko.

"Exactly! Inagaw ko sa kanya si Suzy at di ko naman alam na nafall narin sa akin si Suzy kaya iniwan niya si Vinny. Suzy love Vinny but she fell out of love from him. And here's Vinny nagtransfer sa school niyo or sa Waseada para iwasan kaming dalawa ni Suzy doon sa Gakken University," sabi ni Lance sa akin.

"Oh? Eh anong nangyari sa inyo ni Suzy? Kayo paba?" Tanong ko na may pang-iinis na sa kaloob-looban.

"Nope, we broke up. I mean, akala ko kasi ako ang kanyang pinili, pero mahal niya parin si Vinny eh," sabi niya na naguguluhan na ako.

"Ha? Akala ko ba nafell out of love siya kay Vinny?" Confused kong tanong.

"Yun nga, fell out of love pero siya prain hanap niya while we're on. So, we just decided to finally cut off the strings that bind us," he said na nakapagparealize sa akin.

"Kaya ba nagbabakla-baklaan siya?" Tanong ko sa sarili.

"Uhm, so bumalik ba siya kay Vinny after that?" Tanong ko ulit.

"Yeah, but gusto pa sana ni Vinny na bumalik sa kanya kaya lang mga kapatid ni Vinny ang tumutol! I mean the whole family pala! Sinira niya kasi daw si Vinny dahilan nang malapitang pagkamatay. Eh kaya wala hahahaha," sabi niya na parang naluluha sa kanyang mga inusad habang nagdadrive.

"Eh ikaw okay kaba?" Sabi ko.

"HAHAHA noon hindi, naging baliw ako eh. Naging adik ako ng iniwan niya ako! I mean di lang naman si Vinny ang nasasaktan ng dahil sa kanya, pati narin ako!" Sabi niya sa akin na nakapagpapaisip sa akin na ang samang babae ni Suzy.

"Pero, no worries, okay na ako! Nakamove on na, sana di mo ako iwan ha?" Birong tanong niya sa akin.

THE GAY CAMPUS PRESIDENT (VINNY MARCOS) // COMPLETEDWhere stories live. Discover now