Kelicity POVNext subject namin ay english at dahil I'm a proud Pilipina ay tatangkilikin ko ang wikang pilipino
Dahil nga wala akong magawa ay nilapag ko ang bag ko sa lamesa ng upuan ko and then kinuha ang cellphone ko at nag scroll scroll muna sa fb
Napapaisip ata kayo kung bakit ako nakakapasa sa mga subjects ket papetiks petiks lang ako?
Di kasi ako ganon ka bobo dzuh tamad ako mag aral pero may pangarap ako
Pangarap kong maging architect kung hindi papalarin maging asawa nalang ng architect
Cleo POV
Nakaupo ako sa tabi ni keli at kapansin pansin ang mga lalaking nakamasid sa mga puno mula rito sa kinauupuan ko at malakas ang kutob ko na si keli ang pakay nila
Pero bakit?? For what??
I know she's a troublemaker but not to the point that someone will want to get rid of her or something like that
I have to do something
I raised my hand to get the attention of our teacher and she immediately ask me why
"Please excuse me miss i need to go to the comfort room" i said and acted like i urgently need to go out and thankfully that worked
Lumabas na ako at hinanda ang sarili ko para harapin ang mga yon
Callie POV
Katabi ko si avery at kanina kopa siya kinukulit kung bakit wala siya sa sarili pero hindi niya ako pinapansin kagaya ngayon
"Shh callie manahimik ka nakikinig ako"
"Sabihin mo na kasiii bestpren moko ganyanan na pala ah wala peyk prend ka"
"Tss wala nga kulit neto sumbong kita Kay ma'am pag dika pa nanahimik"
Inis na bulong niya sakin kaya naparoll eyes nalang ako at sininghalan siya"Baho nagtoothbrush kaba?" Pang aasar niya sakin kaya nainis ako
"Anong mabaho??? Kiss kita diyan ehh!"
Umarte naman siyang parang nandidiri
"Di ako bisexual anteh haha"
"Alam ko halata naman kung kanino ka may gusto" sagot ko sabay ngisi sakanya at unti unti namang nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng walang emosyon
Gotcha haha now i know
Pero sana hindi masira ang pagkakaibigan natin dahil diyan
Tsk tsk pagmamahal nga naman buti dipako tinatamaan.
Kelicity POV
At makalipas ang ilang oras ay dumating na ang oras na pinakahinihintay ko
Uwiaannn naaaaaa
Namiss ko yung bed ko huhu gusto ko nang humiga nakakasawa nang umupo maghapon
Napansin ko naman na wala si Cleo
Eh? Nagka diarrhea siguro siya antagal niya namang nag cr kung ganon
Or baka nawalan ng tubig don at wala siyang paghugas?
Impossible na mawawalan yon kasi private university tong samin di naman siguro mawawalan ng tubig dahil mahal ang binabayad namin
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Cleo at nagring naman kaso hindi niya sinasagot
Lumapit naman sila callie at avegail sakin
"Keli tara na uwi na tayo"
Aya ni callie sakin"W-wait lang. Si Cleo kasi kanina pa wala nagpaalam kalagitnaan ng discussion pero dipa bumabalik"
"Ayy teh baka nagcutting yon andaya bat di tayo sinama" sabi ni callie kaya mas lalo naman akong nabalisa
"Pero impossible yon! Di siya nagcucutting at never niya gagawin yon. Impossible ding di siya tatawag sakin kung kanina pa siya nakauwi---
Hindi kaya...... Tinambangan siya ng group nila klein sa away nila?
Shet.... Hindi pwede!
