KABANATA 5

146 8 3
                                    


REEMAS:

" SEE YOU ALL AT BATANGAS !!! "

Paalala ng ka batch namin na nag organized nitong gathering through our group chat.

Excited na ang lahat lalo na ako. Siyempre mahigit isang dekada ko na silang di nakikita at may mga taong I look forward na makita.

Alam kong magiging masaya dahil marami ang makakadalo. Excited ako dahil makikita ko na rin ulit ang first girlfriend kong si Shania.

Unti-unti ng napupuno ang venue. Nakakatuwang makita ang mga taong matagal ng di nagkikita-kita. Marami ng pagbabago sa pisikal man o estado ng buhay. Ngunit kanina pa ako palinga-linga. At sa wakas ay nahagip din ng paningin ko si Shania.

Halos wala parin siyang pinagbago. Maganda at mas lalong sumekse pa. Those boobs and booties oh lala... at higit sa lahat single pa rin siya hmmmmm... Mas lalo tuloy akong ginanahan.

Nagkasalubong ang aming tingin at habang papalapit na kami sa isa't isa ay diko mapigilang mag pantasya. Parang nag iba ang scenario bigla. Bigla siyang naka bikini sa paningin ko. Hayan na siya papalapit na siya... oh shit!

Ganito na ba ako ka tigang? Kelan nga ba yong huli? Hmmmmm... . Hayan na siya....papalapit na...nang biglang nag-iba ang anyo ni Shania. Biglang naging si June.! Kahit kelan talaga distorbo!. Mapanaginip man o pantasya.

"Bro andito na si Shania nagkita na ba kayo?". Tanong ni June sakin.

May ininguso ako sa likod niya.
"Hayan na si Shania sa likod mo oh! Sapaw ka lang bro! you're sapaw ! Pwedeng alis ka jan bro? Dali na alis! Panira ka sa moment eh".

Pagtataboy ko kay June at buti na lang na gets ng loko.

"Ah eh ...hi Shania! Anjan kana pala. Mas lalo kang gumanda ah!.. Ahmmm ako nga pala si June kung naaalala mo. Ah sige maiwan ko na kayo enjoy the evening. Sige e exit na ako bye....".

Buti na lang at umalis din ang mokong pero may pahabol pang bulong " Bro chance mo na! Andun lang kami sa kabilang mesa if you need back up. Hehe."

Sabay alis nito.Sa wakas na solo ko rin si Shania.

Nakapag kwentuhan kami ng matagal hanggang sa mapag desisyonan na naming makihalubilo sa iba at pagkatapos ay nagpasya kaming sumama sa mesa nila June. Habang nagkatuwaan sa kwentuhan ay nagawi ang tingin ko sa isang sulok.

May isang magandang babaeng nakatayo na parang may hinahanap at panay tawag na sa fon niya.

Parang pamilyar siya di ko lang mataandaan kung saan ko siya nakita. She looks younger pero dahil andito siya sa aming pagtitipon, siguro ay naging ka batch o di kayay lover siya ng isa sa mga ka batchmates ko? Hmmmm I have no idea . Pero teka may lumapit sa kanyang babae at yon ang kilala ko. Si Vieve.

FLORENZ:

"Hay naku Ving asan ka na ba?".

Sabi ko sa sarili ko. Kanina ko pa kinokontak si Vieve pero di sinasagot ang fon niya. Buti na lang at sa wakas nakita ko na rin siya. At sa sobrang inis ko nahila ko siya.

"Aray naman Flong kung makahila ka naman wagas! Muntik ng humiwalay ang braso ko sa katawan ko.!". Pagrereklamo ni Vieve.

"Eh kanina pa kaya kita tinatawagan ba't ayaw mong sagutin?". Sumbat ko.

"Naku pasensiya kana Flong naiwan ko ata sa room ko. Bakit ba anong problema? Halika ka nga't makihalubilo ka sa mga naging kaklase natin noon."

"Ving kaibigan mo ba talaga ako? Ba't ba gustong gusto mo akong mapahamak. Ba't di mo sinabi na sila pala ang iki-cater ko? Kung alam ko lang di sana ako sumama. Alam mo namang of all people sila ang ayokong makita!".

When love and hate conniveWhere stories live. Discover now