Falling: Fifty

15 1 0
                                    

"Tara bathroom!" Aya ni Jade sa amin nang makabalik na ako sa classroom

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Tara bathroom!" Aya ni Jade sa amin nang makabalik na ako sa classroom. Galing ako sa office para makausap si Dean, at nakatanggap ako ng magandang balita!

Summa Cum Laude ako!

I really can't wait to share this with Tatay, Lolo and Sid! I'm sure they will be happy. Isa to sa pinag papaguran ko lagi, alam ko na masusuklian din lahat ng pagod ko sa pag-aaral at ito na 'yon!

"Tara." Malaki ang ngiti ko habang inaantay ang dalawa na mag ayos ng gamit nila bago kami lumabas para pumunta sa banyo.

"Ano ginawa mo sa office ni Dean?" Tanong sakin ni Jade habang papasok na kami sa bathroom.

"Hmm, may pinaayos lang sakin si Dean." 'yon na lang ang sabi ko dahil mas gusto kong makaunang makalaman ay sila Sid, Tatay at Lolo.

Nakarating kami sa bathroom at nag paalam yung dalawa na papasok na sila sa cubicle para umihi habang ako naman nakabantay sa mga gamit nila. I tried calling Sid through messenger at ilang ring pa lang ay sumagot na 'to.

"Roxie, I don't have time today. I will call you once I already have a plan, alright? Take care."

Para akong nawala ng kulay sa narinig. Roxie? Isn't that Roxanne? Pangalan ko ay Elle? Shanelle?

Hindi ako nakasagot at hindi na rin namalayan na wala na palang tao sa kabilang linya. Roxanne and Jade are still inside so nag paalam akong humiram ng phone para mag picture kay Roxanne. But to be honest di naman 'yon ang gagawin ko.

We both know our passwords. Simula nung 2nd year namin ay nag share na kami ng password sa isa't isa para pag may kailangan ay mabilis na magagawa. Ayos lang naman sa amin 'yong ganon dahil wala rin namin kaming tinatagong kung ano sa mga phone.

The only thing na bawal gawin ay mag basa ng messages sa phone ng iba. So when I opened Roxanne's phone ay hindi ako sa messenger or messages pumunta. I checked her phone book to look for the same number.

Love
+34*** *** ****

Para akong natulos sa kinatatayuan ko. I checked her call log at puro ganon ang lama non, kung hindi man iyong numero na 'yon ay ang samin ay puro Love ang nakalagay.

Hindi ko na inabala pa ang sarili ko na ibalik pa ang phone niya at nag scroll lang doon hanggang sa makalabas sila na sila.

Nang mahagip siya ng mata ko ay hindi ako nag dalawang isip na sampalin siya kahit na may ibang tao na andirito rin sa banyo. Gulat ang mga nakakita maski siya at si Jade sa ginawa ko.

"Shanelle! Anong ginawa mo?!" Galit na tanong ni Jade sa akin at hinila palayo si Roxanne sa akin. Hindi ko siya pinansin at lumapit uli na kahit hinarangan siya ni Jade ay nasampal ko pa rin siya. "Shanelle, ano ba?!"

Sinamaan ko siya ng tingin, "Bakit hindi mo itanong sa kaibigan mo kung anong kahayupan ang ginawa niya?"

I trusted her.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Catch Me In DawnWhere stories live. Discover now