97

126 8 2
                                    


Nakangiti ako habang nagluluto ng hapunan ko. May gana ako ngayon dahil sa lalaking yun. Napadalas na rin ang pag-chat  ko sa kanya, at nabanggit na pupunta na siya rito.

"Ano ba 'yan! Puro na lang siya naiisip ko. . ."

Nagulat ako sa biglaang pagkatok sa may pintuan kaya naisip kong baka si Papa 'to, hindi ko na rin kasi siya nakaka-usap.

Nang binuksan ko na ito ay napa-mura na lamang ako sa nakita.

"Pesting yawa!" malakas kong sabi.

"May God forgive you," she said.

Pumasok siya nang mabilis sa loob na para bang sinabi ko na pumasok na. Ang kapal ng mukha! Uminom pa ito ng tubig at umupo sa silya na parang reyna.

"Oh? Parang hindi ka masaya?"

Kinunot ko ang noo ko at tinaasan siya ng kilay. "Naisahan mo 'ko, Zaina ha!"

Somewhere in Cebu Où les histoires vivent. Découvrez maintenant