Falling: Nineteen

6 2 0
                                    

Ilang araw na rin mula nang iblock ko si Sid sa messenger

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ilang araw na rin mula nang iblock ko si Sid sa messenger. Nagtingin ako sa message request or sa sapam if nag message na naman siya, pero nang makita kong wala ay hinayaan ko na.

Naalala ko naman siya. Sa kanilang apat na magpipinsan at kaibigan ko, sa kaniya naman ako pinakamalapit. Siya yung unang nakilala at kumausap sa akin.

Apata na taon, kung tama pag kakaalala ko, summer after elementary's graduation umalis sila pamanila at hindi na bumalik.

Naintindihan ko naman bakit sila umalis, pinaintindi sa akin ni Tatay yon dahil umiyak ako. Unang dahilan ng pagkaiyak ko ay ang pag alis nila, niya. Pangalawa dahil mas lalong wala na akong makakausap sa school dahil wala na silang apat. May mga nakakausap akong kaklase noon pero wala akong nagiging kaibigan dahil ayaw nila sa akin. Pangatlo, dahil kay Cloud. Ngayon ko lang napagtanto na tama nga sinabi niya non, masyado pa kaming bata, masyado pa akong bata.

Tinanggal ko na lang yon sa isip ko saka lumabas ng apartment at sumakay ng tricycle. Hindi naman kalayuan ang paaralan ko, pero kailangan ko pang sumakay ng trike papunta sa terminal ng jeep, at jeep papunta sa school kaya nag tatrycicle na lang ako lagi para deretso na at di na bababa pa. Isa pa, bago lang ako dito at hindi ko pa kayang makipag sabayan sa mga sumasakay din. Hatid sundo ako madalas noon ni Tatay.

Nang makarating na sa unibersidad na pinag aaralan ko ay nag bayad na ako ay pumasok. Hinawakan ko ang ID lace ko para masigurado na suot suot ko ito.

Hindi ko alam pero dala ko lagi parehas ang cellphone ko. Ang luma tsaka ang bagong binigay ni lolo Cad. Pano ba naman kasi, nakaraang linggo ay may ipapasanh file dapat sa akin, ang isa sa mga kaklase ko kaso hindi pwede ibluetooth dahil nag kaiba kami ng phone. Kaya ngayon lagi ko na rin dala para kung sakali.

"Maganda tong phone mo! dapat gumawa ka ng instagram para mapag postan mo ng pictures." Napatingin ako sa katabi ko sa klase. Hawak niya ngayon ang phone kong nilapag sa lamesa.

"Wala akong alam diyan at meron parang di para sa akin ang bagay na 'yan." Sabi ko na lang sa kaniya.

Pero sa huli, ginawan niya pa rin ako ng account sa sinasabi niya. Dinownload niya yung app at nung mag log in ay kinonek niya lang sa facebook ko para daw okay lang na di ko maalala ang password.

Hanggang sa mag lunch ata ay yun ang bukang bibig niya sa akon. Kesyo kumuha ako ng picture na maganda tas i-edit at ipost ko, pati pag kain sinasabi niyang picturan ko at ipost. Napailing na lang ako sa kaniya. Nang mag uwian ay sumaglit kami sa street foods sa labas. Bumili ako ng kwek-kwek ay gulaman.

Jade, siya yung katabi ko sa klase. Natutuwa ako na tingin ko ay may isa na akong kaibigan ngayong sinula ng college. Alam kong mahirap ang college at kahit isang kaibigan lang, yung masasandalan ang kakailanganin ko. Nakikita ko 'yon sa kaniy kaya napapanatag ako.

Nag paalam kami sa isa't isa, siya ay pumunta sa parking lot habang ako naman ay pumunta na sa terminal ng mga tricycle.

Pagkauwi ay nag pahinga ako saglit bago naligo dahil napagpawisan at nausukan na rin ako sa labas. Dahil asa loob lang din naman ako ng bahay na, suot ko lang ay isang simpleng shirt at short.

Humiga ako sa kama ng patagilid. Nakuha ng atensyon ko ang liwanag mula sa bintana ng kwarto at naalala ko yung sinabi ni Jade sa akin. Tumayo ako at inipit ang buhok ko mula sa pagkakalugay, sinuklay ko pa 'to para maayos. Kumuha ako ng ilang litrato doon pagkatapos ay nag tanggal ako ng ipit kaya muli akong nakalugay at kumuha na naman ng litrato.

Natawa na lang ako sa sarili ko dahil sa pinaggagagawa ko. Hindi naman ako magilig mag selfie! Pero dahil sa sinabi ni Jade ay gusto kong matry.

Bumalik ako sa kama at inopen yung app na ininstall ng kaklase, iniba ko yung username ko doon at pangalan para di ako mahanap ni Jade kung sakali dahil siya ang nag set non.

Namg matapos ay dala dala ko ang phone ko palabas ng kwarto at nag tungo sa kusina para maglabas ng lulutuin para sa hapunan ko.

Habang pinapalambot ko yung manok na ia-adobo ko ay umupo muna ako sa sala at kinalikot ang cellphone. Nang makuntento sa ginawa ay nag luto na rin ako at inayos yon sa lamesa bago rin kuhanan ng litrato.

Tawang tawa na lang ako sa pinag gagagwa ko. Malakas naman ang loob ko ipost yon sa instagram tulad ng sinabi ni Jade dahil walang nakakaalam ng account ko at walang ibang makakakita.

Matapos ko kumain ay tumambay muna ako sa sala at nanuod habang pinost ko naman ang picture na kuha ko sa instagram. Napailing na lang ako at itinuon ang atensyon sa palabas sa TV.

~*~

~*~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

~*~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

~*~

Note: Up here is the photo of Elle's instagram. The pictures are not mine, I got it from pinterest. Credits to the owner.

Catch Me In DawnWhere stories live. Discover now