CHAPTER 24

21.4K 720 24
                                    

Hi. You can read the completed story of Sky Amaniego on vip group and patreon apps. Yes po may bayad.


Pre order pa din ang M.A series, pm niyo ko sa gusto mag-avail. Open for installment.





Yes I do grocery but not like this, parang magkakasakit  ako sa mga kinukuhang pagkain ni Maximum para sa akin.

"Unang beses ko itong mag-grocery sa mall ni Marcus, mukha namang fresh ang mga gulay at prutas dito." Kuwento ni Maximum habang tulak-tulak ang cart, ito ang unang pinuntahan nila pagpasok sa loob. Kumuha siya ng iba't-ibang gulay na sa tantsa niya ay aabot hanggang isang linggo kung ilalagay sa ref.



"Hindi ako kumakain ng lettuce Maximum!" Saway ko sa kanya at binalik ang lettuce na kinuha niya. Duhhh ano ko kambing? Hindi ako nakain ng damo no!



"Hindi ka kumakain niyan? Healthy kaya yan." Sabi pa ng binata at tsaka kumuha ng repolyo, kangkong at pechay.


"Hindi ako mahilig sa gulay, prutas puwede pa." May kaibigan kase si Kuya Rios, si kuya Gael na may hacienda at kapag may mga aning prutas siya doon sa kanila ay binibigyan niya sila kuya Rios at Amethyst tapos binibigyan naman nila ako ng mga prutas.


"You should start to eat veggies Lizzeth." Seryosong sabi ni Maximum, dati din ay hindi siya mahilig sa gulay pero naging health conscious na siya noong mag-thirty years old siya. From then, puro healthy food na lang ang kinakain niya.



"Kumain ka man ng gulay o hindi kung mamamatay ka ganon din yon." Like hello walang fast food sa langit no! Tsaka ma deads ka man atleast nakakain ka ng masasarap at hindi puro damo.



Napakunot noo ang binata sa sinabi ni Lizzeth. "That's why you need to be health conscious para humaba ang buhay mo."



"Kung totoo na mapapahaba na gulay ang buhay bakit kalimitan ng nagkakasakit ng malala ay yung mga tinatawag mong health conscious? Diba karamihan ng nagkakasakit ng mga cancer ay yung mga maaalaga sa katawan? So bakit hindi effective?"



Disbelief is all over on Maximum face, nakahinto silang dalawa at nakapameywang sa kanya ang dalaga. He got her point already, and yes medyo tama ang sinabi nito dahil yung mga kilala niya ngang health conscious ay siya pang mga nauna sa langit.


"See? Tama ako diba?" Nakangising sabi ko, totoo yon dahil madami akong kilala na ganon and one of that was my father. Healthy life style ang tatay ko at partida kahit may edad na yon ay nag-eexercise pa din pero ayon nga, nagkasakit naman at kinuha na ni lord. Kaya ako hindi talaga ako naniniwala na kapag healthy ang kinakain mo ay mapapatagal ang buhay mo, dahil kapag oras mo na. Oras mo na talaga and I thank you!



Hinayaan ni Maximum si Lizzeth na kumuha ng mga gusto nitong prutas, well atleast she eat fruits. Napansin niya na hindi talaga magpapatalo ang dalaga sa mga sinasabi niya, lulusot at lulusot talaga ito hanggang kaya nito.



"What's that?" Nagtatakang tanong ng binata sa nilagay ni Lizzeth sa cart na tulak-tulak niya. "T-tampons? Para san to?" Basa niya sa nakasulat sa box.


"Nilalagay yan sa pempem Maximum prime.."


"Y-you mean?" At tiningnan pa ng binata ang pagitan ng hita ng dalaga.



"Yes, nakasanayan ko na yang gamitin noong nasa Switzerland pa ako kaya yan din ang ginagamit ko hanggang ngayon kapag may monthly period ako." I can use sanitary pads but I prefer to use tampons during my red days.


Maximum start to read the description on the box, will insert internally? "Ipapasok mo to sa vagina?" Napalakas ang boses na tanong niya na kinatingin ng apat na bodyguard niya sa kanya.



