chapter 28

654 11 0
                                    

Avery POV

"You're very disgusting, pathetic and useless! I'm in the middle of the meeting and your principal called me because my daughter got in trouble?! Nakakahiya ka! Nagmana ka sa nanay mo at sana pinayagan ko nalang siya na kunin ka dahil problema lang naman ang dala mo! Wala ka ng ginawang tama!"

I'm very tired of all the drama and i just wanted to fucking sleep and rest!

Pero bakit pag uwi ko sampal agad ang bumungad sakin?!

Mas nakakahiya ka dad dahil alam mong may mga katulong na nanonood pero wala kang kadala dala

Gusto ko nalang matapos ang lahat!

"Ano??! Dahil sa lalaki nagkakaganyan ka?? To the point that you will hurt your cousin and ruin her reputation because of jealousy??! Tangina. Kagaya ka lang ng nanay mo! Kayang iwan nag asawa at anak para sa ibang lalaki! Di na ako magtataka kung magiging kagaya ka din niya!"

"You're such a disgrace!"

"Shameless!"

"Pathetic and useless!"

Halos mabingi ako at wala na akong ganang pakinggan siya dahil paulit ulit nalang na ganito ang sinasabi niya. Lagi niyang pinapa mukha ang kamaliang ginawa ng asawa niya noon

Yes i don't acknowledge her as my mom kasi never ko siyang nakita mula pagkabata ko at ako ang naghihirap dahil sa kamaliang ginawa niya

She left us for other man. Hindi na ako magtataka kung may sarili na siyang anak sa lalaki niya at wala akong pakialam

"Answer me! Puro nalang ba sakit sa ulo ang gagawin mo?? Kung alam ko lang na ganito ang kakalabasan edi mas pinili ko nalang na mag adopt!"

"Edi sana hindi mo nalang pinutok sa loob para di ako nabuhay!bakit? Tinanong mo rin ba ako kung ginusyo kong maging ama kita?? Pwes sasabihin ko sayo, hindi ako masaya na ikaw ang naging tatay ko kagaya nalang ng pagkadismaya mo dahil ako ang naging anak mo!"

I saw him shocked at my response

Vulgar pero totoo naman. Hindi siya naka react ng mabilis pero nang makarecover ay bigla nalang niya akong sinabunutan kaya ako napatayo

"Wala talagang magandang lumalabas sa mga bunganga mo noh?? Mabuti nalang at hindi naging kagaya mo ang kambal mo dahil kung hindi ay parehas kayong papalayasin ko kahit anak ko pa kayo! Mga walang silbi!"

Pagkatapos non ay bigla niya akong tinulak at nauntog sa lamesa

Nakita ko naman ang mga katulong namin na naaawa sakin sa kalagayan ko dahil saksi sila sa paghihirap ko dito sa bahay na to.

Oh well.. this doesn't feel like home,
It's hell

Para akong immune sa sakit dahil halos wala akong maramdaman kahit ano. Naramdaman ko nalang na may tumulo mula sa ulo ko at hindi na ako nag abalang tignan kung ano yon dahil alam kong dugo yon

Sakto namang bumukas ang pinto at niluwal nito si avegail

Nagulat siya nang makita ako at dali dali akong pinuntahan at inalalayan na tumayo

"Dad what have you done?! Oo may mali siyang ginawa pero anak mo parin siya! Anak mo pa rin kami!"

"Wala akong anak na walang kwenta! Isa ka pa avegail! Kung sana hindi mo kinunsinti yang kapatid mo edi sana hindi niya yun nagawa!"

Napatawa ako ng mahina

Kami ba talaga ang anak mo o si kelicity? Mas nag aalala ka pa sakanya kaysa samin??

Siguro kung sasabihin mong anak mo si kelicity ay hindi na kami magtataka dahil halata naman na gustong gusto mo siyang maging anak!

"Now, go to the basement and repent!. Wag na wag niyo siyang papakainin at bibigyan ng tubig! Wag niyo rin siyang gamutin at kapag nahuli ko kayo ay tatanggalin ko kayo sa trabaho!"

MY KUYA LOVES MEWhere stories live. Discover now