45. SULAT FROM ANONYMOUS

259 23 21
                                    

SHIN YE POV:

"Dad, tama na! Nahihirapan na ako. Ayoko nga magpakasal kay Simon," iyak kong sambit habang kinakausap si dad sa phone ko.

Alam kong magagalit si Vinny dito but I just need to answer dad and mom. I missed them so much.

"Dad, maawa ka naman sa akin oh," pakiusap ko pa sa kanya.

"Who's that?" Nagulat ako when Vinny get my phone buti nalang naoff ko kaagad.

"Who are you calling?" Vinny utterred na wala sa mood.

"It's Lance," pagpapalusot ko pa.

"You won't cry like that if it's Lance," inis niyang sabi sa akin.

"Bun, tinawagan ko lang ang pamilya ko para makiusap," I explained.

"Tapatin mo nga ako Shin, are you tired? Pagod ka na ba na kasama ako? Pagod kana ba sa sitwasyon natin? Pano kong matuntun tayo dito dahil sa pagtawag-tawag mo sa kanila? Edi, pano na ako? Pano  kong makasal ka talaga sa kapatid ko?" Nabigla ako ng makita ko siyang naiinis kasabay ang pagtulo ng kanyang luha.

Dahil sa nararamdaman niya nakaramdam ako ng pagkalungkot at napaiyak narin. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit ng mahigpit.

"Di ganoon ang intensyon ko bun, gusto ko lang na mamuhay tayo ng payapa without being threatened by our own family. Gusto ko lang na maging masaya tayong dalawa," hikbi kong sabi sa kanya.

We just hug ourselves to make us feel better.

~FASTFORWARD~

"Bunny, wake up," nabigla ako sa paggising sa akin ni Vinny with his hugs and kisses.

"Hmm, inaantok pa ako," sabi ko sa kanya.

"I have a good news," he utterred.

"Hmm?" Biglang naging attentive ako sa kanya.

"May imemeet akong client ngayon, and he'll pay me 500,000 thousand pesos as a downpayment, makakapagawa na tayo ng bahay," masayang sambit niya.

"Heshhhh, may bahay ka na naman eh," sabi ko.

"Bahay dito, malayo sa pamilya natin. Anong silbi ng bahay ko doon sa Manila kong di naman ikaw ang magiging ilaw ng tahanan," inis niyang sambit.

"Tskkk, o siyaa maligo kana," I rolled my eyes dahil may imemeet pala siya.

"I will cook food, be sure to finish taking a bath in 25 minutes," sabi ko at inunahan na siyang lumabas ng kwarto.

"Where's my kiss? I told you to give me a kiss before getting up in the bed," bulyaw niya sa akin.

"You've kissed me already tsk," sigaw ko pabalik at tuluyan ng pumunta sa kusina.

Pagkatapos kong maghanda ng pagkain, nagbihis na si Vinny bunny ko.

"Wow, gwapo tingnan ng bunny ko," sabi ko sa kanya.

"I love you," sabi niya at malungkot ang kanyang mga mata.

"Tskk, wag ka ngang tumingin sa akin ng ganyan," inis na sambit ko sa kanya dahil yung mga mata niya ang lungkot lungkot.

"Bakit ano bang meron sa tingin ko?" Nagtataka niyang sagot.

"Eh bakit parang, amoy iiwan mo ako sa mga tingin mo?" Lungkot kong sambit sa kanya.

"Heshhhh, wala akong tulog kagabi dahil sa kakulitan mo," tawa niyang mungkahi sa akin.

"Geshhh, kain na tayo," sabi ko nalang.

"Say ahhh," he said while sinusubuan ako.

"Ahhhh," ngiti kong sabi.

Pagkatapos naming kumain agad ko nang hinatid si Vinny sa labas ng bahay.

"Mag-ingat ka, umuwi ka ng maaga magluluto ako ng paborito mo," sabi ko sa kanya.

"Yes, bunny ko. Be sure masarap ha," he winked at me at nagflying kiss pa.

Wala akong magawa sa bahay kaya niligpit ko nalang ang damit ng bunny ko.

"Haisshhh, kaliligpit ko lang ng mga gamit niya," saad ko habang nagliligpit.

Sa kalagitnaan ng aking pagliligpit, nakita ko ang isang sulat na parang tinatago.

