CHAPTER 41

2.5K 120 6
                                    

Third Person's Pov.

Nakatulala lang ang tatlong magkakapatid sa labas ng hospital room ni Dianne. May mga taong nababahala sa kalagayan nila pero mas pinili nalang ng mga ito na huwag silang gambalahin dahil baka madamay pa sila sa galit ng mga Delacroix. Ang tatlo naman ay binalewala lang ang lahat ng mga matang nakatingin sakanila mula sa malayo. Nakatulala, basa at kahit nanginginig sa ginaw ay hindi nila iyon inalala. Sa ngayon ay pinoproseso pa ng kanilang maliit na utak ang mga nangyayari sa araw na iyon.

Una sa lahat, niligtas nila si Annika kahit pwede naman nila itong pabayaan na maghirap sa kamay ni Wraise. Pero dahil may kinikimkim na galit si Caleb kay Wraise ay hindi niya iyon pinahintulutan, ma pride kasi ang hangal.

Pangalawa, nakaganti na rin sa wakas si Caleb kay Wraise pero dumating si Lumino para iligtas ito, kaya nasaktan ang kapatid niyang si Dianne.

'Wala talaga siyang kwenta kasi kahit kapatid niya di niya magawang iligtas, tatanga tanga.'- isip isip ni Annabeth habang naglalakad papunta sa dormitoryo niya.

Pangatlo, nasaktan parehong emosyonal at pisikal si Lucianna na pinakamamahal ni Caleb dahil mas pinili ni Caleb ang kapatid niya.

Pang-apat, na unseal ang kapangyarihan ng dalawang royalties kaya patay sila kapag nalaman ito ng mga hari at reyna, lalo na si Dionne na malakas ang inilabas na kapangyarihan.

Pang-lima, sinaksak ni Dionne si Lumino, tagos hanggang likod. At hindi nila alam kung buhay pa ba ito o patay na. 'Sana hindi' dasal dasal nila dahil kapag nagkataon na napatay nga ito, tiyak na gyera ang aabutin nila lalo pa't mag aaklas ang mga Merlee at Wayne.

At ang panghuli, muntik ng mawala ang pinakamamahal nilang Dianne dahil sa kabobohan nila. Isipin niyo, sa haba ng oras na nag lalaban sila, ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan sa gitna ng labanan, hindi man lang nila naisip na gamitin ang malalakas nilang kapangyarihan upang iligtas si Dianne.

'Tatanga tanga kasi'- Ani Annabeth sa isipan at humiga sa kama.

Ang daming nangyari sa araw na ito. Halos hindi ma proseso ng utak nila....
Napabuntong hininga na lamang ang tatlong lalaking magkakapatid at inantay ang paglabas ng manggagamot na nasa loob ng hospital room ni Dianne.

Si Dionne ay wala na. Ibinalik na siya sa Dungeon at mas lalong pinahigpitan nina Drex ang security dahil baka makalabas at maka panakit na naman ito. Laking pagsisisi na nga nila't hinayaan nilang masaktan ni Dionne si Lumino at ang mga kapatid nito.

'Patay talaga.'isip isip pa nila habang naiimagine na ang kahihinatnan nila sa kamay ng mga magulang.

Annabeth/Annika's Pov.

Nakatitig lamang ako ngayon sa kisame. Iniisip ang mga katangahan ng mga kapatid ko(ni Annika), ang nangyari kay Lumino kung patay na ba siya.

"Sana nga patay na yun."sabi ko pa sa kisame.

Bakit? Mas maiging mamatay na lang siya diba? Mas mapapabilis ang trabaho ko. Come to think of it. Kapag napatay nga ni Dionne si Lumino ibig sabihin magagalit at magluluksa ang pamilya nito.

Maggugunita ito ng gyera. Marami ang madadamay. Marami ang mamamatay. Masaya yun diba? Pupunta sila dito para harapin si Dionne at ang mga kapatid ko tapos mahahati ang unibersidad sa papanigan nila. Magpapatayan lahat at doon ako eentra. Habang mahina pa sila at nasa gyera pa ang atensyon, doon ako susugod.

Papatayin ko una ang mga magulang nila para naman makita ng mga royalties kung paano maghirap at magdusa ang mga hari at reyna sa kamay ko. Tapos isusunod ko sila. Papatayin ko sila sa paraang masasatisfy ako, yung tipong kahit buto ko sa katawan ay magdidiwang. At huli ay isusunod ko ang mga nakikisaling estudyante, isa din sila sa mga walang utak, ewan ko ba kung bakit bobo ang mga tao dito sa mundong ginagalawan ko ngayon.

The Psychopath's RebirthWhere stories live. Discover now