CHAPTER 05: The Seprent's News

1K 54 1
                                    

Naalimpungatan si Evie nang marinig ang pag-ring ng kanyang cellphone. Ala-sais pa lang ng umaga at gusto n'ya pang matulog pero dahil sa walang tigil na pagtawag sa kanya nang kung sino ay wala s'yang nagawa kundi ang bumangon at sagutin ang umistorbo sa tulog n'ya.

"Ang aga mo namang mangbulabog, Tommy." Namamaos na saad ni Evie ng saguting ang tawag ng kaibigan.

"Manganganak na si Tuesday! Nandito na kami sa hospital ngayon."

"What?!" Muntik na n'yang makalimutan, kabuwanan pala ngayon ng kaibigan n'yang si Tuesday.

"Oo nga! Basag na nga eardrum ko sa kakasigaw n'ya."

"Video call tayo. Maghahanap lang ako nang maayos na signal." paalam ni Evie bago patayin ang tawag ng kaibigan.

Dali-daling lumabas sa kanyang bintana si Evie at maingat na inakyat ang bubong ng bahay para makasagap nang maayos na signal. Hindi n'ya pweding palampasin ang panganganak ni Tuesday. Nangako s'ya rito na s'ya ang sasama sa hospital pero dahil ayaw n'yang mapahamak ang mga kaibigan ay hanggang video call na lang muna s'ya.

"Nasaan si Tuesday?" bungad na tanong ni Evie sa kaibigan ng sagutin ni Tommy ang video call n'ya. Malakas ang sagap ng signal sa pwesto n'ya kaya hindi s'ya nagla-lag.

"Nasa loob. Ayokong pumasok dahil ako 'tong kinakabahan sa kanila ng pamangkin ko."

"Napakaduwag mo talaga! Dapat pumasok ka para may kasama s'ya loob. Alam mo single mom ang kapatid mo. Kailangan n'ya ng moral support."

"Baka ako ang himatayin sa loob kaya hihintayin ko na lang sila rito." Napairap na lang si Evie sa narinig.

"Paano na lang kung misis mo ang nanganganak ngayon? Hihiwalayan ka kaagad nun for sure!"

"Thank God, single ako at puro mingle lang. Bwahaha!" Napailing na lang si Evie habang natatawa sa kaibigan.

Tuesday and Tommy are her friends. Bago pa man s'ya maging assassin ay kilala n'ya na ang dalawa. Silang tatlo ang magkakasamang namuhay sa lansangan at sa murang edad nasaksihan nilang kasamaan sa mundong kanilang kinagagalawan. Pumasok si Evie sa organisasyon nang hindi alam ng dalawang magkapatid at simula nun ay s'ya na ang nagtustos sa pag-aaral ng mga ito. Hindi lang basta-bastang kaibigan ang turing n'ya sa dalawa kundi kapamilya na.

"Ewan ko sa'yo." Natatawang saad ni Evie.

Napatingala sa kalangitan ang dalaga ng marinig ang ingay ng helicopter na papalapit sa bahay n'ya.

"Tommy, I'll call you back later. May gagawin lang ako."

"Sure. Text kita kapag lumabas na si baby."

"Thanks."

Pinaningkitan ni Evie ang helicopter na malapit na sa kanya. May logo iyon ng Crowned Guild.

"Mooooon!" sigaw ng babaing nakasakay sa Helicopter habang kumakaway at malawak ang ngiti kay Evie.

"What the hell. Anong ginagawa nang mabungangang babaing 'to rito?" kunot-noong bulong ni Evie sa sarili ng makita ang isa sa mga kasamahang assassin.

"Evie!" tawag sa kanya ni Kade na nasa labas ng bahay. Naalarma rin kasi ang binata dahil sa biglang pagdating ng helicopter. Akala n'ya ay papasabugan na sila nito. Sinenyasan ni Evie si Kade na kilala n'ya ang bisita nila. May hawak kasing baril si Kade. Baka bigla n'yang paputukan ng helicopter. Sabog din s'ya pagnagkataon.

May inilaglag na lubid ang babae sa helicopter at doon kumapit para tuluyang makababa.

"Moon! I miss you!" pahayag ni Charm saka n'ya mahigpit na yinakap si Evie. Pigil ang ginawang paghinga ni Evie nang maramdaman ang nakatutok na patalim sa tiyan n'ya. "Don't move. Ayaw mo naman sigurong hilahin ko palabas ang mga intestine mo." pagbabanta ni Charm sa kanya.

Babysitting The Retired Assassin | COA #1Where stories live. Discover now