SYNOPSIS

6.3K 135 6
                                    

   Bakit nga ba kung sino pa ang siyang marunong magmahal... Ay siya pa itong madalas na iwan? 'Yan pa rin marahil ang tanong ni Randall sa kanyang sarili. Ewan niya nga ba. Mababaliw na lamang siya sa kakaisip.

   Binigay niya naman lahat. Pinaglaban niya ang babaeng pinaka mamahal niya sa magulang niya dahil alam niyang siya na ang kanyang 'the one'. Ang babaeng magiging ina ng kanyang mga anak at titira sa kanyang bahay na pinangangarap.

   Ngunit, hindi lahat ng pangarap ay para sa ikasasaya ng lahat. Kahit pala binigay na niya sa kanyang asawa ay ilang beses itong nakitang may kasamang lalaki. Mas successful at mas may napatunayan kaysa sa kanya.

   Wala rin pala lahat ng pagmamahal at pagod niya sa trabaho, dahil ang dahilan ng laht ng ito ay wala palang paki alam.

   Dala ng sobrang pagmamahal ay nagawa pa niyang maki-usap dito upang hindi siya nito iwan, tulad ng kanyang kinatatakot. Pero, kahit pa mansinsinan na silang nag-usap at nangakong hindi na ito uulitin... Ay siya pa mismo ang nakahuli rito sa huling pagkakataon.

   Mukhang wala na ngang tsansang magbago pa ito. Dahil kahit siya ang inuuwian nito ay iba ang nasa puso ng babae niyang minahal at pinaglaban.

   Sabi nga nila... Hindi pa roon 'yon natatapos. Nakangiti si Randall habang kaharap ang kanyang asawa at umastang hindi niya ito alam. Kahit pa nais na niya itong saktan at iwan. Pero, hindi lang 'yon doon hihinto.

   Masakit. He just realized that he never deserved her. Kaya't kailangan niya 'yong maparanas sa babaeng hindi na niya kilala kung sino pa. Hindi siya papayag na maging kawawa sa huli... Alam niyang may isa lamang paraan.

   What is it? To cheat on her with the man she cheated with. He's ready to admit that he's not a saint. Especially, now that he knows how to cheat back. "Meeting you soon, Mr. Farhan."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Expensive



Exclusive



Exciting



Extra



Explicit



The Series X

Cheating Husband ©Where stories live. Discover now