CHAPTER 22: Visitor

608 29 0
                                    

"Evie baby, wake up."

"Hmm. Mamaya na. Inaantok pa ako. Shoo." pagtataboy ni Evie kay Kade habang nakapikit pa ang mga mata nito. Tinalikuran n'ya ang nobyo at yinakap ang unan na nahawakan n'ya. She's sleepy and tired. Paano ba naman kasi, umaga na sila ni Kade natapos magbalyahan sa kama. Sira ang magkabilang lamp shade sa bedside table nila dahil pareho nila 'yong natamaan sa sobrang wild nila kagabi...kanina.

"It's already 2 in the afternoon. Hindi ka pa kumakain at isa pa, kanina pa naghihintay ang mga bisita mo." Sinimulang halikan ni Kade ang dalaga sa balikat bago tadtarin ng halik ang pisngi nito.

"Nakikiliti ako Kade." reklamo ni Evie sa nobyo. "Fine, babangon na." Naupo sa kama si Evie at mapupungay ang mga matang tinitigan si Kade. He looked clean and neat, samantalang s'ya ay ang dugyot tingnan. She also smell s*x. She needs a shower.

"Ang sexy naman ng fiance ko. I want you always naked in my bed Evie. Iyon ang number 1 rule ko kapag mag-asawa na tayo. Dapat wala kang saplot kapag nasa kama kita." pahayag ni Kade na napapakagat na lang nang kanyang ibabang labi habang pinpasadahan ng tingin ang hubad na katawan ng nobya.

"Ewan ko sa'yo." Pagtataray ni Evie sa nobyo. Napapansin n'yang mas napapadalas na ang pagiging malaswa ng nobyo n'ya. Well, okay lang naman sa kanya as long as s'ya lang ang nilalandi nito at wala nang iba. "Sino nga palang bisita ko? Si Valey ba? Si Charm?"

"You'll know when you see them. Halika na, papaliguan na lang kita. Alam kong pagod ka dahil s—"

"Shut up Kade! Kaya kong maligo mag-isa. Hindi ako baldado!" sigaw ni Evie bago mag-martsa papasok sa banyo at bagsakan ng pinto ang binata. Napatanga naman si Kade dahil sa pagsigaw sa kanya ng nobya. Akala pa naman n'ya ay magiging good mood ito ngayong araw dahil nakapag-stretching sila kagabi hanggang kaninang madaling araw.

"T-TOMMY! Tuesday!" Hindi makapaniwalang tawag Evie sa mga kaibigan nang makita ang magkapatid. Dali-daling s'yang bumaba sa hagdan at yinakap ang dalawa. Kasama rin nila si baby Sammy.

"Ang ganda n'ya Tuesday! Ang ganda ng inaanak ko." Tuwang-tuwang saad ni Evie saka n'ya niyakap nang mahigpit si Tuesday. Sunod n'ya na sanang yayakapin si Tommy nang may umakbay sa kanya. Si Kade.

Siniko n'ya ang tagiliran ni Kade at nang mabitawan s'ya nito ay kaagad n'yang yinakap si Tommy.

"Na-miss ko kayo. P-Paano n'yo nalamang dito ako nakatira?"

"Kuya Kade contacted us." sagot ni Tommy. Kuya? Mukhang close na kaagad sila.

Of course! Sino pa ba ang may pakana nito kundi ang fiance n'ya lang. Imbis na yakapin si Kade at halik-halikan ito ay mabilis n'ya itong tinapunan nang masamang tingin. Ayaw n'ya ang ginawa ng nobyo. Yes, she misses them pero hindi ito ang tamang pagkakataon para magpakita s'ya sa mga kaibigan. It's not safe yet.

Nawala ang ngiti ni Kade dahil sa naging reaksyon ni Evie. May nagawa na naman ba s'yang mali?

Muling yinakap ni Evie ang magkapatid dahil sa galak. Ilang taon din silang puro video call kaya naman parang gusto n'yang maiyak sa tuwa. Noong huling pagkikita nila ay high schooler palang ata ang dalawa.

"Congratulations ate. Ikakasal ka na pala. Kung hindi pa kami sinabihan ni kuya Kade ay hindi namin malalaman. Akala ko nga scammer s'ya." Natatawang pahayag ni Tommy. "Nakakatampo ka, dapat kami ang una mong binalitaan ng mag-propose s'ya sa'yo." dagdag pa nito.

"Ate, masaya kami para sa'yo." saad naman ni Tuesday.

"Sasabihin ko naman sa inyo, inunahan lang ako ng isa d'yan." pagtukoy ni Evie sa nobyo. She's happy but angry at the same time.

Diba dapat masaya lang s'ya? Pero bakit nangingibabaw ang galit n'ya kay Kade?

"Can I carry her?" Baling ni Evie kay Sammy na nasa stroller nito. Her green orbs are fascinating. Kasing puti rin ng nyebe ang balat nito idagdag pa ang mala-gintong buhok ng bata na papatubo palang.

Babysitting The Retired Assassin | COA #1Where stories live. Discover now