CHAPTER 07: Favorite Visitor

1K 50 0
                                    

Mabilis na napabalikwas si Evie mula sa pagkakahiga. "Hindi mo naman siguro ako minanyakan habang natutulog ako diba?"

"Wow ah. Ikaw na nga 'tong walang paalam na pumasok sa kwarto ko, ako pa 'tong pagbibintangan mo." Napapailing na lang na saad ni Kade.

"B-Bahay ko 'to kaya may karapatan akong matulog dito." depensa ni Evie na halatang ayaw magpatalo sa binata.

"Kahit na!" giit ni Kade. "Bakit ka nga ba natulog dito?"

"Basta!" sagot ni Evie bago bumama ng kama at lumabas ng kwarto. Kapag sinabi n'yang may nagmumulto sa kanya ay siguradong pagtatawanan lang s'ya ng lalaki.

Assassin na hindi takot makipaghabulan sa kriminal at bala pero takot naman sa multo? Siguradong kahihiyan ang aabutin n'ya dahil sa gagawing pang-aasar ni Kade sa kanya.

Bago pa man tuluyang makapasok si Evie pabalik sa kanyang kwarto ay narinig n'ya ang malakas na pagkatok ng kung sino sa pinto ng bahay n'ya.

Kaagad s'yang bumaba at tiningnan kung sino ang bisita n'ya nang gan'to kaaga.

"Magandang umaga iha, itatanong ko lang kung gusto mong bumili ng mga kamote at patatas ko." tanong ng matandang babae na nasa singkwenta anyos na ang edad. Madumi ang itsura nito dahil na rin siguro sa pag-ani ng mga tanim n'yang paninda.

"Sige po. Pwede ko po ba makita ang mga tinda n'yo." Magalang na pahayag ni Evie. Ibinaba nang matanda ang buhat na bayong at ipinakita ang mga dalang tinda.

"What's that Evie?" tanong ni Kade na kakababa lang.

"Mga kamote at patatas." sagot ni Evie nang hindi nililingon ang lalaking nasa kanyang likuran. "Bibilhin ko na po lahat." Baling ni Evie sa matanda.

"Talaga hija? Naku maraming salamat." tuwang-tuwang pahayag ng babae.

"Walang ano man po."

Nang maiabot ni Evie ang bayad ay kaagad ding umalis ang matandang babae.

"Lagi bang nalalagi ang matandang 'yon dito?" tanong Kade. Kinuha ng lalaki ang malaking bayong at ipinasok sa loob ng bahay.

"Ngayon lang." tipid na sagot ni Evie habang sinusundan ng tingin ang papalayong matanda.

Tanging si Boyet lang ang taga-bayan na pumupunta sa kanya. Ngayon n'ya lang nakita ang babaing 'yon pero ang hindi makakalagpas kay Evie ay ang reaksyon na ipinakita ng kaninang bisita. Sa tono ng pananalita ng matanda ay halatang sobrang galak nito pero hindi sumabay ang mga mata ng babae sa sayang nararamdaman.

Something is off.

Isang matinis na tunog ang biglang umalingawngaw sa loob ng bahay ni Evie. Iyon din ang tunog na narinig ni Kade kahapon.

"Anong ibig sabihin ng alarm na 'to?" Baling ni Kade kay Evie.

"May papalapit sa mine bomb ko." sagot ni Evie. Ngayon alam na ni Kade kung bakit tumunog din kahapon ang alarm.

Kinuha ni Evie ang nakatagong binocular at tiningnan kung sino ang kanyang mga bisita.

Si Acel at... Aiken.

Lumawak ang ngiti ng dalaga dahil sa nakita. Ngayon lang ata s'ya na-excite sa bisita n'ya.

"Sino ang parating?" tanong ni Kade. Iniabot ni Evie ang binocular sa binata at dali-daling tumakbong paakyat sa kwarto n'ya para maligo at mag-ayos ng sarili. Ayaw n'yang maabutan s'ya ni Aiken na haggard at halatang kakagising lang.

