KABANATA 7

74 8 0
                                    

REEMAS:

Nagtataka ako kung bakit siya nagtatatakbo. Para tinanong ko lang naman kung saan siya nakatira. May tinatago ba ang babaeng yon?. Anong problema niya?

Pero ok lang yon muntikan na rin niya akong mahuli na nakatitig lang ako sa kanya kanina.

Napakaganda niya. Kahit walang bahid ng make-up. She looks younger, di ko nga inakala na magkasing edad kami. Lalo na sa mga labi niyang parang ang sarap halikan. Buti nalang at naidahilan ko ang laway at muta niya kahit wala naman. Haha ang cute niya kanina habang nagpupunas.

Ewan ko ba pero iba ang dating ng babaeng yon sakin. Nagkita na kami ni Shania kagabi muntik pa ngang may mangyari doon pa sa beach kung wala lang tao dun baka may nangyari talaga pero ewan ko ba parang alak lang ang naramdaman ko sa kanya.

Saglit lang ang epekto niya pagkaraan ng isang tulog ay wala na kung meron man hang over nalang. She was actually my first love , halos all of my first was with her kaya I thought I would feel something like I felt when I was with her in high school. Di talaga applicable sa lahat yung kasabihang first love never dies.

Ewan ko nga kung bakit pinagtaguan ko na siya kinabukasan. Sino kaya yung taong naliligo kagabi ng dahil sa kanya di natuloy yung mangyayari buti naman.

Pero itong si Lelith may kakaiba sa kanya di ko lang matantiya kung ano. Anyway magkikita parin naman kami ni Celestie. Siguro naman mabubura na sa isip ko ang babaeng yon.

At nagkita nga kami ni Celestie kinalaunan at isa na pala siyang abogada. Ganun pa rin siya gaya ng dati ang sarap kausap. Yon nga lang mas marami siyang kausap sa fon niya. Abogada nga naman siyempre busy.

Pagkatapos ng reunion sa Batangas ay constant pa rin ang communication namin ni Shania. Madalas nga niya akong niyayayang lumabas kaso naging busy narin ako sa aming business lalo na at may business partner na kami dito sa Manila, pag ok na lahat uuwi na ako sa Del Oro para pamahalaan ang plantasyon . Siyempre palusot narin kung minsan busy-bisihan. Ewan ko ba kung bakit ko rin siya iniiwasan.

Si Celestie naman nalaman ko na engaged na pala sa isa ring abogado. Medyo sayang pero ganun talaga masaya narin ako para sa kanya.

Pauwi na ako galing sa isang ka meeting nang maisipan kong kumain muna dahil di pa ako nakapag lunch. Nagkataon namang napadaan ako sa FLORDELI.

Nasarapan kasi ako sa kanilang sinuglaw nong huling punta namin ng tropa at ewan ko ba kung bat gusto kong makita si Lelith.

Do I like her? No. Hindi! Mga tisay ang type ko like Shania and Celestie yung tipong maputi,matangos ang ilong at may kalusugan ang mga alam niyo na.

Pero itong si Lelith iba ang dating. Yung pwede ngang maging modelo dahil payat, matangkad , morena yung tipong asian na asian ang ganda. In short di siya yung tipo ko. Pero she got my attention. Why?

Nakakain na naman ako ng masarap na sinuglaw. Pero di ko nakita si Lelith. Di naba siya nagtatrabaho doon. Nagtatanong ako tungkol sa kanya pero wala raw. Teka lang Bat ko ba siya hinahanap.

Pumasok na ako ng kotse. I was about to go ng mahagip ng paningin ko si Vieve. Sinundan ko siya ng tingin hanggang pumasok siya ng restaurant. At dahil salamin ang harapan nito, kitang-kita ko kung sino ang kausap niya. Walang iba kundi ang kanina ko pa hinahanap. Si Lelith.