Hinablot ko sa kanya ang box na hawak niya, siraulo talaga, ipagsigawan mo pa. "Oo pinapasok to sa pempem, happy? Happy?" Tsk, gusto pa talaga ieexplain ng mabuti eh.



Muling kinuha ni Maximum ang dalawang box ng tampons at tsaka binalik sa kinuhanan ni Lizzeth.


"U-uy akin na yan! Bibilhin ko yan!"

"You don't need this Lizzeth.."



"At bakit naman aber? Wala ka naman pempem kaya hindi mo kailangan nun pero ako kailangan ko yan."



"Hindi mo na nga kailangan niyan dahil hindi ka naman na magkaka-period. You might be pregnant already diba?"


Aba't! Gagong to ah! Sa inis ko ay sinipa ko ang tuhod niya.


Napahinto naman si Maximum at hinimas ang kanang tuhod niya. Shit! "Come back here Lizzeth, lagot ka talaga sa akin!" At nagmamadali niyang tinulak ang cart nila.




  It passed ten thirty in the evening when we got home, ginutom ako sa pamimili namin ni Maximum prime na siya lang naman ang nag-enjoy kaya inaya ko muna siya sa isang fast food chain bago kami umuwi. At syempre ako lang ang kumain at pinanuod niya lang ako. Arte eh. Dalawang cart lang naman ang pinamili namin sa M.D mall, isang cart kung saan puro healthy foods ang laman at isang cart na puro gusto ko ang laman. Wala naman na siyang nagawa dahil sabi niya kunin ko na ng kunin ang gusto ko. At hindi lang yon! May binigay siya sa aking kulay brown na plated card kung saan nakalagay ang initial ng pangalan niya, M.G lang ang nakasulat pero nung binayad niya na sa cashier at ginamit niya yon kanina ay nagulat ako dahil tinanggap ito! So syempre bilang hindi tumatanggi sa grasya nung binigay niya sa akin yon at sinabi niyang puwede ko daw gamitin ay hindi na ako nagpakipot pa. At bukas susubukan ko kung legit ba talaga to.


"Wala ka pa bang balak umuwi? Inaantok na ko Maximum." Sabi ko sa kanya matapos naming mag-ayos ng mga pinamili namin. Hindi nga lahat nagkasya sa ref dahil sa sobrang dami, magpabili kaya ako ng ref? Iniisip ko din kung paano ko lahat mauubos ng mga pinagkukuha niya.


"I'm tired too, dito na lang kaya ako matulog?" Pagbaba-kasakali ni Maximum.




"Ano ka sinusuwerte? No way! Baka mamaya kung ano na naman gawin mo sa akin no! Tapos hindi pa naman ako napalag. Umuwi ka na, bawal ka na dito matulog."




"Tsk, hindi ka man lang ba naaawa sa akin? Nilibre kaya kita." Paawa effect pa ng binata.




"Hindi ako naaawa, tsaka ikaw naman ang nag aya-aya sa akin kaya hindi ko na kasalanan yon." Lokong to akala niya nakalimutan ko na agad ginawa niya hindi niya talaga kinuha yung mga tampons dahil hindi na daw ako gagamit nun!



"Grabe ka talaga Lizzeth hindi ka man lang maawa sa manliligaw mo." Hirit pa ni Maximum sa dalaga.



"Exactly manliligaw pa lang, so saan ka naman nakakita ng nanliligaw tapos nakikitulog na?"



"Ako sino pa ba? I slept here last night."


"Maximum!" Akma ko siyang babatuhin ng hawak kong throw pillow pero mabilis lang umiwas ang loko!



Tumayo na si Maximum at nilapitan si Lizzeth. "Oo na, uuwi na ho!" Paalam niya dito pero bago siya tuluyang umalis ay hinagkan niya muna ang mga labi ng dalaga.


Hindi ko inaasahan na hahalikan niya ko. "Maximum!!" Tawag ko pa sa pangalan niya pero lumabas na siya ng bahay ko.


#maribelatentastories

M.A series #07 Maximum GallegoWhere stories live. Discover now