"F*ck." Mahinang mura ni Kade ng makita ang pagmumukha ng kasama ni Acel. "Sana makaapak ka ng bomba." dugtong na bulong ng binata.

***

"Long time no see Kade." Nakangising bati ni Aiken kay Kade. "Totoo pala na ikaw ang nagbabantay kay Moon. Sabi ko naman sa'yo Acel na ako na lang."

"Pakyu! Alam kong maharot kang lintik ka!" mura ni Acel sa kaibigan.

"Hahaha. Grabe ka naman." Natatawang pahayag ni Aiken. Inilibot ng binata ang tingin sa paligid na para bang may hinahanap.

Kung pwede lang i-lock ngayon ni Kade si Evie sa kwarto nito ang gagawin n'ya.

"Aiken!" Masayang tawag ni Evie sa binata. Dali-daling tumakbo pababa ng hagdan ang dalaga at lumapit sa lalaki.

"Baby Moon!" Mahigpit na yinakap ni Aiken si Evie. Binuhat ng binata ang dalaga at iniupo sa braso n'ya na parang bata. "I miss you. Dapat sinabi mong kailangan mo ng bodyguard para ako na lang ang nagbantay sa'yo."

"Hindi ko naman kasi kailangan ng bodyguard. Si kuya Acel lang ang nagpumilit."

"Kung gusto mo ay paalisin mo na ngayon si Kade para ako nang pumalit sa kanya." Suhestyon ni Aiken habang nakangisi kay Kade.

"Siraulo ka! Aagawan mo pa ako ng trabaho!"

"Aiken!" suway ni Evie sa binata nang halikan s'ya nito sa leeg.

Nag-igting ang panga ni Kade ng makita ang ginawa ng lalaki. Kaagad na lumapit si Kade sa dalawa at kinuha si Evie sa pagkakarga nito. Ngayon ay s'ya naman ang may buhat kay Evie habang nakaupo ang dalaga sa braso n'ya.

"Don't touch her!" asik ni Kade pero imbis na mapikon sa kanya si Aiken ay isang mapangasar na ngisi ang sumilay sa mukha ng lalaki. He know how to pissed him off.

"Kade! Ibaba mo nga ako." Hindi pinansin ni Kade ang mahinang paghampas sa kanya ni Evie.

"Okay guys. Tumigil na kayo." Pumagitna si Acel sa dalawang kaibigan. Para na kasing papatay ng tao si Kade dahil sa tinging ipinupukol nito sa kasama.

Napadaing si Aiken nang batukan s'ya nang malakas ni Acel. Hindi nakalagpas sa kanya ang ginawa ng kaibigang paghalik sa kinakapatid. Kaya hindi pumayag si Acel na maging bodyguard ni Evie si Aiken dahil kilala n'ya ang kaibigan. Malandi ito.

Kahit sabihin pang hindi n'ya totoong kadugo si Evie ay itinuring n'ya nang nakababatang kapatid ang dalaga. He trained her. S'ya mismo ang nag-train kay Evie noong nagsisimula palang ang dalaga sa trabaho kaya talagang malapit si Acel dito.

"Sabi ko na nga ba! Mas favorite mo si Kade kesa sa akin! Anong klase kang kaibigan Acel!" Maktol ni Aiken dahilan para makatanggap ulit s'ya ng hampas sa likod ng ulo n'ya. "Baby oh!" sumbong ni Aiken kay Evie.

"Acel! Pwede bang ilabas mo na ang lalaking 'yan dito." Sumasakit na rin ang ulo ni Kade.

"Mamaya na bro. Mas sasabihin lang kaming importante kay Evie." Bumaling si Acel kay Evie pero nagsalubong ang mga kilay n'ya ng makita ang pamumula ng mukha ng dalaga. "Ayos ka lang Evie?" puno ng pagtatakang tanong ni Acel.

"O-Oo. Kade, ibaba mo na nga kasi ako."

"Fine. Pero 'wag kang lalapit sa siraulong 'yon!" Pagtukoy ni Kade kay Aiken.

