81

137 10 8
                                    


Hindi na kami nag-uusap ni Bryx. Ang tanga lang, ginawa akong trial card.

"Ate, pahingi pang-computer." Wika ng kapatid ko. Well, 'di ko naman siya kapatid. Anak siya ng step-mom ko sa ibang tatay. Pero tinutruring ko na isang kapatid.

"Umuwi ka agad ha, para maka-uwi na ako sa apartment," sabi ko sabay abot ng sampung piso.

"Ate... galit ka pa kay Tatay?" Tanong niya. May isip na rin pala 'tong batang 'to, malamang katorse na eh.

"Hindi ako galit, nagtatampo lang."

Sino ba naman ang hindi magtatampo ron? Sa mga events na wala siya. Sa mga oras na gusto ko siyang kasama. At higit sa lahat, halos hindi na niya ako kilala dahil sa babae niya.

"Alam mo ate, nalulungkot si Tatay kapag wala ka rito sa bahay. Palagi nga niyang pinapa-loadan ang cellphone niya para i-text ka pero hindi ka naman daw sumasagot." Sabi niya, "'yung mga pasalubong niya nga para sayo, nasa kwarto mo pa eh."

Wow, lakas maka-guilty ah.

"Kahit hindi ko siya totoong tatay... mahal na mahal ko siya."

Somewhere in Cebu Where stories live. Discover now