CHAPTER 34

2.8K 124 0
                                    

Annabeth/Annika's Pov.

Blangko ang mukha akong tumalikod sa kanila pero sa kaloob looban ko ay inis na inis na ako. Kung hindi ako pinigilan ni Natasha baka nakabulagta na yung mga katawan nila dun, labas ang laman at naliligo sa sariling dugo. Mabuti nalang at nakinig ako dahil kung hindi, pagkakaguluhan kami dun.

'Kailan pa naging mabuti ang pakikinig..?!'tanong ng isang bahagi ng utak ko pero binalewala ko na lamang.

Tsk. Sino ba kasi yung mga pesteng iyon? Panira ng araw! Yung Pierce na yun ang yabang, ang sarap lang galgalin ng ngala-ngala. Tingin niya ba matatakot ako sa banta niya? Ha! Sinong niloko niya? Eh kahit pa buong mundo ang balak niyang sabihan ay wala akong pake, basta ba wag lang siyang papahuli 'sakin kung ayaw niyang mapino kasama ng dalawa niyang kasama. Gusto daw nilang sumali sa paghihiganti namin, si Natasga nga hirap kong tanggapin sila pa kaya?! Basta talaga na magpakita pa sila sa akin, tototohanin ko talaga ang banta ko.

Kahit na naiirita at naiinis ay iwinaksi ko na lamang sa utak ko ang nangyari kanina. Tapos na yun pero babalikan ko pa rin ang pangyayaring yun dahil hindi ko matanggap tanggap na pinagbantaan at tinawag ako sa totoo kong pangalan ng taong hindi ko naman kilala.

Matapos nun ay dumeretso na ako sa school's dungeon. Ang sabi, nasa ibaba daw ng school ang nasabing piitan kaya doon ako ngayon pupunta. Bibisitahin ko si Dionne pero siyempre reason lang yan kasi ang totoo kong pakay doon ay ang mga nakakulong sa piitan. Titingnan ko kung may mga tao ba akong magagamit doon para sa nalalapit na sagupaan namin ng mga royalties.

Kagabi lang yan sumagi sa isipan ko. Isa sa plano ko ay palabasin at palayain ang mababangis na tao sa dungeon para mas lalong mahirapan ang mga royalties. Pero sana nga may ganong klase ng tao doon.

Pagka dating sa dulong bahagi ng university ay nadatnan ko ang naka hilerang guards. May dala dala silang iba't ibang klase ng sandata. Hindi sila yung guards na sumalubong sa amin sa university. Naka suot sila ng brown na uniform na may gold linings. Yung guard naman na sumalubong sa amin sa harap ng paaralan ay naka suot ng royal red na uniform at may gold linings din.

Nung makita nila ako ay agad nilang hinanda ang mga armas at tinutok sa dereksyon ko. Saglit akong natigilan dahil doon pero maya't maya ay unti unting umusbong ang galit ko sa loob.

'Mga hangal! Hindi talaga nila nirerespeto ang isang prinsesang gaya ko--I mean gaya ni Annika!'

Unti unti kong ibinuka ang palad ko, handang mag summon ng kahit anong elemento munit napatigil din ako nung ma realize na walang patutunguhan kung susugudin ko sila at makipag gyera, matataalan lang ako lalo bago makapunta sa pakay ko. Mas mabuting ipakita ko nalang sa kanila kung sino ang nakatataas at sino sa amin ang mababa.

'Kung ayaw niyong lumuhod...paluluhurin ko kayo.'

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?"tanong ng punong gwardiya at mas lalong itinutok sa akin ang crossbow niya.

Napataas ang kanang kilay ko dahil doon.

'Gag* di naman pala ako kilala...! Kaya pala kung makatutok ng armas ay wagas!'

Inayos ko ang tindig ko at tiningnan siya sa mata. Kita ko kung paano dumaan ang kaba sa mata niya, nakita niya sigurong mapanganib akong tao. Alangan. Dapat lang na matakot ka. Sino ka ba para hindi ako katakutan? Isang hamak na gwardiya nang paaralan na hindi alam kung anong klaseng tao ang tinututukan ng armas niya.

"I am here for Princess Dionne of Delacroix Kingdom."sagot ko at humakbang ng isa. Umatras naman siya ng isa at ganon din ang ginawa ng mga gwardiya sa likod niya.

"W-wag kang kikilos! Bakit mo bibisitahin ang Prinsesa? May nagpadala ba saiyo para gawin yun?"tanong niya ulit sa akin. Puno ng pagdududa at pangamba ang boses niya kaya yung galit ko ay napalitan ng galak.

'Antay lang...luluhod ka rin.'

