chapter 10

2.2K 39 0
                                    

KELICITY POV

Nakadungaw ako sa bintana at nag iimagine ng future namin ni lexous

Pag 24 years old ako magpapakasal na kami and then sa forest kami magpapatayo ng bahay para fresh air and tahimik

Gusto ko unang anak namin ay lalaki and then sunod ay babae para may magproprotekta sa babaeng anak namin

"That's all for today class dismiss!"
Automatic na sa harap ang tingin ko nang marinig ko ang salitang yon

"Goodbye and thank you ma'am Espenueva" sabay sabay naming sabi at nag ayos na kami ng mga gamit namin

"Oh btw Ms Riley. Go to the guidance office after lunch"

Ahh? Bakit nanaman kaya

"Y-yes ma'am copy!" Sagot ko sakanya at napakamot ng ulo ko

Nagulat naman ako ng may bumatok sakin

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si callie na masama ang tingin sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay

"Problema mo nanaman" mataray kong sabi nang binatukan niya ulet ako kaya nag peace sign nalang ako sakanya

" Loka ano nanaman ginawa mo ha?"
Galit niyang tanong at napanguso nalang ako

"HEY stop that. Baka may itatanong lang yung principal sakanya, besides she's a good girl. Except.... She's always late"

Napabaling naman ang atensyon ko sa katabi ko

Dzuh di naman laging late, ang aga lang kasing mag klase

"Anong good girl ka diyan eh nung last year nga nakipagsuntukan siya sa lower grade na mga lalaki"
Sabi ni callie

"Last month nakipagsabunutan siya sa Queen Bee kuno"sabi ni Avery

"And nung last week sinagot sagot niya yung advisory class natin remember?"
Sabi ni Avegail

Napasimangot naman ako nang ilaglag nila ako

"Hoyy di ako gumagawa ng mga ganon ng walang dahilan noh!"

"Oh bakit mo nga sinuntok mga lower grade?"

" Eh sabi nila "hi miss pakiss naman" sabi ko sapak you want? Sabi nila "basta ikaw kaya kong tiisin ang sakit basta susunod sarap na edi sinuntok ko"

"Whattt? And you only punch them??"

"Hey hey last year pa yon wag kang oa"

"What happened then? Did they got expelled?"

"No since wala pa namang violence.. ako lang yung nasuspende kasi nanuntok ako pero 5 days lang"

"Why 5 days?"

"Umm kasi natanggal dalawang ngipin ng leader nila pero marami pa naman natira hehe"

"Tsk they deserve it though. Let's eat" sabi ni cleo. inakbayan niya ako at naglakad na kami papunta sa canteen

"Ehemm ehemm aalis ba muna kami? Nakalimutan niyo na ata kami."

"Kaya nga haha switch to team cleo na ako"

"Hoy may pag asa parin ang team Denvier!"

Huh? Sinasabi nila wews mga siraulo talaga

We're just friends

Natawa naman si cleo sa kaabnormalan nila

Ilang minuto pa ay nakarating na kami

Pumunta kami sa pinaka gilid na area kasi doon ang lima ang upuan

Nag unahan pa kami ni callie sa tabi ng bintana pero nauna pa ang gurang

Nagsmirk pa sabay pakita ng dila niya

Grrr kainis

Pumila na kami sa pag orderan ng kakainin namin

Bibilhin nalang namin ang usual na kinakain namin since wala naman silang sinabing bibilhin nila

Nagchichismisan kami ni cleo nang biglang nagtilian ang mga babae at senyales na meron nanaman sila

Sila ang heartrob dito sa school
Si Dylan ay Red ang buhok na parang manok at si Klein naman ay black ang buhok

Si Dylan ay playboy na magaling sa sports habang si klein ay matalino pero ayaw sa sports

Dalawa lang sila at kinababaliwan sila ng mga babae dito pero nasa college building sila

But why are they here?
Binalewala ko nalang sila at binaling ang atensyon sa harap

Kami na sana ang oorder pero may biglang pumunta sa harap ko

Napakunot ang noo ko at kumuyom ang kamao ko pero kinalma ko ang sarili ko

Tinulak ko siya ng di naman ganon kalakas at sumingit naman ako sakanya napasinghap naman sila

Dzuh kami naman dapat ang oorder kasi kami ang nauna

"Isa nga pong large---

"Hey, did you know what you have done sweetie?"

Kinilabutan naman ako nang biglang may bumulong sakin at ramdam ko ang labi niyang dumikit sa tenga ko kaya humarap ako sakanya pero napalunok ako nang pagtaas ko ng tingin ko ay anlapit ng mukha namin sa isat isa

K-klein?

"What the--"

Nagulat na lang ako nang biglang may humila sakanya at sinuntok siya
Kaya napatili ako

Dali dali ko namang inawat si cleo

Oo si cleo ang sumuntok kay klein na nakahiga na sa sahig

"Back off fucker! Stay away from her!!"

Napasigaw din ang mga nakakita pero wala ni isa ang gustong lumapit dahil sa takot

May dugo siya sa labi pero pinunasan niya ito na parang wala lang sakanya at nagsmirk lang ito at tumawa pa ng mahina. Nagulat ako nang tumingin siya sakin kaya napatago ako sa likod ni cleo
At niyakap siya patalikod

Nakakatakot siya T___T

"Stop starring at her!!!"
Sigaw ni cleo at susugod na sana pero mas hinigpitan ang yakap ko sakanya

"Why? She's not yours though"
Nanunuksong sabi niya

"T-tama na please pabayaan mo na..."
Pagmamakaawa ko kay cleo na anlakas ng paghinga at alam kong dipa kumakalma

Unti unti naman siyang huminahon at napa tsk siya

"Pfft hahaha "
That's it? It's boring"
Napabaling ang tingin ko sa tumawa

Nakasandal sa dulo malapit samin si Dylan na kanina pa nanonood

Tumayo naman si Klein at akala ko ay gaganti pero pumunta siya sa pinaka dulo ng pila

Napabuntong hininga ako at nag order nalang dahil gutom na kami

Bumalik naman sa dati ang lahat na parang walang nangyari

Abnormal

Nang makaorder na kami ay naglakad na kami papunta sa table namin pero napabaling ang tingin ko kay klein

Nagsisisi ako na sana hindi ko nalang ginawa dahil nakatitig siya sakin. nagtama ang tingin namin kaya dali dali akong umiwas

Dumudugo parin ang gilid ng labi niya

Yan kasi pwede naman pumila ng maayos singit singit pa alam nang gutom ang tao eh pisti ka




MY KUYA LOVES MEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant