CHAPTER 26

22.5K 718 17
                                    

Sa sobrang green flag minsan di ko na din alam yung magiging takbo ng istorya😂😂 haypp ka Maximum prime.



 
Marcus feel happy seeing all of his friends, hindi pa nga sila kumpleto kung tutuusin dahil sampu talaga silang solid na magkakaibigan. Walo lang sila dito at wala pa ang dalawa, pero kahit ganon masaya pa din siya at nabuo sila at nakapunta dito sa bahay ni Gael.

"Baka umiyak ka na niyan pare, alam kong masaya ka dahil halos kumpleto tayo." Sabi ni Thunder na siyang katabi ni Marcus.



"I'm just happy seeing all of you, and I know sa susunod na magkikita-kita tayo ay may kasama ka ng asawa." Pabirong sabi ni Marcus, pero alam niyang magkakatotoo yon.



"Sino bang mag-aakala na ang isang Hugo Montero ay magtitino diba?" Si Maximum na tiningnan ang kaharap na si Hugo, his friends looks so happy right now and contented on their lives. Mga feeling bagets dahil nakapag-asawa ang mga ito ng mga mas bata sa kanila.



"Well, I should be thankful to Ara for accepting my bad flows, and to Rios who shot me twice na siyang dahilan sa pagtino ko." Sagot ni Hugo.



Nagtawanan silang magkakaibigan pero alam nilang totoo yon, Hugo is happy go lucky guy until he met Ara and Rios shot him.



"Dapat lang magtino ka Montero dahil ibabaon ka talaga ng tatay ni Ara kapag niloko mo pa yan o pinaiyak." Ani ni Rios. Nasa kabilang lamesa ang mga asawa nila at tulad nila ay may iniinom din ang mga ito pero light beers lang. Mahirap na at baka magpasaway pa ang mga ito.



"Who thought we will get married at the age of forty? Wala.." si Gael na ang katabi naman ay si Bullet. Akala niya noon tatandang binata na lang siya dito sa Paraiso pero hindi, nakilala niya si Isla.



"Mga inggitero kase kayo, ako ang nauna tapos sinundan lang nitong si Bullet." Sabi ni Marcus, siya naman talaga ang unang nag-asawa sa kanilang magkakaibigan na dapat ay hindi naman talaga at wala sa plano niya. Pinakasalan niya lang noon si Amara para gantihan ang tatay nito na siyang dahilan ng pagkakakulong niya sa loob ng labing limang taon. Pero hindi niya akalain na mahuhulog siya at itatratong parang reyna ngayon ang asawa. And now he's happy being with his family.



"Naunahan mo lang ako pero kami talaga ni Elaine ang dapat magpapakasal." Sabi naman ni Bullet.


Bigla naman siyang binatukan ni Samuel. "Ang kapal ah, hindi din naman kayo makakasal ni Elaine kung hindi ka lang nahuli ng mga kuya niya na nasa kuwarto niya."



"Tsk, nahuli man o hindi sigurado akong sa akin pa din ang bagsak ni ganda." Pagtatama ni Bullet, that their story. Secretary ni Marcus ang asawa niya na ngayon na si Elaine at hindi naman talaga sila maikakasal ng biglaan kung hindi siya nahuli ng kuya Darwin nito na natutulog sa kuwarto ng ngayon ay asawa na niya. Elaine have four brothers kaya hindi siya talaga puwede magloko-loko dahil hindi lang isang bala ang tatama sa kanya pag nagkataon.



"And I will never be contented in my life without Brielle.." si Samuel na pasimple pang sinulyapan ang asawa niya. Sa kanilang magkakaibigan ay siya lang ang nataguan ng anak, and he saw his daughter when she's already seven years old, maganda at magalang na bata ang anak nilang si Thalia. At ngayon nga ay nasundan na nila ito.



"Kaya ikaw Gallego paspasan mo na ng panliligaw yang si Lizzeth, malay mo siya talaga ang ending mo." Sabi ni Gael na nakatingin sa kaibigan,



Maximum just smiled on his friends and drink his beers. Ayaw niya pa din syempre madaliin ang dalaga kahit pa sabihin na naangkin niya na ito. Kumbaga sa tinanim hindi niya pa puwedeng kuhanin dahil hindi pa hinog. Beside hindi din naman niya ineexpect na magugustuhan niya si Lizzeth, unang-una ayaw niya sa madaldal, maingay at walang preno kung magsalita na babae. Ayaw niya din yung nauuna pang magbigay ang babae ng motibo sa lalaki kung may gusto ba o hindi kagaya ng ginawa ni Lizzeth sa kanya noong una. Pero ngayon siya na itong parang naghahabol sa dalaga. He admit one of the big factor why he's courting her was after he took her virginity. Kung wala sigurong namagitan sa kanila ay hindi siya hahabol-habol ngayon dito.

  Wala bang pa music man lang diyan Isla? You know party party." Sabi ko sa kanya, it's already seven in the evening and we're all having so much fun. Buti na lang talaga pinayagan sila ng mga asawa nila na uminom pero yon nga lang puro beer lang. Si Kuya Rios kanina ang unang ayaw pumayag, pero nilambing-lambing ni Amethyst kaya napapayag din si komander. Pokmaru din talaga itong si kuya Rios kapag hinaplos-haplos na ng asawa niya. Tapos si Isla ang hindi talaga puwedeng uminom dahil nagpapa-breasfeed siya ng anak nila ni kuya Gael. Para nga lang nakisabit ako dito sa party na to eh, buti na lang talaga friendship ko na din sila.


Tinawag ni Isla ang isang tauhan ng kanyang asawa at tsaka pinaayos ang speaker at inilabas din ng bahay, maganda ngayon ang gabi lalo na at kita ang mga bituin sa langit. Hindi din mainit dahil nasa itaas ng burol ang Paraiso kung nasaan ang bahay nila ni Gael.



"Okay! Can I have your attention please!" Si Ara na kumuha pa talaga ng microphone. Nagtinginan naman sila Hugo sa gawi ng mga asawa nila.



"May magpeperform nga pala ngayong gabi para sa party na to so let's give a round of a applause to Lizzeth.." dagdag ni Ara na halatadong nakainom na.



Naghiyawan naman sina Amethyst at Brielle habang chinicheer pa ang kaibigan nilang si Lizzeth.



Nagpunta sa may harapan si Lizzeth at kumaway-kaway pa sa mga kuya-kuyahan niya. He saw her kuya Marcus smiled when he see her. Same on her kuya Rios who are cheering her too. Ang kuya Samuel at kuya Bullet naman niya ay tumatawa at lalo lang siyang pinalakpakan ng mga ito ng marinig na ang tugtog na kanta ni Tom jones na may title na Kiss.



You don't have to be beautiful
To turn me on
I just need your body baby
From dusk 'til dawn..



"Oh my god, oh my god that's my girl!" Tuwang-tuwa na sabi ni Amethyst ng sumayaw na si Lizzeth.



You don't need experience
To turn me out
You just leave it all up to me
I'll show you what it's all about


Lalo pa silang nagpalakpakan ng marinig na hindi ang original version ang tugtog kung hindi yung slow-mo kaya naman ang pag galaw ni Lizzeth ay dahan-dahan lang din at para pang nang-aakit.


You don't have to be rich
To be my girl
You don't have to be cool
To rule my world
Ain't no particular sign
I'm more compatible with
I just want your extra time
And your kiss

You gotta not talk dirty, baby
If you wanna impress me
You can't be too flirty mama
I know how to undress me



Lizzeth slowly walked going to Maximum, oras na para makaganti man lang sa mga pang-iinis nito sa kanya. Kaya naman humawak siya sa balikat nito habang sumasayaw.


While Maximum gritted his teeth while staring on Lizzeth, parang gusto niyang buhatin ang dalaga at iuwi na ng Maynila. Pero napamura na siya ng..


You don't have to be beautiful
To turn me on
I just need your body baby
From dusk 'til dawn


He heard again the music, at kasabay ng tugtog ay ang pag gapang ng kamay ni Lizzeth sa kanyang dibdib pababa kaya naman agad niyang hinawakan ang kamay nito at tumayo.



"I guess we should go home, ako na mag-uuwi kay Lizzeth." May pinal na sabi ni Maximum sa mga kaibigan.



"Pero maaga pa! Tsaka sa amin siya sasabay." Kontra ni Brielle na parang nabitin sa performance ni Lizzeth.



"Nahhh I have my own helicopter, kaya ako ng bahala." Tiningnan pa muna ni Maximum ang mga kaibigan na tatawa-tawa lang sa kalokohan ni Lizzeth.  Tinanguan siya ni Rios na para bang sinasabi na iuwi mo si Lizzeth ng walang gasgas.



#Maribelatentastories

M.A series #07 Maximum GallegoWhere stories live. Discover now