Annabeth's Pov.
Gabi na nung mapag pasyahan ni mommy na dalawin si Dionne sa selda nito, siyempre bilang MABUTING anak at kapatid ay sinamahn ko siya. Sina Drex ay hindi na sumama dahil masama pa rin ang loob nila kay Dionne, lalo na ngayon na galit si mommy sa kanila dahil sa pang aakusa nila kay Dionne.
Err. Parang nagiging comportable na ata akong gamitin ang salitang mommy. Nakakasuka.
Naglalakad kami sa mahaba at madilim na pasilyo ng dungeon. Hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin ako sa haba at lawak ng piitang ito. Matatayog din ang pader na kulay abo. Sa bawat seldang nadadaanan naman namin ay kitang kita namin ang mga nakapiit doon...sila yung mga nakausap ko noon at kinunchaba ko para sa plano ko sa hinaharap. Hindi ko tuloy maiwasang ngisihan sila upang inggitin, munit wala silang magawa kundi ang titigan lang ako, yung ibang babae ay nakangisi sa akin habang yung iba ay naka irap o di kaya'y seryoso lang kami na pinagmasdan.
Kalma. Di naman ako ang kalaban niyo dito HAHAHAHA.
"Nandito na tayo mahal na reyna."magalang na pagkaka anunsyo ng gwardyang kasa-kasama namin. Huminto pala kami sa selda ni Dionne, yung seldang triple ang rehas at may salamin na harang.
Huminga ng malalim si mommy at kinatok ng malakas ang selda, kaso walang sumagot na Dionne.
Ay oo nga pala, tulog nga pala si Dionne dahil sa gamot na itinurok sa kaniya. Bahala na nga, wala naman akong pake kung mag mukhang tanga to kakaantay na sumagot ang anak niya.
"A-Ah...mahal na reyna."tawag nung gwardya kay mommy. Tumingin naman sa kaniya ang reyna.
Kinakabahan man ay sinabi pa rin ng gwardya ang gusto niyang sabihin, "Tulog po ang prinsesa Dionne, mahal na reyna. Magigising lamang po siya kapag naturukan na po siya ng gamot."
"Naturukan ng gamot? Bakit tuturukan ng gamot ang anak ko?"tanong ng reyna.
Mas lalong kinabahan ang gwardya dahil nahihimigan niya ang pagkairita ng reyna sa itinuran niya. " Para po pakalmahin si prinsesa Dionne. Napatay niya po ang isa sa kasamahan namin dahil sa pagpupumiglas niya at pagpipilit na tumakas."
"ANO?! Nakapatay kamo si Dionne?!"
'Bingi lanag ganon? tsk.'
"O-opo mahal na reyna."
"Imposible! Hindi ganoon ang anak ko!"galit na sigaw ng reyna.
'Paano mo naman nasabi? Nagawa ngang pahirapan ng mga anak mo si Annika at halos patayin na, ito pa kaya na simpleng pagpatay lang ng gwardya?'
Hindi naman nakasagot ang gwardya at yumuko na lang. Nanahimik si mommy at masamang tiningnan ang gwardya.
"Mom... siguro hayaan muna nalang natin si ate Dionne."sabi ko pa.
YOU ARE READING
The Psychopath's Rebirth
Fantasy'She promised to destroy the world but to destroy everything she must need to save everyone first.. ' UNDER HIATUS