Oo hindi pwede dahil sa pagkakaalam ko ay hindi lang sila basta basta heartthrob dahil GANGSTER sila at malakas ang group nila at iisa lang si Cleo
Nakita ko namang nagmadali g lumabas si avery kaya tumakbo nadin ako at sinundan siya
Alam kong hahanapin niya si Cleo kaya tumigil ako at hinarap sila callie at avegail
"Tatawagan ko kayo in case of emergency at pag nangyari yon ... Tumawag kayo ng pulis" seryosong utos ko sakanila at kahit naguguluhan ay tumango nalang sila kaya mabilis akong tumakbo para hanapin si Cleo
Isa lang ang sumagi sa isip kong Lugar
Yun ay ang base or tambayan nila Klein at kahit kinakabahan ako at natatakot sakanila ay mas lamang ang pag aalala ko kay Cleo
Tumakbo ako palabas ng school at sa hindi kalayuan sa school ay may eskenita at sa pinakadulo nito ay may abandunadong bahay
Alam ko ang lugar na ito dahil aksidenteng napunta ako noon dito dahil sa pagtatago ko noon at nakita ko sila klein kasama ang mga kagrupo niya
At hindi nga ako nagkakamali
Nagtago ako agad sa pader dahil nakita ko ang nakapalibot na lalaking naka itim at nakaupo naman sila klein na may dalawang kasama
Pati na rin si Cleo..... Napasinghap ako nang nakita ko siyang nakahalumpasay sa semento at may dugong nagkalat
Rinig na rinig ko mula dito ang tawa nila klein na parang demonyo
Tangina mopo
Ring~~~
Shitt! Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at sinagot ang tawag
"Tignan niyo kung sinong pangahas nayan na naglalakad loob na pasukin ang teritoryo natin"
Rinig kong sabi ng isa kaya mas lalo akong kinabahan"Hello? 10 minutes away from school eskinita pinakadulo bilis" mabilis na sabi ko at pinatay ang tawag dahil alam kong papalapit na ang tauhan nila klein
Tatayo na sana ako para tumakbo nang may humawak sa braso ko ng mahigpit dahilan para mapasigaw ako sa sakit
Hinila niya ako papalapit kila Klein at kitang kita ko kung paano siya ngumisi nang makita ako
Pakyu ulol ngisi ngisi kapa diyan ampangit mo pangit mo!
Hanggang sa magkatapat na kami ay tinulak ako ng kasamahan niya dahilan para mapaupo ako at malapit sakin si Cleo kaya mabilis akong pumunta sakanya kaso lang ay pinaglayo nila kami lalo
"Ano bang kailangan mo!????" Sigaw ko kay Klein at sinamaan siya ng tingin
"Pfft you look like angry kitten. Last time you're so scared and couldn't even dare to look at me"
Pang aasar niya sakin pero diko na siya pinansin at lumapit kay Cleo na walang malay hahawakan kona sana siya nang biglang hatakin ako ni Klein kaya napaigik ako dahil sa sakit"Ano bang kasalanan niya sayo para saktan mo siya ng ganito?!!" Tanong ko sakanya at nilapit naman niya ang mukha niya sakin kaya iniwas ko ang sarili ko pero hinawakan niya ang mukha ko ng madiin dahilan para di ko ito maigalaw
"Because technically you should be the one in his stead but he dared to interfere on my plans! But now that you're here, it's worth it. Now there's only one person missing"
Sigaw niya diretso sa mukha ko at gusto ko mang magtakip ng mukha dahil sa amoy sigarilyong hininga niya ay hindi ko magawa
Pero aaminin ko amoy imported na sigarilyo talaga ang hininga niya pero kulang nalang ay tumalsik ang laway siya sa pagsigaw niya dahil diko alam kung bakit nang gigigil talaga siya
Help meee wala naman akong ginagawa bat ako napunta sa sitwasyong ito
T________T
YOU ARE READING
MY KUYA LOVES ME
Teen FictionKuya ko noon jowa ko na ngayon? Kuya ko noon may gusto na sakin ngayon? Nooooo never ko maimagine ang sarili ko na jowa ko si kuya Este kuya kuyahan ko Pero pano na ngayon? Kahit anong gawin ko ay nakatali na ako kay DENVIER ZEVOUX Sila mommy at...