chapter 16

1.6K 39 8
                                    


Kelicity POV

Friday na ngayon pero wala na yung dating saya ko sa tuwing sumasapit ang friday dahil nagplaplano kami lagi nila Callie na gumala o di kaya tumambay

Pero dahil grounded nanaman ako ay matamlay ako

Malamang sino bang may matinong pag iisip na magiging masaya kapag nagrougrounded??

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba nako at nakita ko naman na kumakain nadin sila daddy at ate Bea pero wala si ate Janice. Baka bumalik na sa condo niya

Tahimik akong umupo para makisalo at inabutan naman ako ni nanay Gemma ng Bacon Rice at spam

Nagsimula na akong kumain nang nagsalita si daddy

"I hope that you will keep in mind what we have discussed yesterday"

Hindi nako kumibo at sakto naman na biglang bumukas ang pinto at si kuya Denvier yon kaya tumayo na ako  at pagtalikod ko ay nagsalita siya ulet

"MEGAN"

Napabuntong hininga ako at humarap kay daddy

"I know you're just protecting me but you can't control me"
Malamig na sabi ko at naglakad palabas at narinig ko na tinawag niya ulet ako pero diko pinansin

Nilagpasan ko si Kuya Denvier pero nahuli niya ang braso ko at hinarap ako sakanya

"What's wrong with you??" Nagtataka at inis na tanong niya pero inirapan kolang siya at winasiwas ang kamay niya at nagtuloy tuloy sa kotse niya

I hate them

Especially Kuya Denvier. Kala ko pa naman bumait na siya pero siya pa ang nagsumbong sakin at may kasalanan kung bakit kailangan kong layuan yung kaibigan ko

Pumasok nadin siya sa kotse niya at nagtatakanh tinignan ako at nacoconfuse sa inaakto ko ngayon

"What's wrong?"

Tinignan ko siya at inirapan
Tinanggal ko ang tingin ko sakanya at tinuon ang pansin sa daan

Napabuntong hininga siya at pinaandar na ang kotse

Buong biyahe ay wala akong imik hanggang sa nakarating ako sa school at nang nakita ko siyang bumaba ay dali dali kong binuksan ang pinto ng kotse at nagmadaling lumabas

Diko na siya pinansin at nagdire diretso nalang ako ng lakad nang makalayo na ako ay biglang may humarang sa nilalakaran ko

Ano nanaman kaya problema ng isang to? Napataas kilay ko bigla

"Look I'm not looking for a fight, I'm here to apologize for what happened"

Sabi ni klein at nasa likod naman niya ang kaibigan niyang si Dylan na nakangisi kaya nag roll eyes ako sakanya

"Aww i didn't do anything to your friend kitten. I never apologize to anyone, if you want we can just have lunch together"

Pwe

Diko na siya pinansin at nakatuon ang attensyon ko kay Klein na seryosong nakatingin sakin.

Isa pa to nagsosorry pero di naman sincere

"Now can you just say that you accept my apology so that i can---

Pakk

Di niya natuloy ang sasabihin niya dahil sinampal ko siya ng malakas kaya namula ang pisnge niya

Gulat na gulat siya sa nangyari at di naka react

"Show your face in front of me and i will slap you again."
Madiing sabi ko sakanya at sinangga siya

Nakatulala lang siya at mukhang first time na may sumampal sakanya kaya pati kaibigan niya ay hindi din naka react

"You can slap me next time and i will kiss you in exchange"

Hindi ko na narinig ang binulong niya dahil nagdire diretso na akong naglakad papunta sa room namin

----

---

---

Pagkapasok ko sa room ay parang nasa zoo dahil sobrang ingay at sobrang gulo ng classroom namin.

Yah zoo talaga dahil animal sila. May ahas, unggoy, at giraffe kapag exam

Napadako ang tingin ko kay cleo

Gusto ko sana siyang kausapin at tanungin kung kamusta na siya pero naalala ko kailangan ko siyang iwasan kundi magrogrounded ako at mas malala ang punishment ko

"Hi Jelai pwede palit muna tayo ng upuan? Doon ka muna sa upuan ko" tanong ko kay Jelai at buti nalang pumayag siya kasi isa din siya sa nagkakagusto kay Cleo kaya wala siyang angal

Umupo na ako agad at nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sakin sila callie avery at avegail.

Sinabihan siguro sila ni daddy. Buong klase namin ay tahimik lang ako kaya pati teacher namin akala ay absent ako kaya binura niya ang pangalan ko sa absent

MY KUYA LOVES MEWhere stories live. Discover now