"Sino ka para utusan ak--Urgghh! Fine!" Kung makikipagtalo pa s'ya sa lalaki ay baka humaba lang ang diskusyon nila kaya naman labas sa loob n'ya ang pagpayag dito.

"Bodyguard na bodyguard na talaga ah!" puna ni Acel saka n'ya inakbayan ang kaibigan.

Kade doesn't think his doing his job as Evie's bodyguard. The right term is that, he's being possessive. Hindi n'ya alam kung bakit s'ya ganun makapag-react.

"Kung tungkol sa Crowned Guild ang sasabihin mo ay alam ko na ang tungkol 'don. Charm already told me." pahayag ni Evie.

"Ang bilis talaga ang ulupong na 'yon." saad ni Acel. "Pero may isa pa akong sasabihin sa'yo Evie. Tungkol naman ito kay Elly."

"W-What about her?" Sumeryoso ang mukha ni Evie nang marinig ang pangalan ng kapatid. She despise her. Matapos ang ginawa nito sa mata n'ya at planong pagpatay sa kanya ay kinalimutan na n'yang kapatid n'ya ito.

"She's still searching for you. Sumugod s'ya sa isa sa mga headquarters ng Guild kung saan ka noon naka-assign at pinasabog iyon." pahayag ni Acel. "Mabuti na lang at kinuha ko si Kade para bantayan ka rito. Nakakatulog na ako ng mahimbing tuwing gabi. Thanks bro, kahit mukha kang pera." baling ni Acel kay Kade.

"Tss. That b*tch." Nagngingitngit ang mga ngiping bulong ni Evie sa sarili.

Ako mismo ang papatay sa kanya kapag nagkita kami.

***

"Kamusta pre?" tanong ni Acel kay Kade habang nakatayo sila sa balkunahe at pinapanood si Evie at Aiken sa malayo.

"Yong ipinangako mong 1 year advance payment. Nailipat na ba sa bangko ko ang kulang?" tanong ni Kade. Masama ang loob n'ya sa nakikita. Evie looks happy being with Aiken. Kabaliktaran ang reaksyon ng dalaga kapag sila naman ang magkasama.

Arrgghh! What is wrong with me? Stop comparing yourself to that a**hole!

"Mukha ka talagang pera."

"I'm being wise Acel. Alam ko kasing may pagkagarapal kang lintik ka."

"Tss. Utot mo."

"Can you tell me about what happened between Evie and Elly? Nang banggitin mo ang pangalan ng kapatid ni Evie kanina ay bigla na lang sumama ang mukha n'ya."

"Ang weak mo. Lagpas isang buwan ka na rito pero hindi mo pa rin alam ang talambuhay ni Evie."

"Hindi naman s'ya sa akin nagkukwento." Depensa ni Kade.

"Hindi ka kasi nagtatanong." singhal sa kanya ni Acel.

Right. Hindi nga pala ako nagtanong. Alam ko kasing susungitan lang ako ng babaing 'yon.

"10 si Evie at 8 years old naman si Elly nang magkahiwalay silang dalawa. They were orphaned that time." panimula ni Acel. "Si Elly ang nakahanap sa kanya dalawang taon na ang nakakalipas. Ang akalang masayang reunion ni Evie ay nauwi sa kapahamakan. She almost died that night. Mabuti na lang at dineploy lahat ni King ang magagaling n'yang tauhan para sa pag-rescue kay Evie dahil kung hindi ay baka wala na s'ya ngayon dito. Bago pa man maiputok ni Elly ang baril sa ulo ni Evie ay napigilan na s'ya ni Aiken pero hindi nakaligtas ang isang mata ni Evie but still, thank God she's still alive."

Aiken saved Evie. Kaya ba sobrang close nilang dalawa?

"What happened 2 years ago was a nightmare for Evie. Hindi n'ya inaasahang tatraydurin s'ya nang nag-iisa n'yang kapatid." dugtong ni Acel.

***
Please don't forget to vote and comment ♥️😃!

Babysitting The Retired Assassin | COA #1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora