Annabeth/Annika's Pov.
NUNG MARATING ang school hospital kung saan naka comfine ang nag aagaw buhay kong kapatid ay hindi muna ako pumasok. Sa halip ay pinag masdan ko lang ang bungad nito.
May naalala lang ako habang naka masid sa buong ospital. lsang alaala ng dati kong buhay. Bilang si Annabeth noon 'ay ayaw ko ng amoy ng ospital, hindi ko nakakaya ang amoy ng iba't ibang kemikal sa loob nito. Ang mga gamot na hindi ko alam kung bakit pero para akong pinapatay. Hindi ko ma explain ang nararamdaman ko kapag nasa loob ako ng ospital at napapaligiran ng mga kemikal nila. Kahit pa sanay akong suminghot ng mababahong amoy ay hindi pa rin kayang tanggapin ng sikmura ko ang matapang na amoy dito.
Naalala ko nung kauna unahang sinugod ako sa isang ospital ay nagwala ako at nawalan ng malay. Yun ang araw na pinatay ko ang mga hayop sa buhay ko. Nakita akong palaboy laboy sa tabi ng dagat at sa tabi ng bahay kung saan naka bulagta ang mga bangkay ng salot kong ama at ng mga kaibigan niya.
Pag gising ko sa loob ng ospital ay sobrang daming tao. May mga nurse, mga doktor at pulis. Nagkakagulo silang lahat kaya nagwala ako hanggang sa mawalan ng malay. Pag gising ko ulit ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong sinusunog ang buong ospital. Nung una ay nabigla pa ako, lalo na't rinig na rinig ko mula sa loob ang mga pasyenteng nagsisisigaw. Humihingi ng tulong. Hindi sila maka labas dahil kumalat na ng husto ang apoy sa first floor kaya wala silang nagawa. Natawa ako. Para akong nasa impyerno at ang mga tao sa loob ang mga makasalanan na kailangan magbayad ng kanilang buhay. Wala nalang rin akong naramdamang awa o kahit ano maliban sa galit at tuwa. Basta ang alam ko lang....nasisiyahan akong nagdudusa ang iba.
Kaya ayun. Doon ako nagsimulang mabuhay bilang si Vlad. Tumakbo ako sa malayong lugar. Malayo sa ospital na yun at nabuhay ng mag isa. Sa murang edad ay natuto akong kumain habang madumi ang mga kamay. Munit kahit ano pang ganap sa buhay ko, hindi nun nabura ang isyu ko sa ospital. Ganon pa rin ang takot at suklam ko sa amoy ng kemikal nila. Hindi ko alam kung bakit.
Pero nung mapunta ako sa katawan ni Annika ay nag bago lahat ng iyon. Tumatanggap ng kahit anong amoy ang katawan niya, kaya 'kaya ko na ring mag tagal sa loob ng ospital. Hindi na ako takot umapak dito. Sa totoo nga niyan ay kayang kaya kong simutin lahat ng kemikal nila dito ng hindi namamatayHAHAHAHHA.
Diba nga nung huli kong pasok dito ay yung dinalaw at ini-brainwash ko si Lucianna—which is gumana naman. Kaya hindi na ako nangangambang umapak sa loob. Kaya ko na to.
Lumaki lalo ang ngiti na naka ukit sa labi ko dahil sa isiping prebilehiyo na nakukuha ko habang nasa katawan ni Annika. Sa KATAWAN NI ANNIKA NA KATAWAN KO NA NGAYON.
But somehow.... it felt right. Parang nasa totoo ko lang akong katawan. Parang akin talaga ang katawan na ito. Kaya hindi nakakapagt takang mabilis akong nakapag adjust sa loob niya.
Napapailing na napapangisi na lamang ako at iniwaksi na sa isipan ang kung ano anong pinag iisip. Mas mabuting dalawin nalang natin ang magaling kong kapatid.
'right. That bitch. I wonder how she's doing..'
Tuluyan na nga akong pumasok sa loob. Kagaya lang rin ng dati ay wala masiyadong tao dito. Tanging mga staff lang ng ospital at kakaunting estudyante ang palaboy laboy sa loob.
Dumeretso ako sa information desk. Sinalubong ako ng tingin nung babaeng receptionist dito. Siya rin yung babaeng nagtaray sa akin pero takot naman nung pinakitaan ko ng kaunting katarayan. HA! Siya pa rin pala ang receptionist dito? Akala ko napatay ko na to? Aisttt nakalimutan ko. Di bale, sa susunod nalang.
"You're here again?"taas kilay niyang tanong. Tinaasan ko rin siya ng kilay. Aba't....di pa talaga siya nadadala nung huli ah. Sa banta ko ba'y hindi pa rin siya natatakot? HA!
"Huh? Am I not allowed here?"taas kilay ko ring tanong. Nag cross arm ako at pinakatitigan ang buo niya. Gaya ng dati ay madali siyang nailang sa klase ng titig ko. Tingnan mo nga naman, siya itong nagsisimula tapos hindi marunong tumapos? Ano ka ngayon ah.
"Why don't you ask yourself?"pilit niyang pinapatapang ang sarili. Halata namang takot na takot. Bitchesa kasi, hindi naman bagay.
"Uh...self? Am I not allowed here?"tanong ko sa sarili sa tonong nang aasar. Napangisi ako nung makita ang salubong niyang kilay. Bobo ba siya? Siya kaya ang nagsabing tanungin ko ang sarili ko.
"My self says pwede daw ako dito."sabi ko ulit.
Tiningnan niya ako na para bang sobrang wirdo ko kaya hindi ko maiwasang mapatawa. Inilingan ko na lang siya at minabuting pagtuonan ng pansin ang pakay ko dito.
"Where's Dianne's room?"kalmadong tanong ko. Oh kalmado na ako ah! Kahit gusto ko siyang gilitan ngayon ay hindi ko ginawa dahil maraming tao. Hayst.
Munit hindi talaga marunong makiramdam ang hutik dahil mas lalo niya lang dinadagdagan ang kagustuhan kong ikalat ang laman loob niya dito dahil sa sunod niyang sinabi...
"Bakit mo hinahanap ang kwarto niya? Only the royalties and princess Dianne's family can enter the private room!"singhal niya at nag cross arm.
Anong...aba't! Saan niya kinuha ang tapang niya ngayon? Parang noong huling kita namin ay nangatog agad ang tuhod niya wala pang ilang minutong usapan pero ngayon—Ha! Sininghalan ako?! Bwisit! Ang tapang tapang wala namang ibubuga.
Talaga bang hindi niya nakikilala ang isang Annika? Prinsesa rin ako no! Lahat nalang talaga ay hindi kinikilala si Annika bilang isang Delacroix at isang prinsesa. Mga salot sa mundo. Ang dapat sainyo tinatanggalan ng hininga!
"It's none of your business. Now, where the hell is that private room?"tanong ko ulit at piniling ikublinsa loob ang inis na gusto ulit lumabas.
"Why would I tell you? Sino ka ba ha?! Umalis ka na ng---hukk"
Hinablot ko ang kwelyo ng uniform niya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hinigpitan ko ang kapit sa kwelyo niya kaya pasimple ko siyang nasasakal. Hindi naman siya nakapiglas dahil nanatilo siyang nanginig sa pwesto.
Nginisihan ko siya. Labas ang nag ngingitngit kong ngipin. Sabay sabing!
"Your face fcking pissed me bitch. Kung ayaw mong matapyas 'yang mukha mo, you will answer my question."banta ko.
Hindi naman siya sumagot kaya mas lalo ko siyang sinakal. Maya't maya pa ay tumango na siya kahit pa mukhang hindi niya gustong sumang-ayon sa sinabi ko. Tch. Takot lang naman sakin.
Bago ko pa siya mabitawan ay may epal na tumampal ng kamay ko kaya dahil sa bigla ay nabitawan ko ang kwelyo ng babae. Agad kong tiningnan ng masama ang gumawa nun pero napalis lang din sa mukha ko ang galit na ekspresyon nung malaman kung sino ang may gawa. Tinaasan ko siya ng kilay sabay ayos ng tayo.
Inangyan. Sa lahat ng taong makakakita sa akin na gumagawa ng masama ay siya pa. For sure gagawan na naman ako nito ng issue sa mga kasamahan niyang royalties kagaya nung ginawa sa akin ni Wraise.
"What the hell do you think you're doing?!"galit na sigaw sa akin ni Yvo. ANG PINAKA MAMAHAL NG MAGALING KONG KAPATID.
Tsk. So cringe.
YOU ARE READING
The Psychopath's Rebirth
Fantasy'She promised to destroy the world but to destroy everything she must need to save everyone first.. ' UNDER HIATUS