Falling: Fourteen

7 1 0
                                    

Facebook

Isidore Meldin sent you a friend request.
CONFIRM DELETE

~*~

Nagising ako ng maaga dahil balak ko sanang kumain ngayon bago pumasok. Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi ako nakakapag luto dahil tintamad ako at walang ibang kakain.

Dati sa probinsya ay maaga ako nagigising dahil ako ang nag luluto para sa almusal bago kami pumasok sa eskwelahan at sa hacienda ni Tatay.

Naisip kong icharge muna ang phone ko pagtapos ko maligo kaya kinuha ko yon at lumabas na rin ng kwarto.

Iiwan ko na sana sa gilid ng lababo kung saan nakasaksak ang charger ko nang mapansing may notification ako galing sa facebook. Gamit ko na ang bagong bigay na cellphone ni Lolo sa akin dahil nakita ko gamit din ng iba kong kaklase.

Isidore Meldin sent you a friend request.

Napakunot ang noo ko, may nangttrrip ba sa akin at ginamit talaga pangalan ng dati kong kaibigan? Siguro ay taga doon to sa probinsya!

Nag saing na muna ako at habang nag sasaing sa ricecooker ay nilabas ko na yung tocino galing sa freezer at pinalambit ito.

Binalikan ko ang phone ko at tinignan yung profile na nag add sa akin. At sa gulat ko, ang picture na asa profile ay si Sid! kamukhang kamukha niya talaga kaya naman inaccept ko agad ito at para makasigurado ay imemessage ko ito. Na lalo ko naman ikinagulat dahil may mga message na pala ito sa akin!

~*~

Isidore Meldin
You're friends on facebook
Lives in Seville, Spain
June 14, 4:58

Isidore Meldin
Hi
Do you still know me?
good morning there,
have a nice day and
good luck with your firstday of being college.

June 15, 4:55

Isidore Meldin
Hi
how are you?

June 16, 4:59

Isidore Meldin
Good morning
please take care today
I'll probably sleep now since
my cousins alr go home

June 17, 4:58

Isidore Meldin
Good morning there
I srsly don't know if you can still remember me
you don't have the rights to forget about me
I'm your only bestfriend!
kidding :)

June 18, 4:47

Isidore Meldin
Ah
okay
fine

~*~

Ngayong nalaman ko dahil sa messages ay napag isipan kong replyan ito. Aba malamang kilala ko pa siya! I mean, isa lang naman kilala kong Isidore, yun ay ang kaibigan ko dati na umalis kasama yung pinsan niya.

Speaking of his cousin, kumusta na kaya si Cloud?

Catch Me In DawnDonde viven las historias. Descúbrelo ahora