CHAPTER 07

23.7K 783 42
                                    



Finally nakapag-update na din! Namiss ko kayo😆 zathara_ayah thank you sa pakape!





Dahil nakadaong ang isang passenger ship ni Maximum sa Maynila ay inimbitahan niya si Lizzeth na pumasyal doon, alam niya kaseng gusto nito noon pa na makita ang mga barko niya. She want to see what inside of a ship and because he's not busy today and her day off as well he invited her.



"Para palang hotel ang loob no?" Sabi ko kay Maximum habang nililibot niya ako sa loob ng barko. This one looks so classy but I know they offered a cheaper price  specially on holiday. May mga promo pa nga sila kung minsan na nakikita ko madalas sa mga social media ads.



"Indeed, a hotel in the sea." Sabi ni Maximum. "Pero mas maganda pa din ang cruise ship ko." May pagmamayabang sa boses niya.



"Patingin ako ng mga room!" Excited na sabi ko. "Diba may mga kuwarto dito?"




Maximum looked on Lizzeth, para siyang may kasamang bata na pinapasyal ngayon. "This is a passenger ship Lizzeth so we have limited room here unlike to my cruise ship." Paliwanag niya sa dalaga mayroon lang ito na forty rooms na puwedeng ipa-book ng mga pasahero bago pa ang mga ito sumakay. Madalas na kumukuha ng mga ganitong kuwarto ay yung mga solo bumabiyahe at umuuwi sa parte ng Mindanao na inaabot ng tatlong araw sa dagat.



"Eh di dapat doon mo ko dinala."



"Mahilig ka talaga magreklamo ano? Follow me, may private room ako dito yun na lang ang tingnan mo." Aya ng binata kay Lizzeth, lahat ng barko niya ay mayroon siyang mga opisina at kuwarto. Minsan kase ay sumasama siya sa biyahe lalo na kung bagong bili pa lang ang barko niya.



May pangilan-ngilan kaming mga empleyado na nadaanan na binabati si Maximum,  yung iba ay naglilinis hanggang sa makarating na nga kami sa pinaka dulo na yatang parte ng floor na nilusutan namin. Kung ako lang mag-isa ay siguradong maliligaw ako dito. Buti na lang at maliban kay Maximum ay kasunod din namin ang mga men in black niya. Oo binigyan ko na ng pangalan ang bodyguard ni Maximum prime na laging kulay itim ang suot.


Maximum opened the door using his finger print. Sinenyasan din niya ang mga bodyguard na nakasunod sa kanila na hanggang labas na lang ng kuwarto ang mga ito.



"Taray! May pa finger print ang pinto parang korean korean lang ang peg!" Sabi ko sa kanya pagpasok namin, pero tiningnan lang niya ako. Why so serious Maximum prime? Smile!



"This is my room here, kumpleto na din lahat dito." Sabi ni Maximum na binuksan ang kurtina gamit ang hawak na remote control, maging ang aircon ay binuksan niya din.



Lumapit agad ako sa bintana, may oceanview! "Ang ganda.." hindi ko mapigilang sabihin, first time ko lang kase talaga makapasok sa barko na katulad nito.


Kumuha ang binata ng juice in can mula sa personal ref na naroon at inabot kay Lizzeth bago siya naupo sa sofa. "Mas maganda ang kuwarto ko sa cruise ship dahil may veranda ako doon." Kuwento niya matapos inumin ang hawak na mineral water.


"Talaga? Sa susunod doon mo ako isama ha!" Sabi ko naman at naupo sa kama na naroon. Ang lambot ng kama, at ang sarap matulog! "Natutulog ka din dito? O tamang pasyal lang?"


"Depende, minsan." Kibit balikat na sagot ng binata.



"May sinama ka ng babae dito?" Curious kong tanong. Sa itsura ni Maximum habulin to ng babae lalo pa at mayaman.



M.A series #07 Maximum GallegoWhere stories live. Discover now