"Hindi ko ba pwedeng bisitahin ang MAHAL KONG KAPATID?"nakangiti ko ng sabi. Natigilan sila saglit at natulala. Pero maya't maya ay nagsalita ang heneral.

"Hindi ka namin kilala. Anim lang ang kilala naming Delacroix at y--"natigilan siyang muli at nanlalaki ang ma matang nakatingin sa akin.

Yung ngisi ko ay mas lalong lumawak hanggang hindi ko na napigilan ang tawa. Bumuhaglit ako ng tawa, nakita ko namang napa atras sila dahil sa pagtawa ko.

'Bakit sila umaatras? Natatakot sila sa tawa ko?HAHAHAHA pero sa presensiya ko hindi?!'

"A-Anong...paumanhi--"

"HAHAHA paano nalang kung sabihin ko ito sa aking ama? Sa tingin mo mapapalampas niya itong ginawa niyo?"tumatawa kong tanong at humakbang ulit.

Ibinaba nila ang mga sandata at nahihintakutang tumayo ng maayos. Maya't maya ay sabay silang yumuko bilang pagbibigay ng pugay at galang sa akin...na isang prinsesa.

Pero hindi ko pinansin yun. Galit at inis ako kaninang umaga tapos dinagdagan pa nila? Ha! Lintik lang ang walang ganti.

"Kapag sinabi ko ito sa mga magulang ko...papatayin nila kayo pati na rin ang pamilya niyo. Bakit? Dahil mga lapastangan kayo! Kung inaakala niyong hindi ko kayang ipagawa o gawin yun...pwes tingnan niyo na lamang bukas o sa makalawa, baka wala na ang--"

"P-patawad mahal na prinsesang Annika! H-Hindi na mauulit."

Napa halakhak ako muli nung makita ang gusto kong makita. Lahat sila ay lumuhod sa harapan ko at nagmamakaawang wag kong patayin ang pamilya nila.

'Pathetic son of a da*m...'

Okay na rin palang matagalan kung ito rin naman pala ang rason. Ghad! Gusto ko tong nangyayari sa harapan k--

*BLAGG*

Bigla na lamang akong tumilapon, malayo sa pwesto ko kanina. Tumama ang ulo ko sa malaking bato at narinig ko ang pag crack ng buto ko sa braso dahil tumama din sa bato.

Hindi ako dumaing dahil as usual....wala akong maramdamang sakit. Parang normal lang ang nararamdaman ko, parang wala akong bali at cuts. Pero akala ko maayos lang ako munit nung tumayo ako ay agad akong napa upo at napahawak sa ulo dahil bigla akong nahilo.

'G*go...tagal ko ng di nakaramdam ng hilo ah..'

Hind na lamang ako tumayo at hinayaang umagos ang preskong dugo sa ulo ko, maghihilom din yan maya maya. Tiningnan ko ang taong may gawa sa akin nun at doon ko nakita si Wraise na nagpupuyos sa galit.

Unti unti siyang lumapit sa akin habang may hawak na lightning bolt. Mukhang yun ang ginamit niya kaya tumilapon ako.

"You! WHAT THE HELL DO YOU THINK YOU'RE DOING?!"nangangalaiti niyang sigaw sa akin.

Papalapit siya ng papalapit kaya alam kong kitang kita na niya ang malaki kong ngisi. Bahala siyang mapikon, pag ako naka bawi patay siya sakin.

"What do you think I'm doing? Bulag ka ba?"nang aasar kong tanong pabalik. Mas lalo siyang nagalit at mas binilisan ang paglalakad.

'Ang iksi ng biyas nito...hina maglakad.'

"Dapat talaga mamatay ka na! I still believe na you are one of the traytor!!"

Ano ba talaga ang traydor traydor na yan? Kagabi ko pa yan iniisip. Ang sakit na sa utak.

"Edi go. Mabaliw ka kakaisip."asar ko at humalkhak kahit pa parang may bumara sa lalamunan ko. Ilang segundo ay naubo na ako at lumabas doon ang dugo.

'Tang*na! Malala na ba ako?'

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Tatapusin na kitang Animal ka!"sigaw niya ulit at itinaas uli ang lightning bolt, handa na para patamaan ulit ako munit...

"WRAISE! WHAT THE F*CK DID YOU DO TO OUR SISTER!!?"nangangalaiting sigaw mula sa malayo.

Tiningnan ko yun at parang may humaplos sa puso ko nung makita ang apat na kapatid ko-- ni Annika.

Wth? Humaplos sa puso? Ewww! Ano bang nangyayari sa akin? Nabagok ata ng malala yung ulo ko.

The Psychopath's RebirthWhere stories live. Discover now