CHAPTER 01

8.7K 452 12
                                    

Annabeth Pov.

"Kailan kaya siya magigising?"
"Ewan, wala naman akong pake."
"Ang sama mo talaga. Naging maayos naman siya satin."
"Oo nga pero hindi ko naman sinabi sakaniyang maging mabait satin."
"Ewan ko sayo, matilda. Hindi niya naman kasalanan---"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa mga boses na naririnig ko, pero nung ginawa ko yun siya namang pagsakit nang buong katawan ko kasabay nun ay isang nakakarinding tili.

"Ang prinsesa!"
"Tawagin ang hari!"

Iniinda ko pa rin ang sakit munit hindi ko maiwasang maguluhan sa mga nangyayari. Napaka daling pumroseso sa utak ko ang mga alaala bago ako...namatay.

'Tama! Namatay na ako, pero bakit...'

"Annika anak!"napalingon ako sa pintuan ng napaka laking silid at duon pumasok ang tumatakbong babae papunta sa akin kasama ang anim na taong naka suot ng...

"What the...ha?! Anong...AHHHHHH" nagsisigaw ako nung marinig ko ang boses ko.

'Takte, bat babaeng babae?! Anong...anong nangyayari?!'

Nabigla din ang mga taong nasa paligid ko nung nagsisigaw ako. Lumapit naman ang babaeng tinawag akong Annika para akoy pakalmahin pero...

"Anak Annika, kumalma ka---"

"Tang*na, sino ka?!"inis kong tanong dito nung hawakan niya ako sa balikat. Napa atras naman ang ginang bumalatay ang sobrang pagka bigla sa mukha.

"Disrespectful! How dare tou talk to our mother like that?!"galit na sabat naman ng isang babae, kasama siya dun sa mga bagong pumasok.

Siya naman ang binalingan ko at binigyan ng masamang tingin na ikina bigla niya. Biglang bigla ha? Ngayon lang siya nakakita ng death glare? Ignorante.

"At sino ka naman?"inis na tanong ko dito.

Namula siya sa galit at sasagot na sana pero pinigilan siya nung mga kasamahan niya. Ha, marunong naman palang tumahimik.

"A-Anak...bakit hindi mo kami nakikilala?"nag aalalang tanong nang ginang sa akin at lumapit na naman siya na ikina usog ko.

"Ako? Anak mo? HA, last time I check wala akong nanay. Tsaka, hindi ko nga kayo kilala."sagot ko dito, bumalatay naman ang lungkot sa mukha niya. Nilapitan siya ng isang lalaki at niyakap siya nito. Napa ngiwi ako sa kanila.

"Call the doctor, now."ma awtoridad na utos nung lalaking yakap ang ginang.

"Dad, you know her. She wants attention, baka isa lang ito sa mga laro niy---"

"Now, Caleb."

"Fine.."at sinamaan pa ako nito ng tingin bago pumikit at nagbubulong bulong.

Naka tunganga naman ako sa kanila. Ano bang nangyayari? Bakit...bakit buhay pa ako? Bangungot lang ba lahat? Bakit ang gulo? Sino ba tong ma to at kung maka asta parang royal family.

Tumayo ako pero napa upo rin bigla nung maramdaman kong mabigat ang ma paa ko. Tiningnan ko ito at nakitang sobrang puti at kinis nito. Nanlalaking matang tiningnan ko ang mga kamay ko at...sheeet ang kinis at puti plus maliit!

"Nasan ang cr?"tanong ko sa kanila, binalewala ang nagtataka nilang tingin.

Itinuro naman nila ang malaking pinto at doon ay pumasok ako kahit na nahihirapan. Pag tingin ko sa salami...

Once again..."AHHHHHHHH"

Sigaw lang ako ng sigaw hanggang sa nilamon ako ng dilim. Akala ko ay wala akong malay pero bigla nalang may mga imaheng lumabas sa isip ko. Parang buong buhay ng isang tao. It felt like hours bago nawala iyon. Nagising ako na nasa harapan pa rin ng salamin.

Naka tutok ako sa mga mata ko. Still the same, wala pa ring buhay pero hindi sakin ang mga matang ito. Kay Annika Delacroix ang buhay na ito at nakita ko kanina kung ano at sino siya.

Bakit pa ako nabuhay kung ganito rin naman pala?

Bigla nalang napangisi ako sa repleksyon ko sa salamin. Masakit ang pinagdaanan niya pero mas masakit ang saakin. Ayaw ko nang mabuhay pero at the same time gusto.

"Annika.."bulong ko sa salamin at mas lalong lumawak ang ngisi nung maalala ang mga kahayupang ginawa nila sa kaniya.

Annika...you and I are now one. Ayaw ko mang paniwalaan pero...fairytales do come true but were so unfortunate to experience such cruel fairytale.

'Let me give you some life Annika, I will live this new life to the fullest..and I will make sure that they will surely regret killing you.' huling salita ko sa isip at naka ngising lumabas sa cr.

The Psychopath's RebirthWhere stories live. Discover now