KABANATA 6

103 8 1
                                    


FLORENCE:

Muntik na akong maiyak sa inis at baho ng ibinuga ng lasenggong nakadagan sakin. Ang akala kong si Vieve ay ang manyakis na si Reemas pala. At nagkalat pa! Punyemas!

"Ahhhhhhhhh!!!!!!!!!"

Sigaw ko sabay tulak dito ngunit di ko siya kaya sa sobrang bigat niya. Nagsilabasan sina Vieve at ang asawa niya. Pati ang mga dinala kong 4 na staffs na nasa malapit naming rooms ay nabulahaw din.

"Maam ok lang po kayo?" Rinig kong sambit ng isa sa mga staff ko.

"Ilayo niyo sakin ang manyakis na to utang na loob!" Galit na sigaw ko.

"Anong nangyari dito? Nong ginagawa niyong dalawa Flong? Magsara man lang kayo ng pinto bago ahermm ... ." Nakakalokong sabi ni Vieve nakangisi pa.

"Hoi grabe ka Ving! Wala kaming ginawa! Ilayo niyo sakin ang manyakis na'to bago ako tumawag ng police! Tingnan niyo ang ginawa sakin..." At tinuro ko ang malapot na likidong kumapit sa katawan ko.

"Ewwwwww...sorry Flong ha?. Sensiya kana nagtataka lang kasi ba't siya nakapatong saiyo yon pala lasing lang...taz manyakis agad?haha... Hon, kayo mga boys dali tulungan nyo nga ako kay Reemas ng makabalik sa room niya."

At pinagtulungan na nilang mag-asawa at ng iba pa si Reemas papunta ng silid nito na katabi lang pala ng room ko.

Pagkatapos ng nakakadiring eksena ay natahimik narin ako sa wakas. Pero di parin ako makatulog mag uumaga na. Diko tuloy maiwasang isipin ang mga nangyari kanina.

Galing sa unfinished scandal na nasaksihan ko sa may beach kanina to ewwwnesssss real quick . Hay naku! Kakainis! Pero di ko alam kong bakit may kakaiba akong naramdaman kanina. Hindi ko mapaliwanag. Hanggang sa nakatulog narin.

................dreaming...................

Toktoktok. .. toktoktok.... toktoktok

"Yes saglit lang bubuksan na po..." At pinagbuksan ko ang kumakatok. Pagbukas ko ay may nakatayong anyong lalaki pero di ko maanininag ang mukha dahil sa sobrang liwanag. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap pero di naman ako pumalag at gumanti pa nga ako ng yakap na parang miss namin ang isa't isa. Ang sarap ng mga sandali para bang may kailangan namin ang isa't isa. Bigla siyang kumawala sa pagkayapos sakin at hinawakan niya ang aking mukha at akma niya akong hahalikan... oh my! Bigla nalang akong napapikit at naglapat nga ang aming mga labi...ang sarap... pagkatapos ng halik ay binuksan ko ang mga mata ko at laking gulat ko! Oh no! Di pwede to? Bakit ikaw?!!! Lumayo ka sakin manyak! Ahhhhhhhhhh............

At nagising ako habang hawak ko ang unan na sa pakiwari ko ay yon ang kahalikan ko kanina. OMG! Nakakahiya buti nalang at mag-isa lang ako. Bakit siya naging laman ng panaginip ko at kahalikan ko pa. Pero di ko maitatangging may dulot itong di ko mapaliwanag na emosyon.

Almost 5 am na pala. Nakatulog lang pala ako ng mahigit dalawang oras. Maghahanda na lang ako para maaga akong makakaluwas ng Q.C. Siguradong tulog pa sina Vieve at ang ibang mga nag party kagabi. Paano ba ako magpapaalam kina Vieve? Maya maya na lang siguro. Hihiga nalang muna ako saglit ngunit di ko namalayan nakatulog ako ulit.

Bigla akong nagising ng tumunog ang cp ko tumatawag ang isa kong empliyado kung papasok ba ako dahil may kelangan daw akong pirmahan.

Diyos ko po! Pasado alas diyes na pala ng umaga! Masyadong napahaba ang tulog ko oh no! Nagmamadali kong kinuha ang mga gamit ko. Pahamak talaga tong si Vieve di man lang ako ginising at nagsipag uwian na siguro.

Nagmamadali akong lumabas ng mahulog ang cp ko. Pinulot ko ito at ng pagtayo ko ay nahagip ng aking tingin ang taong laman ng panaginip ko kagabi.

When love and hate conniveWhere stories live. Discover now