"No one knows your identity, you just have to act as if you really an engineer. You said magsasaka ka lang but your looks is like an engineer kaya may ipapameet ako sayong kliyente. You have to scam him. You will get 500,000 pesos for that. You can do it. From: Boss, Anonymous Villain," basa ko sa sulat dahilan ng aking pag-iyak.

"Oh my God, did really Vinny do it. Di ko matanggap!" I cried as much as I can dahil sa inis na nararamdaman ko.

"BUNNNNNNNN," pagsisigaw ko dahil sa inis na nararamdaman.

Nakamukmok lang ako sa kwarto buong maghapon. Iniisip kong bakit nagawa ni Vinny iyon.

Ng dumating ang gabi, nagluto ako ng pagkain para may makakain si Vinny. Galit man ako pero di ko hahayaang magutom yung lalaking iyon.

Pagkatapos kong magluto nag-iwan ako ng sulat sa mesa.

"Kumain at magpakabusog ka. Huwag ma huwag kang lumapit sa akin ngayon!" Sabi ko sa sulat.

Pumasok ako sa kwarto at doon nagmumukmok. Nakatitig lang ako sa kisame.

"Bunn, bunny ko," rinig kong tinig ni Vinny sa labas ng bahay dahilan ng aking pagkagalit.

"Where's my wifeyy?" Tawag niya sa akin at nabigla ako ng tumahimik siya.

Mas lalo akong nabigla when he suddenly enter the room. Nagkatitigan kami at nakita kong may bitbit siyang prutas at bulaklak. Para ata iyon sa akin.

"Bunny, heto oh prutas para sayo. May mga pasalubong din ako nasa mesa, natanggap ko na kasi ang bayad na 500,000 na bigay ng kliyen——," naputol ang kanyang sinabi when I slapped him as hard as I can.

Bigla siyang napatigil at after ilang mga segundo nagsalita siya.

"Bunn? Galit ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Really? Di mo alam? Bunnn naman eh,  akala ko ba kahit maghirap tayong dalawa magpakatatag lang, bakit naisipan mong sumali sa mga illegal na gawain," iyak kong sambit sa akin.

Binigay ko sa kanya ang sulat na nabasa ko kanina.

"I'm sorry Bun, di ko intensyon na gawin to," sabi niya sa akin.

"Vinny naman eh, ayokong malayo sayo pano kong mahuli kayo! Ano ka ba naman," patuloy ako sa paghikbi dahil ayokong tanggapin na naging krimenal ang pinakamamahal kong tao

"Sorry na  di ko na uulitin, please wag ka na magalit sa akin," kinabahan niyang sabi at yumakap sa akin.

Napayakap nalang din ako sa kanya pabalik dahil sa takot na nararamdamam ko para sa kanya. Baka ano pang mangyari eh.

Lumipas ang minuto bigla siyang nagsalita.

"Gutom na ako bun, kain na tayo please," paglalambing niya pa sa akin habang ako nakatitig lang sa perang dala niya kanina na nasa bed namin.

"Bakit mo ba kasi nagawa to—," naputol ang aking sinabi when he utterred.

"Shhhhhh, we end argument about that, kumain na tayo," he pouted.

Agad kaming pumunta sa kusina at ang gutom kong tiyan ay parang biglang nawalan ng gana dahil sa mga nalalaman ko ngayon.

While he's eating, ako naman nakatitig lang.

"Heshhh," bigla niyang sambit.

"Uhm, okay para makampante kana, di para sa akin ang sulat na iyon! Napulot ko lang sa daan. Baka nga isang magsasakang nangangailangan ang binigyan doon. Pero dahil nabasa kong gusto nilang iscam ang kliyente, gusto kong maunahan ito sa pagmeet. And bun," hinto niyang sabi sa akin habang hinawakan ang aking chin.

"I'm an engineer, licensed professional engineer. Kaya di magiging scam iyon! Alam din ng kliyente kong sino ako kaya nagtiwala sila sa akin. Kaya bunny ko, sorry na. Wag kang mag-alala di ko magagawang gumawa ng illegal na gawain na makasisira sa ibang tao" sabi niya sa akin dahilan ng pagtulo ng aking kuha.

Bigla akong maging komportable at nakahinga ng malalim.


THE GAY CAMPUS PRESIDENT (VINNY MARCOS) // COMPLETEDWhere stories live. Discover now