Huli ka! Kung ganun ay Pinagtataguan ba ako ng babaeng ito pero bakit? May mali ba sakin may nagawa ba akong mali? Mas lalo tuloy akong di mapalagay. Kinuha ko ang cp ko at tinawagan si Vieve.

"Hello! Vieve? Kamusta?" Panimula ko.

"Oi... Reemas kaw pala ok lang ako. Napatawag ka!?". Kitang kita ko ang gulat sa Tugon nito.

"May itatanong lang sana ako kung ok lang." Sambit ko.

"Oh sure! Basta wag lang history huh... mahina kasi ako diyan hehe." Biro nito I don't know what history she's referring .

"No. Don't worry. Ahmmm... itatanong ko lang sana ang number ni Lelith kasi ano may kaibigan akong gusto magpa cater baka daw may mairekomenda ako naisip ko ang pinagtatrabahuan ni Lelith sa FLORDELI . Asan kaba ngayon ?" Pagsisinungaling ko.

"Ah... ano kasi may ano gagawin pa pala ako... dito sa bahay oo nga sige ha tawagan nalang kita bye! "(Tooot) Bigla niya akong binabaan. Kitang kita ko ang mga reaksiyon nila.

Ang pinagtataka ko ay kung bakit sila ganito. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong nagawang mali. Nung huli nga naming pagkikita ay tinulungan ko pa nga ang babaeng yon na isabay sa paguwi.

Na curious tuloy ako at honestly nasaktan ako sa Pagsisinungaling nila. Bababa sana ako upang komprontahin sila pero tinawagan ako ng assistant ko urgent daw. Sa ibang araw ko nalang sila haharapin.


FLORENCE:

Kanina pa ako di makalabas ng kitchen dahil napansin ko na isa sa mga customers ay si Reemas. Buti nalang at nakaalis na siya. Sakto naman at kakarating lang ni Vieve.

"Flong pasensiya kana traffic kasi." Bungad nito bitbit ang inorder kong painting galing sa shop niya for my office.

"Naku mas ok nga yon kasi pag nagkataon baka nagpang abot kayo ni Reemas". Sambit ko.

"Ano? Si Reemas as in Reemas Malleros? OMG! Dinadalaw ka niya? Sabi ko na nga parang nahuli yon sa bitag mo eh. O ano paano na? Kelan ang kasal?" Eksahirada nitong tugon.

"Naku tumahan ka nga. Di nga ako makalabas ng kitchen kanina e kasal agad? Lam mo namang kumukulo ang dugo ko sa kanya diba?" Paliwanag ko ng biglang tumunog ang cp niya.

"Naku speaking of the...hmmmm. Ano sasagutin ko ba ito paano pag nagtanong saiyo?". Natataranta nitong sambit referring to Reemas who's calling .

"Ay naku wag mong sagutin yan o... di kaya'y sabihin mong di na tayo nagkikita kaw na bahala." Nataranta na din ako. Sinagot din niya.

"Oi... Reemas kaw pala ok lang ako. Napatawag ka!? Oh sure! Basta wag lang history huh... mahina kasi ako diyan hehe .Ah... ano kasi may ano gagawin pa pala ako... dito sa bahay oo nga sige ha tawagan nalang kita bye! " Pagsisinungaling ni Vieve.

"Bruha ka. Bakit di mo nalang diretsahin yung tao. Di yung ganito pati ako nadadamay kaloka kinabahan ako dun huh Flong ang hirap kaya mag lie."

"Eh hayaan mo na. Basta sa susunod ignore mo siya wag mong sagutin. Pero thank you isipin mo lang bayad yan sa pangtatraydor mo sakin. Ilang beses mo na akong pinapahamak." Biro ko.

"Luh! grabe siya oh. Sige na nga hanapan na natin ng magandang spot tong painting. "

At nagkatawanan nalang kaming dalawa.


***
A/N

Nakatapos na naman ng panibagong chapter!. Hope u like it! Ingat lge and GODBLESS! Keepsafe!

Thank You Lord Jesus Christ sa lahat lahat.

When love and hate conniveWhere stories live. Discover now