chapter 18

1.2K 28 3
                                    

Kelicity POV

Pagkatapos ng nangyari sa garden ay iniwan ko na siya don na nakatulala bahala siya don nagugutom ako eh

Nasa canteen ako kasama sila callie, avery at avegail

Baliktad naman ngayon ang eksena dahil ang tahimik na avegail ay siya namang daldal ng daldal habang si avery ay tahimik lang

Mala " akoy tahimik lang sa umpisa" ang eksena ni avegail ngayon. Charreng

Bigla ko namang naalala yung nangyari sa hospital noon. Nung sinigawan ako ni avery at mukhang ayaw din niya akong kausapin ngayon

Napabuntong hininga nalang ako at nagsubo ng burger

"Btw may extra kayong pe uniform? Kahit yung pants lang" tanong ni avegail

"Ako meron samahan moko mamaya sa locker ko" sagot ko at tumango naman siya

Pagkatapos namin kumain at nagpahinga ay sakto namang nagring ulet ang bell kaya pumunta na kami sa may locker

Habang naglalakad kami ni avegail ay napaisip ako bigla

"Avegail alam mo ba kung bakit di ako pinapansin ni avery?"

Bigla nalang siyang nailang bigla at hindi makasagot sa tanong ko

"Ahh haha ano kasi.. ewan ko din sa kambal ko na yun diko din makausap ng maayos"
Nauutal utal na sagot niya kaya napa ahh nalang ako

Hindi nadin siya nagsalita hanggang sa makarating kami kaya binuksan ko na ang locker ko

Nagulat naman ako nang nakita ko ang cellphone ko

Dahan dahan ko namang kinuha yon

Cellphone ko ngaaa!

"Bakit andito yang cellphone mo? Naiwan mo ba?" Tanong niya

"Nawawala kasi kaya nagulat ako na andito ito."

"Ha? Akala ko ba... Ahh wala haha buti nahanap mo na"

Naguluhan naman ako sa inasal niya pero sinawalang bahala ko nalang at kinuha ang pe uniform ko at binigay sakanya yung extra pants ko

Pumunta na din kami sa cr para magpalit at pagkatapos ay dumeretso na kami sa field

Pagkarating namin ay bigla akong kinabahan bigla dahil andito din ang ibang grade and section pero meron ding mga lower grade na paalis na kasi di nan pwede na magstay sila dito since di ganon kalawak ang space ng field para magkasya kaming lahat

aist kaasar na yan mag skip class nalang kaya ako??

Napadako ang tingin ko sa gilid at kung minamalas kanga naman ay nakita ko ang mga letchungas

Si Klein at Dylan tss

Matalim ang tingin ni klein sakin dahil siguro yung ginawa kong pagsampal sakanya hmp deserve niya naman

Nang nagtama ang tingin namin ay pinandilatan ko siya ng mata at pinakyuhan kaya napataas ang kilay niya

"Girls line up! Double time!"
Sabi ng teacher namin sa pe subject sabay hila sakin ni avegail papunta sa mga kasama namin

"Bakit antagal niyo??" Inis na tanong ni callie samin kaya napakibit balikat ako at di na siya sinagot kaya naparoll eyes siya

Taray talaga neto batuhin koto ng bola ehh

"So group 1 vs group 2 same group numg nakaraan! Next is group 3 and group 4""

Sabi ng teacher namin pero...

Sino ang kasama kooo?! Tanginang yan nagcutting ata ako non kaya diko alam

Bigla nalang akong hinila ni avegail

Ay ka team ko siguro siya. Namumuro nato sakin kanina pa hila ng hila

"Kasama kita dito ka. Yan kasi cutting cutting pa!"

"Hehe peaceyow!"

So ang mga kasama ko ay sila avegail, Tyrone, Gail, ect habang sa kabila naman ay sila callie, avery at iba pa

So volleyball ang Labanan haist no choice kahit di ako marunong mag volleyball ay kelangan ko parin sumali dahil performance task ito

"Keli dito ka alam kong dika magaling magvolleyball pag sayo tumapat yung bola ako ang titira ok??"
Sabi ni avegail kaya napa tango tango nalang ako

Hanggang sa nagsimula na

Sa kabila ay si callie ang magseserve

Shett namamangha nalang ako dito sa kinatatayuan ko habang punapanood ko sila na nagtitira ng bola

hanggang sa diko namalayan na papunta saakin ang bola kaya napatili ako ng konti

pero mabilis na tinira ni avegail hanggang sa mapunta ito sa kabila

Masasabi ko pang ay ang galing nila shet

Hanggang sa sa napunta kay Gail ang bola at natira niya ito ng malakas napunta sa kabila at halos mapasplit pa yung kalaban para matira yung bola pero hindi niya natira kaya kami ang nanalo

Gusto ko tuloy kumain ng popcorn dahil nakatayo lang ako pero nagulat ako dahil papunta ulet sakin ang bola at automatic na gumalaw ang kamay ko para tirahin kaso ay naalala ko na si avegail dapat ang titira hanggang sa sabay kaming titirahin ang bola kaso natamaan ko ang kamay niya kaya nasaktan siya at hindi namin natira ang bola

"Arayy ansakit! Potanginang yan"
Nagulat pako nang bigla siyang nagmura dahil sa tahimik neto ay ngayon ko lang ulit siya narinig na nagmura

Sigurado masakit yun kaya siya napamura huhu

"Keli diba sabi ko sayo ako ang titira? Shett ang sakit"
Sermon niya sakin kaya naguilty tuloy ako

"Sorryy huhu kusang gumalaw kamay ko ehh" sabi ko at napa tss nalang siya

Waaaaa galet ata siya

"Basta sa susunod ako ang titira ha?"

Sabi niya kaya napa oo nalang ako

Nagsimula na ulet at nakita ko naman na seryoso ang mukha ni avery

Ehhh galit ba siya?

Sinerve ulet ni callie ang bola at natira naman ng kakampi namin kaya napunta ulet sa kalaban hanggang sa paulit ulit hanggang sa

Si avery ang tumira ng sobrang lakas na tumalon pa siya

Spike ata tawag don pero sa kamalas malasan ay sakin pa papunta ulet ang bola at sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ito natira ni avegail

"Shett keliii!"

"Halaa! Ansakit non sigurado!"

"Dalhin niyo sa clinic!!!"

Sa kamalas malasan ay ako ang natira ng bola at napahiga ako sa damuhan sabay hawak sa ilong ko dahil sa mukha ko mismo tumama ang bola

Oo sa mukha!

Shet ang sakit. Naramdaman ko naman na may tumulong likido mula sa ilong ko at nang pinunasan ko sabay tingin ng kamay ko ay nagulat ako

Dugo! Shet ang ganda ng ilong ko bakit ilong ko paaa huhuhu

Inalalayan naman ako ng mga ka team mates ko at pati narin ang kalaban namin para tumayo

"Shit keli ayos ka lang?? Samahan kita sa clinic" sabi ni cleo na diko namalayan ay nakaalalay din pala sakin

Pumunta narin samin Ang teacher namin sa pe at may sinasabi pero diko na marinig ng maayos dahil unti unti nang nanlalabo ang tingin ko hanggang sa mandilim ang paningin ko pero bago yon ay nakita ko kung paano mag iba ang expression ng mukha ni Avery at masasabi kong

Galit siya.

Bakit?


MY KUYA LOVES MEWhere stories live. Discover now