KABANATA 12

21 4 3
                                    


Reemas:

I was left alone. I don't know what to do. Until I found myself drinking in a bar. May mga girls na nagpapapansin sakin pero isa isa ko silang pinagtataboy.

So this woman is not just any random girl. Florence  was actually part of my past. I was living my life not knowing na there's someone who is living bitterly because of me.

I went to Vieve's house awhile ago and she said that because of what I did before parang naging manhater na daw si Florence because of me, di lang dahil sa nangyari sa Batangas mas malalim pa pala. Ni wala nga pa raw itong naka relasyon. Lahat ng mga lalaking nagkaka interest rito ay  nire- reject agad agad.

Masyadong marami na ang nainom ko so I asked the bartender to do something for me.

"Pre...paki hannnap mo nga sa contacts ko . brooooo Juneeee...ok narinig mo ba? broooo June taz call mo that I'm here k??? sala...mat!"

Buti at naintindihan niya ang lashingggggg version voice ko.

"Hello Sir June? Nagwowork po ako sa Elite's bar. Yung may ari po nitong phone ay mukhang tinamaan na sa kanyang ininom. Tawagan ko raw po kayo aniya... ah ok po sige po salamat".

Narinig ko pa yung pagtawag ng bartender kay June pero sobrang hilo na ako. Nakapatong na ang ulo ko sa table counter. Diko na alam kong ano na ang sumunod.

Pagka gising ko ay nasa sariling kwarto na ako.

"Shit! Ang sama ng pakiramdam ko. "

Hinahagod ko ang sariling ulo ng biglang bumukas ang pinto. Si Mama Edna.

"Buti naman at nagising kana. Naglaga ako ng malunggay pantanggal ng hangover mo. Pati agahan nakahanda na. Bumaba ka na ng  makasabay ka namin ng papa mo."

"Yes ma I'll go down in a bit. Magbabanyo muna saglit. "

"Ok. Bilisan mo't lalamig na ang pinahanda ko."

At dali-dali akong nagbanyo taz bumaba na para saluhan sina mama't papa sa pagkain. Lumuwas pala sila ng Maynila dahil sa therapies ni papa. Di pa ako naka visit ng province kaya buti nalang.  Ngayon magkasama muna kami.

"Sobrang lasing mo kagabi ah. Buti at naihatid ka ni June pauwi. Bakit kaw lang ata  uminom may problema kaba?"

Tanong ni Papa Justino sakin. Bumalik na uli sa normal ang pagsasalita niya resulta ng mga therapies niya. Pati paglalakad niya ay may progress nadin.

"No pa I'm ok. Trip ko lang uminom ng unti kagabi kaso nga lang ayon di namalayan . Tinawagan ko si June para sunduin ako."

"Naku Reemas umaayos ka ha! Bumaba ka nga ng barko pero maglalasenggo ka lang naman naku!"

"Luh! lasenggo agad agad pa? Para namang araw araw akong umiinom eh di naman. "

"Oo nga naman hon. Hayaan mo na ang anak mo bibihira lang naman yan umiinom. " Pagtatanggol ni mama.

"Thanks ma".

"Ay naku nagkakasundo talaga kayo. Basta Reemas buti pa atupagin mo yung pag-aasawa ng makakita na ako ng apo."

"Wag mo ngang pini- pressure yang anak mo. Pero anak sang-ayon ako sa papa mo hehe. Gusto mo ba ng tulong may irireto ako sayo. Maganda at stable na. Ano pakilala kita? "

Tamang balimbing din tong si mama eh haha. Pero kung alam niyo lang dumadamoves na ang anak niyo wag kayong mag-alala. Relax lang kayo malapit nah hehe.

"Hay naku...ayokong pakialaman niyo love life ko ok? Love life nyo nga diko pinakialaman eh". Biro ko.

-

Mahigit isang buwan din ang lumipas. Nabusy sa negosyo. Nung mabakante ay nakapag bonding ulit ng tropa. Sa bahay nina June.

Kasama nina Ric at Mar ang mga asawa nila. Si Bert may bago na ring sinisinta at kasama din niya. Si June siyempre starring din si misis. At ako...heto mag-isa na  naman. Nag iba ng kumpolan ang mga babae, okupado nila ang sala nila June at kami naman puwesto sa labas sa bandang garden.

"Bro ano bang nangyari dun sa prospect mo huh?" Si Ric.

"Nakow! first time in history. .." Si June.

"First time in history na ano?" Si Mar.

"Di paman nakaarangkada eh  basted na agad!" Si June ulit.

At nagtawanan ang mga loko. Umiling iling nalang ako.

"O ano brother nakakita ka ng katapat mo. Hahaha " Si Mar.

"Hanap ng iba sobrang daming available dyan and willing. " Si Bert

"Oo nga bro yang gandang lalake mong yan? Di yan mawawalan mas maraming magkakandarapa." Si Ric

"Ay naku...di paman nakaabante eh napatid na agad tong bro natin. Sad but true pero ang tanong uurong ba o susulong...abangan ang susunod na kabanata haha". Si June

"Tamang kantyaw lang pwede ba... Porket pumapag-ibig kayo ay may karapatan na kayong e bully ang mga single gaya ko? Wait lang kayo...". Turan ko.

"Sige na nga awat na haha. Pero may trivia muna ako. Remember niyo nung high school si bisayang Avril?"

Si June feeling kuya kim amp. Nakwento ko ata sa kanya about kay Florence  habang hinahatid niya ako nung nakainom naku!

"Bisayang Avril?" Halos sabay na bigkas nina Mar, Ric at Bert.

"Yung girl na sobrang lodi si Avril Lavigne na patay na patay dito sa bro natin?"

"Ah...oo naalala ko na kaso diko na maalala itsura niya. Pero nung High School naman talaga tayo lodi halos lahat si Avril Lavigne. " Si Bert

"I remember her also kaso bigla nalang yun nawala nag transfer ata." Si Mar

"Oh me too... So anong connect ?". Si Ric.

"Well, here's the thing... She and the girl... our dear brother is after now... boom! The same girl  mga kapatid "

Gulat na gulat naman sila sa pa trivia ni mokong. Maski nga ako di parin masyadong nag sink in.

"So you mean after ilang years I mean mahigit isang dekada din yun bro! pinagtagpo ulit kayo nung first kiss mo?" Si Mar.

"Well I think that's destiny bro baka siya ang meant to be mo haha can't wait " Bert.

"Wait! My first kiss was Shania. I don't remember kissing her before ...did I? "

I was stunned. I  really thought my  first kiss was Shania promise . She's my first girlfriend and we did it out of curiosity before and hindi pumasok sa isip ko na hindi nga pala siya may nauna pala unfortunately I forgot. Even if was just an accident but it's legit. She really was my first kiss.

"Oo nga I remember din. You really forgot bro? Kung sa bagay sobrang tagal naman na kasi saka it was just an accident. So pwede rin di counted yun haha so ano na bro? " Si June.

Mahaba habang usapan pa ang pinagsaluhan namin ng tropa. Mag aalas 10:00 na ng gabi ng makauwi ako sa bahay.

Nakahiga na ako sa kama pero di parin ako makatulog. I tried to search her on IG and without further a due I found her real quick . Di ko inexpect na followed na pala namin ang isa't isa.

"Teka lang followed na pala natin ang isa't isa. And I didn't remember following you hmmm...so  it means na ikaw ang unang nag follow sakin?... May galit ka sakin but you still managed to follow me...you are really something Florence Zamora and I am willing to push forward. I...think I like you na."

I was scrolling through her posts and I can't believe my eyes. She blossoms beautifully. Diko talaga siya nakilala. Yung gandang di mo inakala. And yes I did something terrible before kaya I understand kung bakit siya ganito ngayon sakin but I want to make up for it. Gusto kong pagsisihan ang mga nagawa ko and I'm willing to win her. I really do.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When love and hate conniveWhere stories live. Discover now