KABANATA 1

485 10 7
                                    

SIMULA


REEMAS :

(dreaming)

"Welcome home anak!!!"

Maligayang bati ng aking mga magulang. Akma ko na sana silang yayakapin ng biglang may sumugod at naunahan ako.

Magiliw na kinarga ng aking ama ang isang napaka cute at nakakaaliw na batang lalake. Hinala ko ay nasa 2 o 3 taon. Ang pinagtataka ko ay bakit kamukha ko ito nung kabataan ko.

"Salamat naman anak at dinala mo ang pamilya mo." Nakangiting sambit ng mga ito sabay gawi ng tingin saking bandang kanan.

Noon ko lang napagtanto na ang akala kong maletang hawak ay isa pa lang kamay. Kamay ng isang babae. Di ko nga lang masyadong maaninag ang mukha dahil sa liwanag lalo pa't nakasuot ito ng puting bistida.

Sinubukan kong tignan ng mas malapitan . Oh my God!!! ............ Mukha ng kaibigan kong si June ang rumihistro at naka pouty lips pa..."ahhhhhh!!!" Sigaw ko.

Napabalikwas ako ng bangon sabay tunog ng cp ko. Bigla akong naalimpungatan at kinapa ito sa bedside table . Pinilit kong buksan ang mga mata at tiningnan ang oras. Alas 6:37 pa ng umaga. Hinayupak na June sa panaginip man o hindi ay distorbo padin.

BRO JUNE CALLING...

Anak ng tinapa....Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko pa tinawagan ang mokong na'to kagabi at binalitang nasa Pinas na ako.

Si June Zamora. Isa sa pinakamalapit kong kaibigan/kababata/kaklase/kapatid sa ibang magulang lahat lahat na. Isang dakilang makulit at playboy ngunit sa kagandahang palad ay tinamaan na rin sa wakas ni kupido at napirmi na sa isang babae. Isang taong mahigit na itong kasal kay Samantha, ang babaeng pumutol sa kahibangan nito. Isa ako sa mga saksi ng kasalan nila noon. Putya may nalalaman pang iyak ang gago. May kadramahan din pala ito.

Ayaw ko pa sana siyang sagutin ngunit di na rin naman ako makakabalik sa pagkakatulog.

"Ang aga pa ah. " sabi ko.

"Bro gising kana?"

"Malamang kausap na kita diba?" Sarkastiko kong sagot sabay hikab.

"Haha ...excited na ang tropang makita ka alam mo na namiss ka namin. " Sabay halakhak. "At siyempre sa pasalubong. Ano nabili mo ba. Yung size ko tanda mo naman diba? Ano susugod mga kapatid naba kami jan ha.?"

Sunod-sunod nitong tanong. Alam kong yon talaga ang pakay nito ang mga pasalubong. Hahaizt naman talaga di maka pag- antay. Pasalamat siya't wala siya sa harapan ko.

"Hoi hello anjan ka pa?" Tanong ulit nito.

"Wala ba sa bukabularyo mo ang jetlag bro.? Kakauwi ko lang kagabi ah. Magpatulog ka naman... Ang aga mong mambwisit! "

"Haha sorry bro pero di kaba excited makita kami huh? Magtatampo na kami niyan. Sabi nga pala ng tropa didiretcho na kami jan mamaya pagkatapos ng alas 12. Kaya maghanda kana ok? Sige bye. Uyyyyy! Siyanga pala check mo fb o ig mo. See you later alligator wahaha " ( tot.... sabay putol ng kabilang linya)

"Hello! Hello! Binabaan pako. Hay naku may magagawa paba?"

Napailing na lang ako . Corny talaga ng gago. Sobrang bago nung 'see you later alligator' ah...at dahil di na makatulog ay binuksan ko na lang ang mga kurtina sa bintana. I admit masaya ang feeling na andaming lugar na napupuntahan but the feeling of being home iba talaga.

Andito ako ngayon sa bahay namin sa isang subdivision sa Q.C pero balak kong umuwi sa mga susunod na linggo sa lugar ng mga magulang ko sa province namin sa Del Oro . May lupain ang mga ninuno ko sa province na kalaunan ay namana ng aking ama. May rubber plantation roon na siyang ginagawang gulong at iba pa. Andun ang parents ko now.

Against ang parents ko sa pagbabarko ko. Gusto nilang pamahalaan ko nalang ang plantasyon ngunit sadyang matigas ang bungo ko.

Ayoko kasing mapirmi sa probinsya. I've always wanted to travel and explore. At nahanap ko yun sa pagbabarko.

Kinuha ko ang cellphone at agad na tinignan ang FB pati IG. Nabasa ko ang isa sa mga tagged posts sakin na magkakaroon ng pagtitipon ang batch namin sa High School at sa isang resort sa Batangas gaganapin. Ngunit ang nakahuli ng aking pansin ay ang huling note:

'You can bring your spouse or lover with you '.

Medyo napangiti akong binanggit ang mga huling kataga "lover with you".

I'm Reemas Malleros. Single and very much willing to mingle. May mga nakarelasyon na ako dati at di naman sa pagyayabang pero di mapagkakailang marami ang nagkakagusto sa'kin, ganun talaga ang buhay ...sa totoo lang tayo hehe.

Ngunit ng nagsimula akong makasampa ng barko ay pinili kong huwag makipag relasyon. Ayoko ng long distance relationship. Also I don't want to get involve with anyone lalo na at iba ibang places ang destination namin mahirap na. I'm a living proof na di lahat ng seafarers ay babaero. In fact naka dalawang girlfriends palang ako.

Bigla kong naalala ang 2 naging relasyon noon. Si Shania ang first love ko nung High School ngunit nagkasundo kaming maghiwalay dahil sa tutol ang ama nitong terror na police.

And Celestie nung College. She wanted to pursue her education in the states. I tried to stop her before kasi feeling ko nuon siya na ang the one ko. Mas masakit palang mabigo sa pangalawang pagkakataon. But I'm glad nung nag cruiship ako na divert na yung attention ko.

Kamusta na kaya sila still single pa kaya? Hmmmm... Siguro naman ngayon na nakapag desisyon na'kong iwan ang barko for good ay it's about time na for me to settle down. To have my own family. Halos lahat ng ka batch ko ay may pamilya na.

Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang napanaginipan ko kanina at ang hiling ng aking ama na sana ay makakita man lang siya ng apo bago siya kunin ni Lord.

Biglang may kumurot sa aking puso. Isa sa dahilan kung bakit ako nagdesisyong bumaba ng barko ay dahil sa kondisyon ni papa. Kahit madalas ay di kami magkasundo ay mahal ko ito.

Minsan na nga itong tumutol sa pagbabarko ko ngunit wala itong nagawa. At nitong huli ng malaman kong na stroke ito ay nagkusa na akong bumaba ng barko at pamahalaan na lang ang plantasyon at mas palaguin pa ito lalo na ang gumahan. Malawak ang tanimang rubber trees ni Papa meron din iba't ibang klase ng crops.

It's about time na rin siguro na sundin ko ang gusto niya para sa akin. Wala na din kasing ibang mamahala. Ako lang ang tanging anak nila.

Hindi naman sa hindi ko gusto ang probinsya. Infact I always spent my vacations there before ako nag barko. I think it's about time to embrace it.

***

A/N:

Matagal ko ng nasimulanang story na ito and recently nitong pandemic lang nabalikan ulit kaya I want to say na may revisions akong nagawa. So I hope magustuhan niyo. Thank you and ingat kayo lage. GODBLESS!

When love and hate conniveWhere stories live. Discover now